4

48 4 3
                                    

Gusto kong sabihin na nahihiya akong i-dedicate 'to sa kanya kasi ang galing niyang writer saka reviewer sa mga stories dito sa Wattpad. Kinakabahan din ako kasi alam kong maraming flaws ang story ko. Gyaah! Favorite ko 'tong tao na 'to dahil very accommodating siya. Kahit kanino, willing siyang makipag-usap although meron na rin talaga siyang friends na sikat na writer dito. Hindi ako loud na admirer pero ngayon sana alam na niya. :))) Dedicated to @TrinieRomualde @TrinieFangs. Last part na 'to and this is my favorite part, the ending kaya sa kanya ko to ibibigay.

********

“What brought you here?” Tanong ko habang sumasayaw kami ng Tango ni Ria.

“Not ‘what’ it’s ‘who’.” She replied smiling. “Ikaw ang tinuro ni Pen minsang magtanong ako sa kanya kung saan ako puwedeng pumasok na dance school dito sa Pinas n’ong umuwi siyang New Orleans para mag-aral ulit since hindi naman natuloy ang kasal nila ni Vince.”

“Hindi natuloy?”

“Yeah. Si Vince mismo ang nag-cancel kasi hindi naman na sila masaya sa isa’t-isa saka may iniwang girlfriend si Vince sa France, kasama niya yata sa dance school nang magpunta siya r’on.”

“Really?” Nakaramdam ulit ako ng sakit pero hindi na katulad ng dati. Sympathy na lang kumbaga para kay Pen at kay Vince dahil sa nangyari.

Itiigil ni Ria ang paggalaw saka ako kinilatis ng tingin. “Are you hurt?”

Napangiti ako. “Ako? Medyo na lang. Naka-move on na naman ako since 6 years na naman ang nakalilipas.” Paliwanag ko pero hindi siya satisfied.

“Sorry ha. Binalita ko pa kasi.” Medyo nahihiya niyang sabi saka umupo sa harap ng full mirror-glass at yumuko. Sinundan ko naman siya kaagad para sabihin na, “Wala ‘yon. Moved on na ako. Matagal-tagal na rin.”

“Talaga?” I saw sparks in her eyes. Parang ‘di siya makapaniwala na magagawa ko ‘yon, totoo naman kasi talaga lahat ng sinabi ko.

“Oo. Hindi talaga siguro kami ang para sa isa’t-isa.” Nakangiti ako habang tinitingnan ang mga imahe namin ni Ria sa harap namin. Nakita ko siya nagpakawala ng isang ngiti.

“Kumusta ka pala?” Tanong ko, medyo nahihiya pa ako sa kanya n’on. Ewan ko nga ba kung bakit pero sa araw na ‘to, nakakaramdam ako ng hiya sa kanya.

“Okay lang, ikaw? Super willing matutong sumayaw. Ikaw?

“Okay lang din. Super willing na maturuan kang sumayaw.” Nagkatawanan kaming dalawa.

N’ong araw rin na ‘yon nagsimula ang matalik na pagkakaibigan namin.

Kasama niya na ako kapag may bibilhin siya sa mall. Ako ang nagdadala ng bag at mga pinamili niya. We would go for a walk every morning. Hinahayaan ko siyang pumili ng damit ko kapag namimili kami and vice versa. Sabay kaming kumakain kapag may free time at kahit sobrang busy, we see to it na makapagsabay kahit one meal in a day man lang. Hindi na kami nahihiya sa tuwing sasayaw kami. Masyado na kaming naging kumportable sa isa't-isa. Palagi na kaming magka-chat sa Facebook. Palagi na kaming napupuyat dahil palagi kaming magka-text at parehas kaming hindi nagpapaawat. Pumupunta kami sa dance studio para mag-practice kahit wala siyang schedule sa araw na ‘yon. Natutuwa ako kahit madalas niyang matapakan ang paa ko. Naging masaya akong kasama siya at sa pagtagal ng pagkakaibigan namin, na-realize ko na nagugustuhan ko na pala siya. Lalong lumalim ang samahan namin and little by little, mas nakita ko kung gaano siya ka-espesyal. Finally, I've reached my point of admitting that I already love her. Things happened way too fast but I'm ready to run for it.

