Pagbaba ko sa kotse namin at saktong pag tingin ko sa bagong eskwelahan na pag aaralan ko ramdam kong tumaas bigla ung mga balahibo ko sa katawan. Sht. Never ko pang naramdaman ang feelings nato before.
Pinagpawisan rin ako ng malamig bigla. Hindi tuloy ako makagalaw ng maayos sa kinatatayuan ko, ano ba tong feeling nato? o baka naman napu-poop lang ako?
"Anak! Enjoy okay? See you later at home! I love you anak!"
Napatingin ako sa parents ko na nasa loob ng kotse. Sila kasi ang naghatid sakin, wala pa kasi kaming driver at may pupuntahan ata sila ngayon kaya sinabay na nila ako. Magcommute lang kasi dapat ako ngayon
"Okay Ma. Ingat po kayo!"
"Wala bang I love you too anak?"
"Ayy. I love you too Ma and Dad! Mwa!"
Kumaway na ako sakanila habang palayo ang kotse namin saakin. Nang hindi ko na natatanaw ung kotse namin, bigla ko ulit naramdaman ung kaba. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok!
*Beeep!*
"AAAHHHK!"
Napa-atras ako palayo dahil sa kotseng bigla nalang sumulpot kung saan
Sira ulo to ah?! Hindi ba niya nakita na may tao?! na tao ako?! Tsaka ang alam ko school to, so dapat slow down diba!?
May bumaba sa kotseng muntik ng makasagasa sakin at babae siya, maganda, bagsak kung bagsak ang buhok, pero mukhang mataray. Mukhang dito rin siya nag aaral sa Thug High School. Nakataas ang isang kilay niya habang lumalapit saakin.
Kaunti nalang ay malapit na sana siya saakin kaso bigla siyang napaatras. Weird.
"Oh my god? what was that?"
Mahina niyang sabi pero narinig ko rin naman. Oo nga naman, ano nga ba ang nangyare? Bakit bigla nalang napa-atras ang babaeng mataray nato saakin?
"You. Where are you from? and What's your name?"
"A-Ako ba?"
"Bitch. Malamang ikaw! Sino paba?!"
Tama nga ako. Hindi lang siya mukhang mataray, mataray nga talaga siya.
Pero grabe naman ang katarayan neto. Grabe ung pagkatao niya. Hindi siya marunong magpanggap kasi kadalasan sa mga tao ngayon lalo na sa mga babae laging mababait sa una tapos unti-unti mo lang malalaman ang tunay nilang ugali especially ang kanilag badsides kapag lagi mo na silang nakakasama
"Uhh.. a-ako si Kendra Smith. New student ako dito.."
Nairita ung mukha niya nung marinig niya ung 'New Student' na sinabi ko. Ano namang problema sa sinabi ko 'te?
"Ow.. well, goodluck"
"JASMine!"
Napatakip ako sa tenga ko nung marinig ko ung sigaw ng isang lalaki. Parang sobrang lakas ng dating. Grabe!
YOU ARE READING
The Teenager's (On Going)
Teen FictionAng Kwentong 'to ay maaaring Nakakakilig, Nakakalungkot, Nakaka-inis, Masaya o pwede rin namang Nakakatakot Tungkol ito sa mga Kabataan na sa THUG HIGH SCHOOL natin matatagpuan. Saksihan natin ang mga pwedeng mangyari sakanila habang sila ay mga 'Te...
