chapter22

3.3K 66 0
                                    

Paulene

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar,inalala ko ang mga nangyari kagabi ,uminom ako sa isang bar ,dumating si charles,oh my god si charles! Naalala ko may nangyari sa amin,tinignan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot,wala ako kahit na anumang saplot sa katawan,nakumpirma ko na totoong may nangyari nga sa amin,pero nasan si charles? Nagbihis ako at hinagilap ko ito sa lahat nang parte ng kwarto hanggang sa sala at banyo pero ni anino nito hindi ko makita,bumalik ako sa kwarto at nakita ko ang pulang marka mula sa akin na nakadikt sa bedsheet ng kama,pinakiramdaman ko ang sarili ko wala akong naramdamang pagsisi ,bagkos ay puno nang kaligayahan ang nadarama ko,nag antay na lang ako sa loob ng kwarto,lumabas siguro ito at may ginawa lang,masaya akong nag antay rito maya maya nakarinig ako nang yabag na papalapit sa pinto nang kwarto,hinanda ko ang napakaganda kong ngiti pero hindi ito natuloy nang makilala ko ang pumasok nang kwarto na may dalang pagkain..

Andrei?? What are you doing here? Pinasundan ba ako nang mommy sayo?"shock parang gusto ko itong lamunin nang lupa,nakakainis,nasaan na ba si charles pano ito nakapasok rito...

Paulene...akala ko ba nag ka ayos na tayo?"takang tanong nito sa akin

Anung nag ka ayos? Wala akong maalalang nagkaayos tayo!" Balik kong bulyaw rito,humakbang ako nang pinto at akmang lalabas para hanapin si charles nang mapahinto ako at nabigla sa narinig ko

Sandali!pano yong nangyari sa atin?"na ikinakunot nang mukha ko

What do yo mean? Anung nangyari sa atin?"kinakabahan kong sagot rito

We made love remember?but dont worry pananagutan naman kita after all your still my fiancé"paliwanag nito hindi ko matanggap ang sinabi nito,pakiramdam ko para akong binuhusan nang kumukulong tubig!

Ibig sabihin sya ang kasama ko kagabi? Nagpanggap sya bilang si charles ,ginamit nya ang kahinaan ko dahil lasing ako,how dare him! Pumunta ako sa harapan nya at walang sabi sabing sinampal ko ito nang ubod nang lakas!

How dare you to take advantage on me? Alam mong nakainom ako pero bakit mo iyon ginawa! I hate you! Hinding hindi kita mapapatawad!" Sigaw ko rito at nagmamadaling nilisan ang silid na iyon

Nang makalabas ako ng tinutuluyan nito,napasandal ako sa pintuan at saka ko pinalaya ang kanina pang luhang gustong kumawala sa akin mga mata,hindi ko matanggap na nalinlang ako ni andrei! Wala syang puso ,ang iniingat ingatan ko na para lamang kay charles ay napunta rito,nagsisisi ako kung bakit ako uminom ng alak.Sana pala hindi na lang ako nag lasing para hindi nangyari ito.

Nagmamadali akong tumuloy sa inuupahan kong kwarto at nilimas ko ang mga gamit ko at saka ipinasok sa maleta ko gusto ko nang umuwi,ayoko na rito kug saan malapit sa andrei na yon,babalik na lang ako sa US mas tatahimik pa ang buhay ko wala na rin naman akong mukhang maihaharap kay charles dahil kinuha na ni andrei ang para rito,sobrang poot at galit ang nararamdaman ko sa aking puso hinding hindi ko sya mapapatawad!

******

Nang makarating ako sa bahay agad kong niyaya si mommy na bumalik na sa US

Pero bakit anak at nagdesisyon ka na lang bigla? May nangyari ba kaya gusto mong bumalik agad sa US? Tanong nito sa akin

Basta mommy bumalik na tayo sa US ayoko na rito! Pls mommy! "Pagmamakaawa ko rito habang umiiyak,ayoko ko rin kasing aabutan pa kami ni andrei dito ,hindi ko sya kayang harapin dahil baka kung anu pa ang magawa ko sa kanya.

Naka pag pa book agad si mommy ng flight papuntang US agad agad kaming umalis,tahimik lang ako kahit kinaka usap ako ni mommy,hinding hindi na ako babalik sa pilipinas! Ayoko nang makita ang pagmumukha ng andrei na iyon! Kinamumuhian ko sya ng sukdulan! Tahimik akong lumuluha habang papaalis ng bansa,ito na yata ang matinding naranasan ko kesa sa nawala ang memorya ko!...

*****

Lumipas ang ilang buwan,wala akong sinasabi kay mommy tungkol sa nangyari nung nasa pilipinas pa kami..ayoko nang isipin pa iyon,gusto ko na nang tahimik na buhay...

Bumaba ako para dumulog sa hapagkainan kung nasaan naghihintay sa akin sila mommy...

Gudmorning ate ganda!"sabi ng bunso kong kapatid nginitian ko lang ito

Nagsimula kaming kumain,pero di pa man ako nakakasubo halos bumaliktad na ang sikmura ko sa ham na kakainin ko,ilang araw ko na rin laging nararamdaman ito ,napatakbo agad ako sa lababo,nang maramdaman kung susuka ako,dinaluhan agad ako ni mommy na nakakunot ang noong nakatingin sa akin..

Anak magsabi ka nga ng totoo sa akin buntis ka ba? Wag kang magkakaila doktor ako! Nakikita ko sayo ang sintomas ng isang nag dadalang tao! Matagal ko na itong napapansin sayo,ayoko ko lang pangunahan ka ,anu ba talaga ang nangyari sa pilipinas? Sino ang ama nyan?" Mahinahon pero makikita mong disappointed ito sa akin

God imposible kayang buntis ako? Ilang buwan na akong hindi dinadatnan,napahawak akong bigla sa tiyan ko at napaluha,anung gagawin ko kinamumuhian ko ang ama nito!humarap ako kay mommy at tuloy tuloy na ang pagtulo ng luha ko..

Mommy sorry,sorry!hindi ko ginusto ito!"madamdamin kong sabi rito

Sino ang ama nyan?"madiing sabi nito

S-si andrei po!"nakayuko kong sabi

Oh my god! Kailangan nyang malaman ito,kailangan ka nyang panagutan! Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon!" Napaangat ako sa sinabi ni mommy

No mommy! Ayoko!ayokong magpakasal sa kanya!"malakas na sabi ko

But..kailangan nyang malaman na magkakaanak na kayo,kailangan nyang panagutan iyan..."pilit parin ni mommy sa akin

Kung sasabihin nyo sa kanya mapipilitan akong ipatanggal ang batang ito sa sinapupunan ko!"nagulat ako dahil bigla akong nasampal ni mommy

Ayan ang wag na wag mong gagawin paulene walang kasalanan ang batang yan! Kasalanan sa diyos ang gagawin mo! " galit na sabi ni mommy,hindi ko ininda ang pag sampal nito sa akin

Kung ganun walang malalaman si andrei dito! Kahit na sino sa pamilya nya! Dahil sa oras na malaman nila ito hindi ako magadalawang isip na ipalaglag ito!"banta ko kay mommy,napaluha ito habang tutop ang sariling bibig..hindi ko na lang inintindi ito at dalidaling nilasan ang kusina at pumunta sa kwarto ko...doon ko binuhos ang hinanakit ko kay andrei!

Napahawak muli ako sa tiyan ko ,isinusumpa kong hindi ka makikilala ng ama mo! Wala silang malalaman!



(Ang intense hahaha,yan ang pumasok sa utak ko sana nagustuhan nyo!)


PRODUCT BABY (way back into love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon