window PAIN

9.8K 76 1
                                    

Kinagabihan, nagaayos ng gamit si Mika, may nahulog na picture pagkahila niya sa damit niya sa maleta. Picture niya yun nung college kasama sila Kim, Cienne, Carol, Camille, at Ara. Tinitigan niya to ng matagal. Magkakaakbay pa sila dito at masayang masaya kita sa mga mata nila ang tuwa ng araw na yun. Yun ay noong pumunta ang buong team sa Batangas para isurprise at icelebrate ang bday ni Ara. yun na din ang huli bakasyon niya na kasama sila.may pumatak na lang na mga luha kay Mika at biglang may kumatok.

Mika: (Pinunasan ang kanyang luha at tago ule ng photo na yun sa damitan niya) Pasok.

Jeron:Hi babe. Just Checking if you're okay. Pagod na? O namumula yung ilong umiyak ka ba?

Mika: no babe. Pagod lang and sleepy kaya hikab ako ng hikab. Pagod ka din naman. You should rest. Im okay. I'll just take shower and go to sleep. (Sabay hug and kiss sa cheeks)

Jeron: okay. Good night babe. Love you (kiss sa forehead at saka bumalik sa guest room nila mika)

Kela Ara and Thomas naman. Habang nagdradrive si Thomas nakadungaw lang si Ara sa bintana.

Thomas: psst. Arabella, you okay? Di ka na naimik simula nung umalis tayo doon. Akala ko ba kaya mo na. Sabi ko sayo wag na tayo pumunta. Tignan mo. tulala ka nanaman.

Ara: shhh daldal mo talaga kahit kailan. masama bang tumahimik.

Thomas: hehe pasensya. Nagaalala lang ako pag tumatahamik ka . (Sabay hawak sa kamay ni Ara)

Ara: (bumitaw sa hawak ni thomas) ano ka ba thom okay na ako. Gusto ko lang ng katahamikan . (Nagisip ng malalim at tinignan ang phone niya dahil biglang may nagtext) Thom hatid mo na lang ako sa condo ni Claire. Ayos lang ba?

Thomas: wow more than a month ka na nakikipagdate dyan kay Claire ah. Mukhang magseseryoso ka na ah.

Ara: haha. Hindi naman. Okay lang siyang kasama. Wala masyadong demands. Kaya nakakakeep up ako. Tsaka ayaw din niya ng commitment ayaw din niya ng relationship. No strings attached ba,. ;)

Thomas: hoy ara! Mamaya nageexpect yang babae sayo. Baka ikaw lang nagiisip na wala kayong commitment. Bahala ka ikaw na naman maiipit. Hinay hinay lang. Di ka mauubusan ng babae.

Ara: hahaha. Gago. Kaya nga isa lang ngayon di ba. Si claire lang. Alam naman niya na ayaw ko sa relasyon ayoko ng expectations from each other.

Thomas: hay naku Ara. Magingat ka lang. Yung Last na babae mo muntik ka na sagasaan ng malaman na di ka pala willing to have a committed relationship with her, . Hay ara masyado kang babaera. Hinay hinay lang.

Ara: hay. Eh ewan ko. Mas gusto ko ng ganito ako. Iwas iwas din sa gulo at sa problema. . Hahaha

Thomas: . Iwas sa problema? Hindi porket nabroken hearted ka noon eh sige ka sa pambabae ngayon bahala ka, ikaw din magkasakit ka niyan. Youre my best friend Vic, ayaw ko masaktan ka na naman..

Ara:Ako na bahala. Alam ko ginagawa ko. Oks. Dito na ako. Papahatid na lang ako kay Claire bukas sa resto. Love you bes ingat ka text mo ko pagkauwi mo. (besobeso kay thomas)

Thomas. Oks bes. Hinay hinay lang wag papagod.hahaha. See you tomorrow. Mwaaah

Ara: dumi ng isip mo dre. Sige na, clingy na, kaya di ka makamove on sakin eh. Hahaha night bes.

Thomas. Sige na alis na ako. Hangin na dito. Haha night.

Tuluyan ng umalis si Thomas at pumasok na si Vic.

Way Back into Love (Ara Galang and Mika Reyes)Where stories live. Discover now