Mahal ko na siya hindi dahil nakikita ko si Penelophe sa kanya kundi dahil nakakita ako ng kakaibang tao sa kanya. Kakaibang tao na nakakapagpangiti sa’kin sa simpleng sasabihin niya. Gradually, mas naintindihan ko na kahit effortless siya kapag magkasama kami, masaya lang talaga ako. Taong bumubuo ng araw ko, may magawa lang siyang kahit na ano. Taong nakakahawa kapag nakangiti siya at taong laging nandiyan kahit hindi ko siya kailangan. She's priceless. Iba siya kay Pen at iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Extraordinary siya sa lahat. Walang katumbas. 

Isang araw, umamin ako sa kanya. Tatlong buwan ko pa siya n’ong niligawan kasi kahit daw hindi nawala ang nararamdaman niya para sa’kin, gusto niya pa rin daw ma-experience na maligawan at mabigyang effort. Siyempre hindi ko siya binigo. Simula n’on, ‘di na ako tumigil sa pagpapasaya sa kanya. Ginawa ko lahat para mapasagot siya which is now leading us to the next chapter of our love.. our marriage. Dalawang taon mula nang sagutin niya ako ay nag-propose ako sa kanya ng kasal na tinanggap niya naman kaagad. That was the best day for me. At ngayon, ‘di ko lubos maisip na mapapa-sa akin na talaga siya.

“Babe.” Tawag niya sa’kin na nakapagpa-balik ng alaala ko mula sa nakaraan. Napangiti ako.

Hinawi ko ng bahagya ang belo niya para punasan gamit ng panyo ko ang kaunting pawis na tumutulo sa mukha niya. Alam kong naiinitan na kasi siya.

“Okay ka lang?”

“Yeah.” She uttered. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

“Sana huwag mo ‘kong tatakbuhan.” Nagbibiro pero may halong kaba pa rin sa dibdib ko. I’m afraid I might lose her.

“Magagawa ko pa ba ‘yon kung ito ang matagal ko ng pangarap? Hinding-hindi ko ‘to tatakbuhan.” Nakaramdam ako ng relief na nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere sa mga sinabi niya at hindi ko na napigilan halika ang kamay niyang hawak ko pa rin.

“Salamat, babe. You know, you really are beautiful. Everyday. I won’t give up telling you these words until you get tired of hearing them. Baka nga kahit ayaw mo na, gugustuhin ko pa ring paulit-ulitin sa’yo ‘yan, eh.”

Ria discreetly chuckled saka pinisil ang kamay ko. Alam ko, nagpipigil lang siya ng kasiyahan but I feel it.

“Asus. Ikaw din ang guwapo-guwapo mo araw-araw.”

We both smiled. Parehas din kaming nagpakawala ng bunting-hininga. This is it.

Inalalayan ko siya at sabay kaming humarap sa altar at sa Diyos. Muli akong napangiti at bago magsimulang magsalita ang pari. Tumingin ako sa kanya.

“I love you.” Sabi ko sa kanya sa mahinang boses.

“I love you, too.” She mouthed saka ngumiti ng ubod tamis na parang kinikilig.

This day is perfect. She’s not perfect but she’s the perfect one for me. The weather, the people are all perfect. Alam kong matatapos ang araw na ‘to sa isang perfect din na pangyayari. Apelyido ko na ang gagamitin niya at asawa ko na talaga siya.

When I had my first heartbreak, akala ko doon na matatapos lahat pero hindi pala. There was a great plan God has made for me which was the day I met Ria.

Ria... she’s not my first dance but in my heart, I know, she would be my last. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling Sayaw (Oneshot)Where stories live. Discover now