7. We'll Fall Together

219 4 0
                                    

#KathChandria's POV

6am. I'm here sitting with Zeus and Rachelle. Nag uusap kami kung gano kami ka excited para sa swimming. Sana masaya.

Pinasakay na kami sa bus, Bus 1, characters, bus 2 committees.

Dalawahan lang yung seats. Si Rachelle and Zeus magkatabi, ako Si Ms. Shaine katabi ko.

Nang biglang pumasok sa bus si Danford. Looking for a vacant seat.

"Ms. Shaine, dun na lang daw po kayo sa bus 2, four teachers na tayo dito e. Sa kabila dalawa pa lang."

"Ah, okay ma'am jen."

Bumaba si Ms. Shaine ng bus, and si Danford baba na din dapat..

"Padilla, occupy that seat beside Bernardo."

"Dun na lang po ako sa kabila."

"No, Padilla. Puno na dun, nabilang na yun."

Tadhana ba to, or ano? Sinasadya ata ng tadhana to ah.

Dun ako na kaupo sa tabi ng window, when, at tumabi na sa akin si Danford.

"Okay lang ba sayo Kath?"

"Ha? Sure, sure."

Tapos nag hood at nag headset na siya. Hindi ko marinig yung pinapakinggan nya. Baka mahina lang talaga.

First 20 mins ng byahe tulog halos ang lahat. Maaga pa naman kase. Pati si Dan.

Gusto ko din makatulog. Music is my sleeping pill. But naiwan ko ata yung earphone ko.

Lalakasan ko na yung loob ko. Tinry kong kunin yung isang earphone ni Dan. Hawak ko na at dahan dahan ko ng inaalis sa tengga nya.

Nang biglang hawakan nya yung kamay ko (yung kamay kong nakahawak sa earphone nya). Napatingin ako sa kanya at napatingin din sya.

"Sorry." Sabay naming nasabi. At hawak pa din sa kamay ko.

"Ah, Danford.. Ahhh.."

Sabay bitaw ko sa earphone, binitawan nya din kamay ko.

"Sorry, Kath, kala ko nahulog na kasi."

Ako? Oo Dan ford, nahulog na nga ata ako...

Brain: No!!! Hindiii kath Chandria!!!
Heart: Yes!! You are..
Stomach: Gutom lang yan.

"Sorry, Dan. Ah, gusto ko lang mag music. Naiwan ko yung sa akin e."

Napa smile si Dan.

"Gusto mo ba talaga marinig, pinapakinggan ko?"

"Kung pwede sana?"

"Sige ba!"

Nilagay nya sa tenga ko yung isa nyang earphone.

Pero walang music..

"Padilla? Niloloko mo ba ko?"

"Ha? Bakit kita lolokohin?"

"Sanay naman akong niloloko." Bulong ko.

"Ha?"

"Wala, i mean.. Wala namang sounds o music ah Dan?"

"Hindi kita niloloko, Chandria."

"Eh bakit walang music?"

"Ang peaceful lang. Tahimik. Tulog ang mga tao sa paligid, di maingay katabi ko, nakaearphones ako na wala namang kumakanta. Ang tahimik nakakapag isip ako at madaling makatulog."

No Doubts, I Love You, Swear! [KathNiel] :)Where stories live. Discover now