Prologue

3 0 0
                                        

JUNE 9, 2014



Hi Diary!




First day ko sa school ngayon! Naeexcite ako na kinakabahan kasi college na ako! Wala na yung mga epal na teacher na sasayawin ka sa make-up, damit at buhok mo. Ngayon makakapagkulay na ako ng buhok, pwede nako mag make-up ng light at magsuot ng kung anong gusto kong damit.





Kanina pag pasok ko, medyo na-culture shock ako. Kasi dati nung high school konti lang naman mga pumapasok kasi maliit lang ang school ko. Ngayon ang dami na dahil sa isang sikat na unibersidad ang pinasukan ko dito sa Ubelt.




Medyo naninibago din ako pag-uwi kasi nagdodorm na ako malapit sa school. Pero okay lang para bagong experience and adventure diba?








So eto na nga, pagpasok ko kanina sa school ay hinanap ko na agad ang room ko. Medyo nalilito pa ako kasi ang daming building.




Pagkahanap ko ng room ko, may bumangga sakin na lalaki! Matangkad sya, hindi masyadong maputi pero may dating! Kaso ang cold nya. Nagalit pa sya dahil nabangga nya ko!



"Ano ba yan! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" aniya ng lalaki. Pero sa tono ng boses nya kalmado ngunit alam kong galit siya.




Aba ang kapal naman neto. Sya na nga nakabangga, siya pa galit! Tss.




"Edi sorry. Napaka-arte mo naman! Kalalaking tao e." sabi ko sakanya. Nakakairita ah! Umagang umaga nakakabadtrip. Ganto ba kahangin mga tao sa university nato?!




Ayun hinayaan ko nalang muna. First day naman eh. Baka ngayon lang yun.




Okay naman yung mga professor kanina. Oo nga pala, kaklase ko yung lalaking nabangga ko kanina. Jason Fernandez.





"Okay class, sino ang mga freshmen dito?" tanong ng professor namin.



Halos 80% ay mga freshmen. HRM ang course namin at siguro nasa 30 plus kami sa loob ng room. Nagulat ako pagtingin ko sa likod ko ay nandun yung lalaking nakabangga sakin. Pero hindi siya nagtaas ng kamay. Siguro transferee siya?



"Sino naman ang mga transferee?" Tanong ulit ng prof.





Hindi ulit siya nagtaas ng kamay. Naka-poker face parin siya. Nyek. Baka sit in lang to? Hmm...



"Sino naman mga irregular students?" Taning ulit ng prof.




At ayun nagtaas sya ng kamay. Sya lang ang nagtaas ng kamay.




"May I know your name, course and year Mr?" Tanong ng professor namin.




Obvious naman sa patch nya na nasa Institute of Technology sya pero di ko alam kung anong course nya dun.




"Jason Fernandez, Civil Engineering, Third Year" sabi ng lalaki.





Ahhhh! Jason pala pangalan nya. Pero Civil Engineering? Grabe naman. English 1 binagsak nya pa? Hmm..




Civil engineering sya. Kabog! Magaling sa math mga engineer diba? Hahaha! Anw. Ayun nagklase kame. Tinitignan ko sya minsan nakatunganga lang sya sa bintana. Di ko alam kung nakikinig ba sya or what. Tapos parang ang cold ng mga titig nya katulad ng pagtitig nya sakin kanina nung nabangga nya ko.





Pero fairness ang cute niya kahit hindi sya maputi. Ako kasi yung taong di tumitingin sa looks. Ako yung nakakaappreciate ng mga simpleng ayos ng iba.



Tapos ayun. Maaga akong nakauwi sa dorm. Nakaclose ko agad yung mga kasama ko sa room. Apat kasi kami eh. Yung isang kasama ko si Bianca, masscom sya. Maganda, maputi, madaldal pero sobrang bait. Siya yung nasa taas ng kama ko hahaha! Tapos sa kabilang kama sila Julian at Grace. Si Julian, tourism. Matangkad, matalino, morena tsaka magaling sya mag-english! May halo ata syang ibang lahi tapos si Grace naman ay accounting. Maliit lang sya, nakasalamin pero pag nakausap mo parang armalite yung bibig parang manok na putak ng putak HAHAHA!



So ayun ni-on ko yung laptop ko para makipag-skype kay papa. Hiwalay kasi amg mga magulang ko. Si papa kasi ay may asawa nang iba. Si mama naman ay single.

Pag ka log-in ko ay ni-click ko agad ang video call kay papa.


Calling Alberto Villar...


Call connected



"Hi Papa!" sabi ko. Nakakamiss na si papa huhu.



"Hello anak! Kamusta ang first day mo? Tanong ni papa.



"Okay naman po. Masaya! Ang daming tao tapoa ang friendly ng mga nakilala ko!" Masigla kong sabi. Naexcite kasi talaga ako kanina kaso isa lang talaga nagstay sa utak ko.


"Mabuti naman anak. Mag-aral kang mabuti ha? Alam kong kaya mo yan baby princess. Take care ha? Lagi mong tandaan na mahal na mahal ka namin ng mama mo kahit hiwalay na kami." Sabi ni papa.




"Aww papa naman eh. Napakadrama mo kahit kelan. Pakita ko kaya to sa GMA o kaya sa ABS-CBN para maging artista ka? Hahaha!" Anya ko para hindi ako maiyak.



"Napaka mo talaga Alex! Nagmana ka talaga sakin hahaha! Sige na anak. Matulog ka ng maaga ha?" Bilin naman ni papa.




"Sige papa. Ingat ka palagi ha? Goodnight i love you!" Pinindot ko na ang end call at humiga na.











Makikita kaya ulit kita bukas, Jason?










Love,
Ang maganda mong may-ari,
Alex Villar ❤❤❤





□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■
Ayun! Hahaha! Maiksi e Dahil wala akong magawa ngayong breaktime sa Food chem, naisipan kong magsulat ng story

Hi sa mga classmate ko hahaha!

@jajamasharaaap

Throwback (ON-GOING)Where stories live. Discover now