Paano Magpaalam Sa Kahapon

5 0 0
                                        

*We're born alone,  we live alone,  we die alone. Only through our love abd friendship can we create the illusion for the moment that we're not alone.

CHAPTER ONE *

Im sorry , Sam... God knows I tried na mahalin ka pero... I just can't. 

Hindi makatingin si Jhertty sa kaharap na binata habang sinasabi ang mga katagang iyon. Guilting-guilty sya. Alam nya kung gaano kabait si Sam at hindi nito deserve na masaktan. Pero hindi rin sya masisisi. Alam ng Diyos kung paano sya nagsikap na matumbasan ang malaking pag-ibig nito sa kanya. Danga't sadya yatang hindu nagpapadikta ang puso. Mas mataas man ang kinalalagyan ng isip ay totoo nga yatang daig ito ng puso pagdating sa usapin ng pag-ibig.

O-okey lang. Alam ko nman, eh. Hindi naman ako manhid para sa Hindi maramdaman. Alam ko rin namang napilitan ka lang sagutin ako eh.

Naawa si Sam sa tinig na walang kasing lungkot. Saka lang niya natingnan ito. Parang maiiyak ang mapupungay na mata ng binata. Para rin syang maiiyak dahil sa nakikitang matinding kalungkutan na naidulot nya dito.

Sam, mabait ka. Marami kang katangiang wala sa pangkaraniwang lalaki. I'm sure higit pa sa akin ang makikita mo.

Pero ayoko ng higit pa sa iyo. Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal nitong puso ko. Ikaw.

Tila nanginginig ang tinig na sabi ni Sam. Hindi makatingin nang tuwid sa kanya.

Naisip ni Jhertty, walang patutunguhan ang usapang ito. Wala ring mangyayari kung patatagalin pa nila ang pag-uusap. Lalo lamang maging mahirap para sa kanila ni Sam ang lahat. Lalo na sa kaso ni Sam. Ayaw na nyang dagdagan ang paghihirap ng kalooban nito. Gusto nyang maumpisahan na nito ang pag move-on. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love LastWhere stories live. Discover now