Chapter Seven

3.4K 81 4
                                    

TRINITY'S POV


Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng taxi habang nasa byahe kami ni CA. Tulog na si CA sa tabi ko habang ako ay nag iisip ng malalim

Napahawak ako sa dibdib ko. Matagal ko ng kinalimutan si Dylan, matagal ko ng binaon sa limot lahat ng nangyari sa amin sa nakaraan pero sa tuwing nakikita ko yung mukha niya nakikita ko yung ngiti.. Ngiti na   dahilan kung bakit ko siya minahal

Agad kong dinial ang number ni Kuya Charles, ilang ring pa lang ay sinagot na niya ito..

"Hello? Trinity?" sabi niya sa kabilang linya

"Kuya Charles, thank you kung palagi kang nandyan kapag kailangan ka namin ni CA. Siguro ngayon ay hindi na namin kailangan ng tulong mo. Kuya Charles, ayoko na ng kahit na anong koneksyon ang meron kay Dylan.. Please" sabi ko sa kanya habng pinipigil ang paghikbi

Ayoko ng bumalik sa nakaraan, masyado ng maraming mali ang nagawa ko sa nakaraan pero may isa akong bagay na hindi pinagsisihan at yun ay si CA. Siya lang yung naging strength ko nnung nawala na sa akin ang lahat...

"Pero.. Bakit biglaan? Ano bang nangyari?" tanong ni Kuya Charles

"A-ayoko na Kuya Charles.. Nahihirapan na akong balikan ang nakaraan, masyado ng masakit yung mga nangyayari" sabi ko

"Pero Trin--"

"Sawa na akong tawaging Trinity, Si Trinity kasi ay galit sa mundo at ayoko ng maging ganon. I just want to be the Jasmin from the past. Yung masayahin, na walang pinoproblema.. Siguro nga kailangan ko na ding magmove on.. Kuya Charles, please.. Eto lang ang wish ko" 

"I cant promise you that Tri--Oh, i mean Jasmin. Hindi ko maipapangako" sabi ni Kuya Charles

Ibinaba ko na ang phone ko dahil nandun na kami sa bahay, binuhat ko na si CA at ibinigay kay Yaya. Umupo muna ako sa mga chair sa garden at nagpahangin..

Dati pinoproblema ko lang kung paano alagaan si Dylan pero ngayon iba na ang namomroblema sa kanya.

Siguro nga hanggang dito na lang yung storya naming dalawa, parehas kaming pinaglayo ng tadhana. Tadahanang hindi kami pinaglapit sa isa't isa

2 months later...

"CA! Are you ready for your school?" tanong ko kay CA habang nakasuot siya ng kinder uniform niya

Ngayon yung first na pasok ni CA sa school at ang cute cute niya sa uniform niya. Para siyang little angel. Mana sa akin ee, gwapo at ako maganda :""")

"Mommy! I will make ligaw to my girl classmates ba?" tanong ni CA

O______________O Biglang lumaki ang mata ko sa sinabi niya. LIGAW?! SAAN NIYA NATUTUNAN YUN?!

"who told you that?" tanong ko

"Papa told me that he makes ligaw to you when you go to school" sabi ni CAA kaya lalong lumaki ang mata ko at namula pa

"Tss.. Dont do that, okay? Thats bad, listen to mama only" sabi ko at inayos ko na yung uniform niya at lumabas na kami ng bahay

Ihahatid ko na si CA ngayon sa school kaya inistart ko na ang sasakyan ko habang nasa back seat si CA.

Habang nagdadrive papunta sa school si CA ay kanta siya ng kanta sa likod ng tinuro ko sa kanyang mga Kinder songs, gaya ng insy winsy spider at twinkle twinkle little star

Pero agad akong napapreno ng may motor na humarang sa dinadaanan namin, agad kong tinignan si CA kung okay lang siya pero parang wala siyang pakialam at kanta lang ng kanta doon.

"CA. Wait lang okay?" sabi ko at lumabas ng kotse

"ANO BA?! Pwede bang mag ingat ka sa pagmamaneho! Baka makadisgrasya ka" galit na sabi ko dun sa nagdadrive ng motor pero nagulat ako ng bigla niya akong tinutukan ng baril

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, agad kong tinignan si CA sa loob ng sasakyan pero agad akong nagpanic ng umalis ito sa loob at sinundan ako

"Ma--"

"CA! GET INSIDE THE CAR" nag aalalang sabi ko kay CA

"Ma-

"CA! JUST LISTEN OKAY?! GO INSIDE" sumisigaw na sabi ko, pinipilit ko ng maging matatag para kay CA pero sobra na akong natatakot

"May kasalanan kasi yung tatay ng anak mo sa amin. Pabayaan mo, ibigay mo lang sa akin yung bata pwede ka ng umalis" sabi nung lalaki

"H-HINDI! Ako na lang kunin mo wag lang yung anak ko" sabi ko pero parang hindi niya narinig ang sinasabi ko at agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan ko at binuhat si CA

"HEY! WAGGGGGGGG! CA, NOOOOOOOOOO! BITAWAN MO ANG ANAK KO" sigaw ko habang nanlalaban sa kanya pero parang stick lang ako sa kanya na tinulak niya

Pero nabuhayan ako ng pag asa ng may narinig akong boses. Boses na halos di ko narinig ng isang buwan...

"Bitawan mo pamilya ko, kung ayaw mong sumunod sa mga kasama mo"

***************

My Son's Father is a Gangster (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon