2

67 5 2
                                    

I divided it into 4. Masyado kasing mahaba pero One-shot pa rin naman. :)) ~Dedicated to my kapatid, CAPSIEE! Salamat sa pagiging mabait at makulit na sister sa'kin. Thank you sa story ko na ginagawa mo. I love you.~ 

******

Ngayon ang 18th birthday ni Penelophe at ngayong gabi rin ang pagtatapos ng lahat. Ngayong gabi, darating na si Vince dala ang pangako niyang pakakasalan niya ang babaeng gusto ko ring pakasalan. Aayusin na nila lahat-lahat para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib habang hinihintay niyang makapagtapos si Penelophe sa kolehiyo at ako, maiiwan na lang na mag-isa. Ayos lang sa akin ‘yon. Ang mahalaga, nakasama ko si Penelophe kahit sandali. Masaya na akong naramdaman ko na minahal niya ako kahit papaano.

Nagsimula nang tumugtog ang orchestra. Nagsimula na ring maglakad ang prinsesa sa magarang hagdan na pinatungan ng ubod pulang carpet na talaga namang maganda sa mga mata kasama ng maraming bulaklak na nakakalat dito.

Penelophe looked so beautiful as she took her first step and even more beautiful at her second step along the aisle. I can't take my eyes off of her.  I just can't. She's smiling in front of us like she’s elevating her splendiferousness among us. She’s wearing a long beaded red gown which made her so stunning. The crowd is apparently amazed by her charm tonight including me.  Her smile is priceless. She is a Goddess.

Napatingin siya sa gawi ko. I smiled at her pero hindi ko alam kung hindi niya makikita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Masaya akong makita siya ngayon pero hindi nawawala ang kirot sa puso ko. This would be the end of everything about us but all I can say is I accepted it already. Somehow.  Napatingin ako sa gawi ni Vince dahil sa kanya na ibinaling ni Penelophe ang tingin niya, hindi na sa akin. Vince looked so proud. He’s smiling very wild.

Kung itatambal ako kay Vince ngayon, malamang na ang layo ng agwat ng katayuan at anyo ko sa kanya. Walang-wala ako. Simple lang ako, extraordinary naman ang dating niya. Plain lang ako, magaling siyang pumorma and to sum it all, galing na siya sa ibang bansa. May napatunayan na siya. Nagseselos ako kasi kumbaga fully loaded na siya, ako buffering pa lang, mabagal pa ang server. ‘Yong tipong nakakainis kasi mahihirapan kang maka-habol.

Napakagat ako ng labi saka napapikit para maiwasan kong maluha. Walang dapat tumulo maski isang patak ng luha. Hindi puwedeng makita ni Penelophe na hindi ko siya kayang pakawalan. Dapat stable ako. Ayaw kong magkaroon siya ng agam-agam kapag bibitaw na siya sa’kin. Ayaw kong maging burden ako sa relasyon nila ni Vince. Ayaw kong ma-guilty siya dahil sa akin. Dahil sa simula pa lang, ito naman talaga ang nakatakda. Kumbaga sa laro, saling-pusa lang ako. Wala akong karapatan na magdesisyon. Wala akong lakas para lumaban. Ang role ko ay pansamantala lang, paalisin din ako kapag wala na akong slot, kapag may taong papalit na sa akin.

Nagsimula nang i-sayaw ng ibang kalalakihan si Penelophe. Ang ilan ay kilala ko, ang iba naman ay bago sa paningin ko. ‘Yon na yata ang mga pinsan niya mula sa probinsya nila. Nakikita ko na masayang-masaya siya at hindi ko kayang putulin 'yon. She looked complete..

Hindi ko na nga alam kung paano ko pa siya haharapin kapag ako na ang kasayaw niya. Baka ako naman ang tatanga-tanga sa pagsayaw. Sinubukan kong umalis pero hindi ko rin kaya. Ayaw din lumakad ng mga paa ko.

"Ang ganda ganda mo ngayong gabi." Pilit akong ngumiti nang ako na ang kasayaw niya. Gusto ko siyang palibutan ng magagandang salita pero biglang umurong ang confidence ko.

Isang ngiti ang ibinalik niya sa'kin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga, mas malakas pa ito sa tugtog na naririnig ng mga tao, eh. Kung naririnig lang sana nila.

Ramdam ko ang malambot niyang kamay na hawak ko ngayon. Matagal ko 'tong nahawakan pero hindi ako nagsasawa. Kung puwede nga sana, ako na lang ang hahawak nito habang buhay.  Magaan na mabigat sa pakiramdam. Mahirap ipaliwanag. Konting sandali na lang kasi, tapos na talaga ang maliligayang araw ko.

Hindi na ako makapagsalita. Sa mata niya lang ako nakatitig. Siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang nag-iisang tao na kasama ko ngayon. Siya lang.

"O-okay ka lang ba, Edrin?" Nangungusap ang mga matang tanong niya sa’kin. Sana lang tama ang nasa isip ko. Na nag-aalala siya sa’kin.

"Okay lang ako.” Matipid kong sagot at saka ngumiti pero mabilis ko ng iniwas ang tingin ko sa kanya. Nakatingin ako sa mga tao ngayon. Nakangiti silang lahat.

Napa-iling ako. Hindi kasi nila alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Masaya silang lahat at ako naman, nagdudusa na pala. Kung lahat lang sana sila may telepathy, naiisip rin sana nila at hindi sila dapat nakangiti ngayon.

"Kaya mo ba talaga akong pakawalan, Edrin?" Her voice trailed off.

"Oo naman. Alam ko naman na kay Vince ka mas sasaya. Ayos lang ako. Huwag mo akong alalahanin. Ang mahalaga, maayos ang pagtatapos natin."

Natahimik kaming parehas. Hindi ko na kayang magsalita pa dahil baka mapaiyak lang ako. Sana. Sana, habang buhay ko na lang siyang i-sayaw. Sana, habang buhay ko na lang siyang mahawakan. Sana, akin na lang siya. Ang  kaso lang, hindi naman puwede. Ako na yata ang pinakamalas sa larangan ng pagmamahal. Na sa akin na nga, biglang babawiin pa ulit ng tadhana.

"Edrin, tapusin na natin ‘to.” She said gently yet heartbreaking. Biglang tumigil ang takbo ng mundo. Biglang tumigil ang galaw ng mga tao. Bumagal ang takbo ng oras. Nakalimot na yata sa pagtibok ang puso ko.

Nagkasya na lang ako sa salitang. “Sige.”

Pero bakit ganoon? Nakita kong unti-unting tumulo 'yong luha niya sa kanang pisngi. Bakit ganon? Bakit parang nasaktan siya? Iniling ko ang ulo ko. Ganito na ba talaga ako ka-desido at umaasa akong ayaw niya rin akong pakawalan?

Nang magsunuran ang mga luha niya at nabasa na ang buong mukha niya, nag-panic ako. Mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ng tuxedo ko at pinahiran ko ‘yon nang hindi nagpapahalata sa mga tao. Lahat sila nakatingin sa'min kaya konting mali lang, maaaring mahuli kami.

"Mahal kita. Tama na. Huwag kang umiyak." Ibinulong ko 'yon sa kanya bago ko siya tuluyang i-bigay sa daddy niya.

Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat sa daddy niya. Nakita kong mabilis siyang nagpunas ng mukha para sigurong hindi mahalata na umiyak siya.

Habang nagsasayaw siya kasama si tito Gil, hindi nagbago ang nararamdaman ko. Mabagal pa rin ang galaw ng mga tao lalo na nang matapat na siya sa kanyang 18th rose, si Vince. Ingat na ingat rin siya sa kamay ni Pen. Alam kong mahal niya talaga si Penelophe at ganon din naman ito sa kanya. Kaya dapat itigil ko na ang kahibangan ko. Kailangan ko ng magising sa katotohanan.

Nagmadali ako sa paglalakad palayo sa kanila. Sa malayo na lang ako tumanaw. Nakikita ko kung paano ngumiti si Penelophe sa harap mismo ng mukha ni Vince. Hanggang sa hindi ko na kinaya at nagpasya akong lumayo sa mismong lugar na pinagdarausan ng selebrasyon.

Ngayon, nararamdaman ko na ang ang kahalagahan ng pagpaparaya.

Kung kami ni Penelophe ang para sa isa't-isa, mangyayari't-mangyayari 'yon. Maghihintay ako kung puwede pang mangyari 'yon. Pero kung hindi, dapat matuto akong tumanggap ng pagkatalo.

Umuwi ako ng bahay saka nagpahinga at natulog. Pagod na ang isip at puso ko sa kaiisip sa mga bagay-bagay. Sana nga hindi na ako magising kinabukasan.

Huling Sayaw (Oneshot)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu