Forever exist, sa maniwala kaman o sa hindi! (Realization)

25 2 2
                                        


Isa ka sa nagpopost sa fb,twitter,IG,tumblr at sa iba pang social media accounts ng "Walang Forever" nuh? Tss. Bakit dahil na Colombia Zone ka? Yung tipong SINAKTAN, PINAASA , at INAGAWAN? Idadagdag ko rin yung INIWAN at INAGAWAN. Natamaan kayo? Panimula pa lang yan.
Eto pa, yung tipong kapag may magkasintahan na dadaan o di kaya nagda-date sisigawan nyo rin ng "Walang Forever, maghihiwalay din kayo" WOW kailangan kapa naging manghuhula?
Kapag naman napag-uusapan ang romantic scenes sa mga pelikula o teleserye, sasabihin nyong "Sa tv lang yan nangyayari. Walang ganyan sa totoong buhay" ows? Di nga? Pano mo nalaman? Gusto mo isapak ko sayo ang mga masasayang mg-asawa ngayon. (Rude ko, sorna)
Eto nman yung tipong naiinis na ang mga tao sa paligid mo dahil puro ka hugot, yung palagi mung pinu-push ang pagka-ampalaya mo. Te? Bad vibes yan, dapat think positive. Hindi yung ipinagmamalaki mo pa talagang bitter at nasaktan ka talaga. At etoo ang pinakamatindi yung kapag may nakkikipag-kilala o nanghingi ng no. mo sasabihin mo agad na "hihingi ka ng number? Tapos magtetext tayo, magc-confess ka sakin, tapos nangligaw ka ng ilang bwan, tapos sinagot kita, tapos nagkaproblema tayo, hanggang iiwan mo na ako." Hahaha uulitin ko, ano ka manghuhula? Wag mong pangunahan ang mga mangyayari. Future is a mystery nga diba?

Sinasabi ko sa inyo kasi gusto kong isipin nyo kung gaano nyo pinapabayaan at pinapahiya ang sarili nyo. Alam ko na nasaktan kayo kaya kayo naging ganyan, naranasan ko rin yan kaya lang hindi ako naging ampalaya dahil alam kong hindi ako ang nagkulang at hindi sya kawalan. Kaya ang tanong ko, ganyan din ba ka miserable ang taong dahilan kong bakit ka naging ganyan? Kung hindi kayo ang TALO. Baka nga pinagtatawanan ka nun e.

Sinulat ko to dahil gusto kong sabihin sa inyo na "FOREVER EXIST, SA MANIWALA KAMAN O HINDI"
Guys wag kayong magpaka-bobo, juicecolored! Walang forever dahil nasaktan ka dahil sa kanya bakit yan lang ba ang nagbabase ang walang hanggan? Isa-isahin natin, Una yung love mo sa FAMILY mo? Nawawala ba? Pangalawa, Sa mga namatay na kamag-anak,pamilya o kaibigan bakit dinadalaw nyo parin sa cemetery, bakit nag cecelebrate parin kayo ng birthday, anniversay nang mga nawala na sa mundo? Tatlo, yung pagmamahal ni God sa atin? Nawawala at nauubos ba? Kung nauubos siguro wala tayo dito ngayon, walang mundo, walang mga tao, walang mga hayop, walang kahit ano. Intindihin nyo rin ang tatlong mga bagay na ito kasi kahit na masaktan ka at mawala ang lahat sainyo, nandyan at nandyan sila para damayan ka hanggang sa FOREVER.

Hindi lang tungkol sa sakit na naranasan nakabase ang forever, kapag nagmahal ka masasaktan ka talaga, mas masarap nga yan diba yung madama mo ang sakit bago maranasan ang inaasam-asam mong kasiyahan. Mas nagiging matatag ka. Kapag iniwan ka, wag kang sumunod sa kanya tahakin mo ang kabilang daan para rin yan sa ikakabuti mo. Kapag na #ColombiaZone ka? Edi itigil na ang katangahan kung sobra na, tapos ayusin mo an sarili mo magsisisi rin sya. Kapag nman pinagpalit wag kang magalit maging masaya ka at mag thank you sa kanya kasi sya na mismo ang nagpakilala sa sarili nyang ugali di mo na kailangan makipag-usap na balikan ka nya, don't let them feel the satisfaction dahil nasaktan ka nya. They are not worth it kung pinakawalan ka nila, at hindi rin siguro gusto ni God na makatuluyan mo yung g*go na yun. Atsaka hindi lang sya ang taong pwede mung mahalin. hello? Marami tayo sa mundo dahil ang sisipag gumawa ng mga magulang natin & soon baka tayo kapag nagkapamilya na.
Sana marealize nyo ito, sa inyong mga bitter/ampalaya, iwanan nyo na ang pagiging ganyan nasisira lang ang beauty nyo mga bhe, maghanap na lang kaya kayo ng pagkaka-abalahan kaysa punuin nyo ang mundo sa pagka-nega nyo, Bad Vibes ang binibigay nyo sa society. Kaya bad yan.

No offense sa mga bitter dyan. Alam ko namemersonal na ako pero kasi hindi ko kaya na nakikita ang mga kapatid ko sa dyos (naks!) na nagiging miserable dahil sa walang kwentang bagay at mga tao. Mahal ko kayo kahit hindi tayo magkakilala personally. Mahal na mahal ko kayo, I love you forever. Sana maniwala na kayo sa forever at tatantanan nyo na ang pagpopost sa social medias ng kung ano-anong kabaliwan, ka-bitter'an at bad vibes nyo. Again, Mahal na mahal ko kayo FOREVER"

"FOREVER EXIST, SA MANIWALA KAMAN O SA HINDI"

FOREVER exist, sa maniwala kaman o sa hindi (Realization)La tua prossima ossessione. Scoprilo ora