Sabi kasi ni Ma'am Fiona, sasamahan daw ako ng anak niya. Nahihiya nga ako dahil makakaabala pa ako kay Sir. Pwede naman kasi na ako na lang ang pumunta pero utos kasi iyon ni Ma'am kaya wala akong magagawa.

Pero nagtataka ako diyan kay sir Yuki kung ano ba talaga siya. Pakiramdam ko kasi hindi tuwid ang kasarian niya. Bakla kaya si Sir?

Siguro.

Pero hindi ko naman siya pwedeng husgahan ng ganoon na lang dahil hindi ko pa naman talaga alam at hindi ko pa siya kilala. Wala ring kaso sa akin kung ganoon siya dahil may kapatid din akong katulad niya kung sakali.

Nang una ko siyang makita ay nagulat ako dahil kamukha niya ang taong iyon. Parehong-pareho sila ng itsura lalo na sa mga mata. Kung mahaba lang ang buhok ni Sir Yuki ay iisipin kong siya na iyon. Pero ayaw ko ng isipin pa dahil matagal ko ng kinalimutan ang taong iyon sa nakaraan ko.

"Hintayin mo na lang hijo, baka kasi nag-aayos pa." Sagot ni manang Marga sa tanong ko.

"Sige ho. Pakisabi na lang din po na kapag bababa na siya, nandoon lang ako sa garahe."

"Sige hijo."

Tumalima ako sa matanda at tinungo na ang garahe para roon hintayin si Sir Yuki.

"Ang tagal naman ata ni sir?" Tanong ko sa sarili pagkatapos ng halos kalahating oras na paghihintay sa kanya rito sa labas. Nag-aalala ako at baka nainis o nagalit siya dahil sa ipapasama siya sa akin. Base kasi sa ekspresyon ng mukha niya noong sa office kami ng mommy niya ay parang salungat siya sa naging tugon niya.

Napapansin ko rin sa kanya na sa tuwing nakikita niya ako ay para akong nakakatakot na nilalang. Minsan tuloy, nahihiya na akong magpakita sa kanya dahil baka kasi tuluyan na siyang matakot sa akin. Tapos sasabihin niya iyon kay Ma'am dahilan para paalisin ako bigla.

Napailing ako. Hindi naman siguro hahantong sa ganoong punto. Napapraning lang ako.

"Rio, why are you still here?" Napapitlag ako nang may pamilyar na boses na nagsalita sa likuran ko. Lumingon ko upang mapagsino ito. Si Ma'am Fiona. Agad ko siyang binati.

"Magandang umaga ho Ma'am. Hinihintay ko pa po kasi si Sir Yuki." Sagot ko rito.

"That kid." Lumabi siya, "ang mabuti pa, puntahan mo na lang siya sa kwarto niya dahil baka hindi pa nagigising ang batang 'yon."

Gusto ko mang tumanggi dahil nga nahihiya ako, wala rin akong nagawa kung 'di ang puntahan si Sir Yuki sa kanya kwarto. Anong oras na rin kasi at wala pa siya. Kanina pa ako naghabilin kay Along Marga.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Sir Yuki bago naisipang kumatok. Itututok ko palang sana ang kamao nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang kanina ko pang hinihintay. Nanlalaki naman ang mga nito nang mabungaran ako.

"Magandang umaga Sir." Nakangiti kong bati sa kanya. Napasinghap naman siya dahil dito at umawang pa ang kanyang labi marahil sa gulat.

Naging tahimik ang paligid naming dalawa. Hinintay ko siyang magsalita pero nanatiling tahimik lang siya at nakatitig sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko na hanggat maari, hindi ako magpapakita sa kanya dahil ganito ang nagiging reaksyon niya sa tuwing nakikita ako.

"Sir Yuki, maari na ba tayong umalis?" Tanong ko sa kanya. Parang mali ata ang paraan ng pagkakasabi ko.

Hindi siya umimik.

Mali nga talaga. Nakakahiya Rio.

Hindi pa rin siya nagsalita at ganoon pa rin ang reaksyon ng kanyang mukha.

Off Limits (Boyxboy) (Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя