Chapter Two (The Proposal)

129 5 0
                                    

EIGHTEEN years later....

"ARE you excited? Next year na ang wedding mo! May gosh!" Mas excited pa si Cecile sa best friend nya. Nakilala niya si Emma noong college sila.

Katatapos lang nila magshopping ng wedding shoes para kay Emma. Nasa restaurant sila sa Makati. Na-meet na rin nila ang weeding planner.

She's wearing a beautiful floral dress. She's pretty, natural curly ang kanyang buhok na hangang balikat. Palagi niyang pinagmamasdan ang kanyang 18 Carat diamond engagement ring. Sa laki ng bato at sa price tag ng sing-sing niya, pwede na niya masolve ang hunger sa ibang lugar sa Pilipinas.

"Of course I'm excited! Sino mag-aakala na magproproposed sa akin ang isa sa pinaka hot male celebrities sa buong Pilipinas. At ikakasal ako sa kanya!" Nilayo niya ang kamay kung saan muli niyang pinagmasdan ang sing-sing.

Nakapagtapos siya ng pag-aaral at nagtatrabaho siya sa isang sikat na TV channel bilang isang producer at assistant director. She majored BA in Film and Audio-Visual Communication. Nagco-directing din siya sa isang independent film noong nasa college siya. Bad ratings and bad reviews ang natanggap niya but she didn't give up on her dreams. Gusto pa rin niyang gumawa ng isang independent movie or isang documentary balang araw.

Nagkakilala sila ng kanyang simpatiko at gwapong fiance na si Joshua Hendrickson sa TV show na nagkataong isa siya sa mga producers. Halos araw-araw silang nagkikita dahil host si Josh ng isang noon time show. Half-British at half-Filipino si Josh. Pero mas malakas ang dugo ng Pinoy dahil sa strong and dark skinned features nito.

Two years na silang mag boyfriend at girlfriend bago nag proposed si Josh kay Emma. Ang proposal ni Josh ang isa sa pinaka-romantic at expensive sa buong Pilipinas or sa Asia. Umani ng 10 million views sa social media ang recorded na proposal. Umani naman ng 8 million shares at likes sa buong mundo.

Nag-flashback ang lahat sa kanya at malinaw na malinaw pa rin sa kanyang pag-iisip ang napaka-gandang proposal ni Josh.

The proposal was well planned. Pauwi na si Emma noon. Naglalakad siya sa kalsada patungo sa kotse nya ng biglang sumindi ang bawat ilaw sa bawat lugar na madanan niya. Ang mga taong nakakasalubong niya ay naghi-hym ng "All of Me" ni John Legend. Iyon kasi ang theme song nila ni Josh. Yung isang lalaki na nakasalubong niya na may hawak na guitara ay kilala niya. Isa iyon sa mga sikat na musician at singer sa Pinas. Nag-strum ito ng guitara at nagsimulang kumanta ng All of Me. Nagsulputan din ang mga tao at sumabay sa pag-awit ng All of Me. May sumasayaw ng ballet at may nagtatapon ng petals ng mga bulaklak sa dinadaanan niya. May nagva-violin din habang sinusundan siya.

Napatigil siya sa paglalakad. Napahawak siya sa kanyang bibig dahil hindi niya alam ang nangyayari pero may kutob na siya.

May humawak sa kanyang kanang kamay. Na-recognize niya ang babaeng iyon, isa ito sa mga dancer sa noon-time show. At may isa pang umalalay sa kanya. Inakay siya ng dalawang dancers pabalik sa building.

May nagblindfold sa kanya. Nararamdaman niyang umaakyat sila sa hagdanan pero hindi niya ma-imagine kung saang parte ng building siya dadalhin ng mga taong iyon. Naririnig pa rin niya ang choir, ang nag-gi-guitara at nagva-violin. Naririnig rin niya ang mga yabag ng mga dancers.

Lahat ng iyon ay naka-video.

Nang makarating na sila sa taas ng building naramdaman niya ang hangin sa kanyang mukha. Alam niya nasa roof deck siya ng building na pinagtatrabahuan niya. Pero bakit?

Naramdaman niya na dahan-dahang binitawan ng dalawang babae ang kanyang mga braso. Bumulong ang isa. "Just wait here."

Tanging ang musika na nanggagaling sa violin ang naririnig niya. Pakiramdam niya ay nagsi-alisan na ang mga tao sa paligid.

Stuck on You (To Be Published by Bookware, MSV)Where stories live. Discover now