Chapter 4

14.3K 414 2
                                    

Matamlay na inayos ko ang sarili ko para makauwi na sa apartment namin ni Jenna.

Napabuntunghininga ako pagkat nalungkot na naman ako pagkaalala na nagpunta muna sa Laguna ang kakambal para paghilumin ang puso nya at baka matagalan pa ito dahil sa nakumpirma namin na buntis nga ito nang tatlong buwan.

Imbes na Vacation leave lang ang isusubmit nito ay tuluyan na itong nag resign sa pagiging DJ nito sa club na pinapasukan at yun nga umuwi muna ito sa munting bukid na naipundar namin na dalawa sa Laguna.

Madalang na nga kaming magkita gawa nang trabaho nito at least ay pag umaalis ako para pumasok sa trabaho ko ay nandun na ito sa kama namin at malakas na naghihilik na at pag umuwi naman ako sa gabi sabay pa kaming kumakain ng hapunan bago ito umalis para pumasok sa Club.

Nakakalungkot naman na umuwi sa bahay wala naman si Jenna dun.... malungkot na naisip ko.

"Girl!" Lumingon ako nang madinig ko ang boses ni Wendy.

Humarap ako dito at ngumiti.

"Teh, nagyayaya ang mga girls tutal friday naman daw mag girls night out daw kami sama ka na Teh" yaya ni Wendy sa akin.

Aayaw sana ako gaya nang nakagawian ko na pero naalala ko na wala nga pala akong kasama kaya napatango na lang ako dito.

"Talaga Teh? Sasama ka na sa amin Wow! Teka wala nang bawian yan ha" anito na pinaningkitan pa ako nang mga mata.

"Oo nga at para maniwala ka sasama na ako" natatawang hinawakawan ko na ang braso ni Wendy at hinila papunta sa mga naghihintay sa amin.

--------------

"Scotch please" order ko sa bartender na agad naman na tumalima at ilang saglit pa ay inilapag na sa harap ko ang shot glass na naglalaman ng alak na inorder ko.

Lumingon muna ako kina Wendy na abot ang giling sa dancefloor...

Napahiip ako sa bangs ko saka inisang tungga ko ang laman ng shot glass at napangiwi ako sa pait na nalasahan ko pagkaraan ay napaubo ako.

"Easy" anang baritonong boses na hinagod ang kamay sa likod ko.

Naramdaman ko agad ang di pamilyar na kilabot na dumaan sa likod ko at nanulay pababa at pataas sa harap ko.

Napatuwid agad ako sa pagkakaupo ko at napatingin sa nasa likod ko.

Eto yun ka meeting ni Boss Jaime kanina!

Namumulang napatayo ako nang tuluyan ko na itong mapagsino.

"S--sir kayo po pala yan" napayuko ako at muli nagulat ako nang itaas nito ng dalawang daliri ang baba ko at ang puso ko ay tila sumirko ng magtama ang mga mata namin.

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Do I know you?" Tanong nito.

Awtomatiko na tumango ako dito.

"Kanina po sa Office ka meeting nyo po si Boss Jaime" sagot ko dito.

Kumunot ang noo nito at pagkatapos ay napangiti ito.

"Oh kanina?" Muli ay tango ang sinagot ko sa tanong nito.

"May mga kasama ka ba?"

"Meron po sina Wendy po ayun po sila sa dancefloor at nagsasayaw" turo ko kina Wendy na abala pa din sa pagsasayaw.

Lumingon naman ito sa itinuro at pagkatapos muli ay binalingan ako ulit nito.

"Eh ikaw? Bakit wala ka dun?" Tanong nito at dagling namula ako sa tinanong nito.

"Sir kasi parehong kaliwa ang paa ko" nahihiyang pag amin ko dito.

Natigilan ito pero pagkaraan ay napangiti at sa gulat ko ay hinapit nya ng kamay nya ang baywang ko at inilapit nya lalo ako sa katawan nya.

Di ko napigilan ang sarili ko at napapikit ko nang maamoy ko ang pabango nya na angat na angat sa mga amoy na nandirito sa Club.

"You want me to teach you how to dance?" Bulong nito sa tenga ko na kinasinghap ko dahil sa kiliti na naramdaman ko nang marahan nyang kagatin ang tenga ko.

"S---sir okay na po ako matanda na po kasi ako para sa mga ganyang pagtuturo" tila namamagneto na napatitig ako sa mga itim na itim na mata nito na binagayan ng malalantik na pilik mata.

"I insist" He said and then flashed a wicked smile that make my head spinned in mixed emotion that new to me.

Agad na nagyuko sya nang mukha.

But the stranger Man lifted again her head and gently teased the side of her lips of his thumbs.

Napapalunok na muli napatitig ako sa mga mata nito at nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko na dumampi ang mainit na labi sa nanlalamig na labi ko at tila di pa ito nakuntento dahil marahan na kinagat nang ngipin nito ang pang ibabang labi ko kaya napasinghap ako at naibuka ko ang bibig ko na agad naman nitong sinamantala na ipasok ang dila nya sa loob nang bibig ko.

Napapikit ako at di ko napigilan na tumugon sa paghalik nito.

Para akong uhaw na uhaw at nakatagpo nang tubig sa bibig nito at gusto ko itong sipsipin hanggang sa mapawi ang uhaw ko.

Di ko namalayan na naikawit ko na pala ang dalawang kamay ko sa leeg nito at tila wala na akong pakialam sa paligid na hinaplos ko ang buhok nito.

Napaungol pa ako dahil sa biglang pagputol nito sa paghahalikan namin,

Humihingal na napatingala ako.
Ngumisi ito at yumukod papunta sa mukha ko.

"I'm sorry Sweetheart kung binitin kita ayaw ko din naman na tapusin ang paghalik ko sa yo dahil napakasarap mong humalik...pero mukhang tayo na ang main event sa club na ito...." bulong nito. "Look" turo nito sa mga miron na nakatingin nga sa amin!

Pati na sina Wendy ay tila nakanganga na nakatayo sa gitna ng dancefloor at nakatingin sa amin ng Estranghero na kahalikan ko.....

Namumulang napaatras ako at mabilis na tumalikod papalabas sa Club na yun......

MISTAKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon