Jeepney

3.8K 127 29
                                    

"Ows? Talaga? Tapos, anong nangyari?" Pilit ang mga ngiting binibigay ko habang nakikinig sa kwentuhan ng classmates ko. About siya doon sa moment ng crush ko at ng crush niya kanina. M.U. na pala sila. Tss! Paki ko ba?!

"Nako, napaka-bitter mo talaga kahit kailan, Trisha," sabi ng isa kong kaklase habang nagiiling-iling. Mas nilawakan ko ang ngiti ko at pabirong pinalo siya. Pero sadyang nilakasan ko para masaktan siya. Napansin ko namang napadaing siya sa sakit ng palo ko ngunit 'di ko na lang pinansin. 

"Ako? Bitter? 'Di ah!" sabi ko sabay hampas na naman sa kan'ya at tumawa ng pilit. Napangiwi siya sa pangalawang palo ko. "Sinong may sabing bitter ako? Paki ko ba dyan sa crush ko? Tss!" Muli akong umirap at hahampasin sana ulit siya pero pinigilan na niya ako.

"U-uy, joke lang 'yun. Namumuro ka na ah. Ang sakit kaya ng palo mo! Sige na, alis na kami," sabi niya at hinatak ang kasama niya. Napangiti na lang ako nang nagmamadali silang umalis. Tss, akala nila ah. 'Di ako natutuwa sa pinagsasabi nila. Ingudngud ko mga mukha nila sa toilet bowl eh. 

Tumalikod na ako at pupunta na sanang canteen kaso bigla akong may nabanggang lalaki. Yah, so cliche' na noh? 'Yung scene na lagi kong nababasa sa mga romance novels. Paulit-ulit na lang. 'Di ko alam, pati pala reality, nanggaya na. 

"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" inis kong sabi. Sorry na lang sa mga makakabangga ko ngayon. Dahil badtrip ako. Sobrang badtrip na gusto kong mang-away dito sa gitna ng hallway. Pero syempre, disenteng babae pa rin naman ako kahit papaano. Kawawa naman 'yung mabubugbog ko, masisira ang panget nilang mukha. Tsaka, no way. 'Di ko iri-risk ang aking beautiful face.

"Sorry. Actually, ikaw dapat ang tumingin sa dinadaanan mo, miss. Kung saan-saan ka kasi nakatingin." Napunta ang tingin ko sa lalaking hindi ko naman nabunggo. Kasama niya lang 'yung lalaking nabunggo ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wow. Ikaw ang nabunggo? Ang drama mo." Napatingin naman ako doon sa lalaking nasa lapag at namutla nang ma-realize kung sino 'yung nakabangga ko. S-si Gab! OMG! 'Yung crush ko! Nabunggo ko! 

"Sorry! Kuya, sorry! 'Di kasi ako nakatingin! Sorry talaga!" sabi ko habang tinutulungan siyang tumayo. 

"Okay lang ako. Ikaw, okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin. Halos maglaway na 'ko sa kan'ya. Grabe. Napaka-gentleman talaga ni Gab. Siya na nga itong nabangga. Siya pa itong nag-aalala para sa'kin. How sweet. 

"Tignan mo 'to," bulong ng lalaking katabi niya at napailing-iling. Tinignan ko siya ng masama. Ano bang problema nitong extra na 'to sa'kin? Tss! Epal siya sa love story namin ni Gab! Kitang nagmo-moment diba?

"Tapos ka na ba sa drama mo?" tanong nung lalake. Teka, wait. Kilala ko siya. 'Yung bestfriend ni Gab. Si Kirk. 

'Di ko pinansin si Kirk at bumaling kay Gab kaso nawala siya sa harapan ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang sinalubong niya si Melissa. 'Yung crush niya. Bigla akong nalungkot. 'Yan kasi, Trisha. Sinayang mo 'yung tsansa na magkaroon ng moment. At least naman nagkabanggaan kami 'di ba? Hihihi. 

"Teka. Ikaw 'yung stalker ni Gab, 'di ba? Akalain mo nga naman. Tss.. hoy babae! Gising na sa kahibangan mo! Hinding-hindi magiging kayo ni Gab, okay? Kasi may iba na siyang mahal!" Tinignan ko ng masama ang extrang ito. Siya! Siya ang dahilan kung bakit 'di natuloy ang moment namin ni Gab! Um-extra kasi siya eh! Kasalanan niya 'to!

Jeepney (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon