Chapter #2

1.8K 72 12
                                    



T R A N C E


Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na din kami sa bahay. Nag-park muna si Manong sa aming Garahe. Papasok na sana ang sasakyan pero may nauna na. Hindi ito pamilyar sa akin at alam kong hindi ito kila Mom at Dad. Hindi kaya may bisita sila? Kulay asul ito na Innova at naka bukas pa ang passenger's door. Mukhang nasa loob ang may ari nito. 

Napag pasyahan namin ni Manong na sa may gilid nalang ito ipark, Pang dalawahan lang kasi ang garahe namin, eh andun na yung sasakyan ni Dad kaya sa may gilid kami. Pagkatapos ma-mapark ay nagtungo na ako sa loob at para makapag pahinga na din, mag aalas sais na kasi ng gabi.

Pagkapasok ko sa bahay hindi na ako nag abalang hanapin sila Mom at dumiretso na agad sa aking kwarto. Ang nakapag tataka lang ay bukas ang pintuan nito, tanda na may pumasok sa loob. Ang natatandaan ko kasi ay bago ako umalis ng bahay ay isinara ko ang pintuan ng aking kwarto. 

Hindi muna ako pumasok at naisip ko munang sumilip. Pakiramdam ko kasi ay may kung anong taong nangingi-alam ng aking gamit dahil sa mga naririnig kong kaluskos.

Sa aking pag-silip isang matipunong katawan ng lalaki ang tumambad sa aking mata na sinlaki na ng mata ng tarsier. Katawang pang modelo, maputi at makinis na balat, Malapad na mga balikat at mapupulang utong. SHIT! ano ba itong mga pinag sasabi ko. At teka? Ni hindi ko nga siya kilala kaya anong ginagawa niya dito? 

"SINO KA?!" sigaw ko sa lalaki. Agad naman itong natigil sa kaniyang pangingialam ng aking gamit at tumingin sa akin

"Ah..g-ganito kasi y-yan," uutal-utal niyang saad. Napansin ko naman ang kanyang pamumula na parang napahiya. Ang cute niya.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya. This time medyo kalmado na ako, baka kasi natakot siya sa akin. Hindi naman ako gano'ng klase ng tao.

"Pasensiya na hindi ko kasi mahanap ang C.R ng bahay niyo kaya pumasok na lang ako dito. And besides bukas din yung kwarto mo," paliwanag nito

"Sa susunod magtanong ka sa mga katulong namin para hindi ka nag mumukhang magnanakaw." Bigla naman siyang ngumisi na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Nag flex pa ito ng kaniyang hindi pa masyadong malaking katawan na sinabayan pa ng ngiti. 

"Ahh..Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kaniya. Nag flex lang ulit ito at ngumiti ng todo. SHIT! 

"May magnanakaw bang gwapo na tulad ko?" Aba! Ang kapal naman ng mukha neto! 

"By the way, I'm Duke Villafuente. Only son of Antonio Villafuente," sabi nito sabay lahad ng kamay niya. Nakipag kamay naman agad ako dahil sa aking nalaman. Anak pala siya ni Tito Tonio kaya parang pamilyar sa akin ang kanyang hitsura. Magandang lalaki si Tito kaya hindi ko na maipagkakaila na mas gwapo itong anak nila. 

"If you don't mind i'll go downstairs, magsisimula na kasi yung business dinner nila papa kaya sa tingin ko dapat nandoon tayo." Hindi na ako sumabay at pina-una ko na siya, Magbibihis pa ako kasi uniform pa din ang suot ko. After kong magbihis bumaba na din ako, nakita ko sila sa may sala na papunta palang kitchen. Sumabay na din ako, katabi ni Dad si Mom at kaharap naman nila sila Tito at Tita tapos ako kaharap ko si Duke na hindi nauubusan ng ngiti. Nag simula muna kami sa taim tim na pag darasal saka nag patuloy sa pagkain. 

Dahil puro sila kwentuhan about business napag pasyahan kong kausapin si Duke. Napansin ko din na kanina pa siya tingin ng tingin sa akin.

"Bakit ka tingin ng tingin sa akin?" Tanong ko sa kanya. 

"Wala naman, masama ba? kung ayaw mo ititigil ko na lang," sabi niya.

"Hindi naman sa ganun, nakakailang lang kasi yung ginagawa mo," paliwanag ko. Hindi na siya sumagot pa at nag patuloy na lang sa pagkain. 

Stupidly Loving You (BoyxBoy) Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon