Chapter 29: Vampire Clans

Van's POV

Ampupu. Panibagong problema na naman at ibig sabihin tambay na naman ako dito sa Council. Hindi ko pa kasama si Kisha. Tss. Peste. Hindi man lang ako makaisa, buntisin ko na lang kaya si Kisha? Hahaha! Pero kahit gusto ko ng magkaroon ng anak hindi pa pwede sa ngayon dahil madami pang dapat ayusin at masyadong delikado sa buhay ni Kisha at ayokong mangyari 'yun...

Itinaas ko ang paa ko sa lamesa at sumandal sa upuan habang kumakain ng tinapay. Nagugutom ako eh.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanila...

Bago pa sila makasagot ay bumukas ang pinto...

"Hindi ka pa rin nagbabago, Van"

Nanlaki ang mata ko dahil sa MGA nagbukas ng pinto. Anong ginagawa nilang lahat dito?! 

Napatayo ako at naitapon ang hawak kong tinapay... "Bakit kayo nandito?"

"Why do you care?"

"Umayos ka Carl Archer!" 

Umakbay naman kay Carl si Yatriv Ampere... "Masama bang dalawin ka?"

"Umayos kayong lahat, importanteng bagay ang ipinunta natin dito. Hindi ito ang oras para magkamustahan" seryosong sabi naman ni Greg Calyx...

Naguguluhan ba kayo? Ang dumating ay labing tatlong representative ng bawat angkan ng bampira. Siguro ay dahil sa balitang may napapatay na bawat isa sa angkan nila. Lahat ng angkan ay nandito maliban na sa Cray dahil alam niyo naman, si Victoria ay kalaban...

Pumasok na silang lahat sa loob, halos hindi na nga kami magkasya, kaya pala may mga extra na upuan dito dahil sa kanila...

Ang nandito ngayon ay sina Carl Archer, ang tinuturing na pinakamatalino sa Archer Clan, siya ang nagcocontrol sa Archer Brothers kapag nasosobrahan na sa pranks ang tatlo. Sa kaniya lang takot ang Archer Brothers, titingnan ko ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sa kanya ang ginawa ni Kisha noon sa tatlo. Haha! Nandito din si Yatriv Ampere, sobrang lakas manipa nitong si Yatriv, kaya siya ang naging representative at isa siya sa pinakamalakas sa angkan nila. Si Greg Calyx naman ay magaling manghypnotize kaya nakakatakot siyang galitin...

"Uwaaaaaaaaah!!! Kuya Van!!!" biglang may tumalon sa harapan ko at yumakap sakin. Agad ko naman siyang binuhat...

"Ang liit mo pa rin Noi-chan!" (pronounce as No-yi) Si Noi Hidari, siya ay kabilang sa tinatawag na 'Samuria Vampire'. Sa height niyang pang-grade 1 at edad niyang 10 ay napakagaling na niya sa paggamit ng espada, madami na siyang nakikitil na buhay na bampira sa batang edad pa lang pero tinuturing ko siyang parang nakakabatang kapatid. Bata pa rin naman siya kahit ganyan siya...

Nagpout naman siya... "Anta no koto daikirai, niichan" >3< (I hate you, Kuya)

"Nag-e-alien language ka na naman bansot!" sabi ni Zydrich Nerman na may kasama pang turo kay Noi. Kumunot ang noo ni Noi at... "Aray! Bakit mo kinagat ang daliri ko?!"

"Baka" (Idiot)

"Hoy! Hindi ako baka ah!" si Zydrich Nerman naman ang anak ng may-ari ng pinakamalaking kompanya na pagawaan ng baril sa buong mundo... 

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!