Malapit na ang graduation ng high school. Kinakabahan na ang lahat para sa paghahanda at lalo naman sa ranking, pero si Lyca sa iba kinakabahan.
Flashback.
"Okay okay hanggang graduation lang tayo. At kapag katapos nun, tapos na din tayo. Deal? Come on 1 year lang naman yun eh."
"Okay fine, deal."
"Yes! Thanks Lyca! The best ka talaga! Walang bawian yan ha!"
End of Flashback.
Kaunting linggo na lamang at graduation na, matatapos na ang kanilang deal. Dapat nga masaya siya, pero hindi. Hindi niya mawari ang dahilan. Napilitan lang naman siya sa sitwasyong iyon, dahil ang malandi niyang kaibigan este playboy na tropa ay walang girl friend at sa kasamaang palad, siya ang napagtripan. Bakit ba kasi ako? Takhang tanong niya sa sarili niya. At speaking of the playboy heto siya at papalapit kay Lyca.
"Babe." Tawag nito ng makapulupot ang kamay nito sa maliit na bewang ni Lyca. Babe daw. Babe your face. Napasimangot naman si Lyca lalo.
"Oh? Bakit?" Takhang tanong naman ni Joshua. Abnormal ka kasi.
"Wala." Tanging sagot ni Lyca.
"Tsk. Huwag kang ganan. May Graduation Ball tayo, at ikaw ang partner ko." Sabi niya kay Lyca.
"HOOOY! MAKINIG KAYO, AKIN SI LYCA SA GRADUATION BALL OKAY?! AKIN LANG HA! A.K.I.N. WALANG MAGULO. GETS NIYO BA?!" Biglang sigaw naman niya sa mga kaklase namin.
SRSLY JOSHUA? LANGYA TALAGA TO.
"Opo!" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko saka naman ako inasar.
Ito na naman tayo sa mabilis na tibok ng dibdib ko, kahit wala akong dibdib. Lol. Ano ba kasi to?
Ang graduation ball ay magaganap sa Sabado, bukas, ibig sabihin Biyernes ngayon. Grabe ang talino ko na. Lol.
Handang-handa na si Lyca para sa Graduation Ball, handa na ang kanyang cream at backless na damit, mahaba naman yung manggas siyempre. Hindi niya naman sinabi yun kay Joshua, baka kasi magalit. Magalit daw. Lol talaga.
"Susunduin kita bukas ng 6:30 PM. Sharp. Kapag hindi ka pa handa, iiwan kita." Sabi ni Joshua sabay talikod kay Lyca.
At wow, nandito na pala siya sa tapat ng bahay nila. Kailan pa kami nakarating dito? Lumilipad talaga ang oras kapag kasama ko siya. Napabuntong hininga si Lyca sa naisip niya, mali iyon. Maling-mali. Hindi bale, malapit na naman ang graduation matatapos na ang kanilang deal.
YOU ARE READING
Huling Sayaw (One Shot)
Short Story"Paalam sating Huling Sayaw, may dulo pala ang langit..." Read. Vote. Comment.
