3 - First Encounter

Start from the beginning
                                    

"Krissy na nga lang . .bagay sayo ang krissy . . " sabi ko

"Jenny .. ipakilala mo naman kami kay ganda" dinig kong sabi ng isang lalaki

"halika Sarah, Sarah, eto si Greg . "

"Hi Ms.Sarah . ."

"Hi" tipid kong sabi . .di naman gwapo pero ang angas !!

"eto naman si Minda . .Minda, sarah" sabi ni Jenny sabay pakilala sa akin sa isang babae na nasa mid 40's na

"Hello po . . "

"Kumusta ka iha . .alam mo pamilyar ka . .di ko lang matandaan kung san kita nakita"
sabi nito habanh pinagmamasdan ako ng mabuti

"po?"

"ah wala . .may kamukha ka lang talaga . ."

"ah eh .sige po . .dito na po ako . ."

"Sars . .kayong 3 lang dito ,ako dun lang banda sa sidecng pintuan ni BM . . mamaya ng konti darating na din si BM . .
ay syanga pala, kaninong table yang nandyan?" jenny asked

"Kay engineer daw . . ang gara nga nuh, anlaki ng space nya, tapos naka glass pa ..eh sana lang gwapo sya . . " si Kriss

"dapat mas gwapo sa akin!!" si Greg

"Hai naku greg, wag ka nang umasa .. wala ka ng pagasa . . ok girls,on your feet..madam is coming" at agad itong umupo . .i heard footsteps na palapit sa amin . .tak tak tak- parang ganito ang sounds ng stileto!

"Good morning mam! " sabay sabay na bati ng mga ito . . lumingon naman ako upang bumati ..pero bago ko pa ibuka ang bibig ay nakapagsalita na ito

"so ikaw pala ang nirekomenda ni Martha . .ang lakas talaga ni Martha nuh, kayang kaya magpasok ng kung sino sino lang . . who are you?"

"im Sarah Ge- Tuazon ...Tuazon po" muntikan na ako dun ha

tiningnan ako nito mula ulo hangang paa , saka nagsalita muli

"be sure to be competent enough, wag na wag mong ipapahiya si Martha sa pagrekomenda nya sa yo"

"yes ma'am"

"Ok everyone, back to work!!ke aga aga, chismis inaatupag nyo . .Jen, coffee!!" sabi nito sabay talikod . .ibinagsak pa nito ang pintuan nya

grrr!!akala mo maganda, eh ang kapal kapal naman ng make up!!!nakakainis!!!

"huy!!ok k lang!!namumula yang tenga mo ah . . naiinis ka nuh??" tanong ni Jenny

"iissshhh!!! kala mo maganda!!haiii!!" nangangaliiti kong sabi . .i made sure na bulong lang pero laking gulat ko ng biglang sumabat ni Kriss

"Insecure sa beauty mo girl!!"

"huh?? narinig mo?" i asked him

"eh ang lakas ng pagkakasabi mo kaya. . ay iwan ko na muna kayo at magtitimpla pa ako ng kape ni Madam!!' si Jenny na agad din umalis sa harapan ko

"Sarah, iha ..dito ka . . eto ang table mo, magkatabi tayo " si Minda

"ah ok po . . ah ano po pala itatawag ko sa inyo?" nahihiya kong tanong . .

"Ate Minda na lang ..gaya ng tawag nilang lahat sa akin . . maupo ka na dito ..at wag mong pansinin yun,sanay na kami sa katarayan nya . .hahaha" natatawang sabi nito . napangiti na lang ako

"ano nga po palang pangalan ni BM?" tanong ko

"Amalia Berba . . anak sya ng dating manager dito, eh nakatapos kasi yan sa magandang paaralan sa manila kaya nung nagretire ang nanay nya, sya na pumalit dito . . ang tatay naman nyan ang Mayor dito ngayon kaya walang kinatatakutan yan eh . . "

One Last TimeWhere stories live. Discover now