"Bakit ang sungit mo?"

"Ewan ko sa iyo!" sabi ko nalang badtrip! saka ako tumalikod at pilit kong hinablot yung kamay ko

"No!"

"Jan ka na nga! akin na yang kamay ko, may kamay ka naman yan ang hatakin mo!" sabi ko, tss badtrip nakakasira ng araw! =_=

"Ano bang problema mo? para kukwentuhan mo lang ako eh!" tss hindi ko siya pinansin at basta nalang ako umalis, oo hawak hawak pa din niya kamay ko, ayaw niya? o di sige sumama siya sa akin bahala siya sa buhay niya! tss pagbuhulin ko sila ng Reino na yan eh! ano ba nakita niya dun?

and most of all! BAKIT BA AKO NAGAGALIT? peste!

"Ayaw mo ako'ng bitawan?" babala ko

"Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang alam mo kay Reino!" matigas na sabi nito, isang Reino pang marinig ko talaga namang ipa-flush ko na sa inidoro itong babaeng ito

BAKIT BA AKO NAGAGALIT???? Nakaka-asar! ganito pala feeling ng hindi mo alam kung ano ang meron! nasanay kasi ako na alam ko ang lahat at kontrolado ko lahat, pero ngayon? I don't know the pathogenesis of my actions! and it irritates the hell out of me!

"Pft. Suit yourself bahala ka!" sabi ko sa kanya, ang lakas din ng tibok ng puso ko para akong magpapalpitate na ewan. =_= may sakit ba ako? siguro kelangan ko ng tumigil sa kaka-kape.

"Hoy! saan mo ako dadalhin?" natatarantang sabi nito habang nakakapit pa din sa akin

"Hoy! hindi kita dinadala kahit saan ikaw ang nakakapit jan" sabi ko

"eh saan ka ba pupunta ha? I need to know about Reino!" +_+ isa pa! babarilin ko na ito!

"magpapakamatay!" sabi ko at hinatak ang kamay ko sa kanya

Ran's POV

=_= ano bang problema ng lalaking ito?? daig pa ang babaeng may menopause! eehhh! I need to know about Reino! kelangan kong malama kung wala na ba talaga akong pag-asa sa kanya, pero bakit...bakit hindi ko mabitawan ang kamay ni Rigid?

...

.....

.......

@_@ aaahhh!!! nakakaloka! ayoko isipin! siguro dahil me kelangan ako sa kanya! tama! yun nga yun!

"eh saan ka ba pupunta ha? I need to know about Reino!" sabi ko

"magpapakamatay!" sabi nito at hinatak ang kamay niya, pero hindi ko padin siya pinakawalan, nagtuloytuloy ito sa isang kwarto sa baba ng bahay, mukhang basement iyon, at library?

iniikot ko yung tingin ko sa lugar, hindi pa din ako kinikibo ni Rigid. eww ang dark naman ditey! nagtuloy tuloy siya sa isang shelf doon at kinuha ang libro ng PATHOPHYSIOLOGY huh? aanhin kaya niya iyon?

"Aanhin mo yan?"

"I'm having an angina pectoris" sabi nito, chest pain daw...

"bakit?"

"Hindi ko alam, kaya aaralin ko."

"Prelude to heart attack yan" kako, at tinignan lang niya ako ng masama, haha ang cute niya talaga O_O anoo???

nang biglang BLAG! 

O_o <-- ako

O_O <-- Rigid

ano nangyari? dali dali itong tumakbo patungo sa pintuan, at itinulak pataas, pero O_O what the hell!

"HIndi ko mabuksan" anito

"Ano???" hindi pede ito! I have an irrational fear on confined spaces! especially pag walang bintana at kulob, clautrophobic ako! sinubukan ko siyang tulungan sa pagtutulak ng pinto pero walang nangyari, naninikip na ang dibdib ko. Ayoko sa mga ganito...

"Tulungan niyo kame please!! tulungan niyo kame!!!" sigaw ko, malapit na akong magpanic hindi ko na alam ang gagawin ko

Nakatingin lang ito sa akin na parang naweiweirdohan, pero ayoko na isipin! nahihirapan na ako huminga...

"Hah...hah..." 

"Ano'ng nagyayari sa iyo?" sabi nito sa akin, pumikit lang ako ng mariin

"Claustrophobic ako...hindi ako makahinga Rigid..." sabi ko, waring nagulat naman ito, napaupo ako bigla, unti unti ng nagdidilim ang paningin ko, nanghihina na ako malapit ng magblack out ang paningin ko ng maramdaman ko ang sarili kong umangat sa lupa.

"Hang in there Ran" narinig kong sabi ni Rigid as he was carrying me...napapikit nalang ako, at napakapit kay Rigid.

Rigid...

__to be continued! ;)

(hala ka Rigid! ano'ng gagawin mo ngayon??) pa-remind po ako na hindi ko na dapat patagalin ang update nito kasi nawawala ideas? ahahaha nabubulok na kasi ata utak ko eh!

LONG WEEKEND PLEASE DUMATING KA NA!!! TT^TT 

The King of Jerks!Where stories live. Discover now