My remaining time (One-shot)

321 31 20
                                    

"I was created to change your past."

the opening words of the weird girl when I opened the door .

Bigla ko itong sinara at naglakad na para bang walang nakita o narinig. Nagpunta ako muli sa upuan at nanood ng T.V.

Lumipas ang 30 minutos ay may nag doorbell na sunod sunod, sa inis ko ay naglakad ako nang mabilis at sabay binuksan ang pinto ng padabog.

"I was created to change your past."

Sampung beses na siyang paulit-ulit itong sinasabi. Para ba itong wala ng alam sabihin kundi iyon lamang.

"Bata hindi mo ba alam na pangugulo na ang ginagawa mo? Nasaan ba ang magulang mo ng masabihan ko."

"We have no time left."

Hindi ko talaga siya maintindihan. At isa pa matagal pa ang april fools at lalo naman ang halloween. Wala na akong nagawa kundi pumunta sa ref at kumuha ng chocolate, bumalik ako at inabot iyon sa bata.

Hindi niya ito kinuha. Napakamot nalamang ako sa ulo ko, dahil hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto nito.

"Remaining time left 1000. The target is found,  Set the day when the tragedy will happen. Arrange the time and place . 10 hours remaining before the tragedy will happen. Go back in time to change the past."

Mabilis na sabi ng bata habang unti unti nitong binubuksan ang kaniyang mga mata.

Sa pag bukas ng kaniyang mga mata, para ba nitong hinigop ang buong pagkatao ko. Nakalutang ako sa langit na punong puno ng orasan at mabilis na inaaalon papunta sa isang orasan at ako'y hinigop nito.

Napapikit nalamang ako sa nangyari, nang makaramdam ako ng mga damo sa aking kinauupuan at unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Nasa isa akong plaza, madaming tao ang nandoon mayroong mga naglalarong mga bata, nag-uusap na mga matatanda at mga magkasintahan na nag dadate.

Naalala ko bigla na minsan ko ng nadala dito ang girlfriend kong si Monica, ang mga magulang niya ay isang scientist at ito din ang pinapangarap niya sa kaniyang pagtanda.

Ngunit isa nalang itong pangarap na na basura at wala ng mapatutunguhan.

"Terans!" May sumigaw bigla na babae banda sa aking likuran.

Nang marinig ko ang boses nito ay bigla naman nagsitaasan ang aking mga balahibo. Lilingonin ko na sana ng biglang may nag suot ng sumbrero saaking ulo.

"Time paradox."

Yun lang ang dalawang salita na kaniyang sinabi saakin. Dahil sa hilig ko sa mga libro ay alam ko ang ibig sabihin niya sa time paradox. Bigla akong nag freeze sa aking kinauupuan.

"Moca. I missed you." Iyon ang boses ko at ng kasama ko. Nasa likod ko silang dalawa ako naman ay nakayuko lamang dito.

Nang naramdaman kong naglakad na silang dalawa palayo ay humarap ako sa batang babae na nagdala sakin dito.

"Bakit mo ko dinala dito? Sino ka ba? Ano ang kailangan mo sakin?" Sunod sunod kong tanong.

"Forá. I was created to change your past. We are here to change your past."

"Why do we need to change the past? It happened, its done and i don't want to remember this day anymore!"

Napasabunot nalamang ako sa aking ulo. Bakit? Bakit kailangan pa kong bumalik dito. It's been 2 years since nangyari iyon. Everyday hindi ko mapatawad ang sarili ko sa nangyari kay Monica, lahat ng pangarap niya hindi niya nagawa dahil saakin. Kung sana hindi ako immatured at sensitived noon siguro hindi iyon nangyari kay Monica.

My remaining time (One-shot)Where stories live. Discover now