weather wether lang..

19 1 0
                                        

A/N this is not a story .. but i hope you'll read and like it :)

Weather- weather lang ..

Ang buhay ay parang panahon ..
Pag maaraw masaya .. marami kang pwedeng gawin .. my positibo kang maiisip dala ng liwanag nito ..
Kapag naman makulimlim .. my lungkot sa iyong mga mata .. na para bang nawawalan ka na ng pagasa.
Presko at masarap ang simoy ng hangin. Ito nama'y sumisimbolo na may kapayapaan sa iyong kalooban .. ika'y kontento sa anu mang mayron ka ngayon.
Malamig na panahon .. parte ng buhay na kaylangan mo ng karamay .. magpapainit sa iyong damdamin .. yayakap sa iyo .. tutunaw sa yelong nakabalot sa pagkatao't puso mo ..
Kalamidad .. specifically, malakas na ulan o bagyo. Kung minsay naliligo tayo sa ulan .. nasasasatin yon kung haharapin, susuungin, dadamhin ang bawat patak nito. Naglalaro pa nga tayo sa ulan habang nakangiti .. pinapatunayan nito na, ang problema natin ay hinaharap natin ng nakangiti, ang problema ang ginagawa nating inspirasyon para makaangat. Kung minsan namang dinadama natin ang patak ng ulan ng naka ngiti kasabay ang pag-agos ng luha .. pinapakita nito na kunwari ay ayos lang tayo pero ang totoo ay hndi .. nagtatago tayo, para hindi nila tayo makitang nahihirapan o nalulungkot .. kapag naman hindi pa natin kaya .. gumagamit tayo ng payong .. pansamantalang proteksyon sa problema ng buhay. O ang ibig-sabihin ay ayaw nating magpaapekto sa bawat problemang ating kinahaharap.
Bagyo .. isang malaking dagok sa ating buhay. Kung minsa'y tinatakasan na natin ito .. lumilipat sa ibang lugar maalpasan lang panganib na dala ng ginawa natin. My ilang malakas ang loob na mananatili kung san naroon .. humahanap at humahanap ng solusyon sa bagyong nararanasan. Ang iba nama'y nasasawi sa malaking pagsubok pagka't hindi na kinaya ..
Climate change.. dahit sa pabago-bago ng panahon ng ating buhay .. tayo mismo ay nagbabago din. Nagbabago tayo pagkat my natututunang aral. Naliligaw ng landas pagkat ginawang negatibo ang iba't-ibang panahon na naranasan. Nagiibaba din dahil sa mga taong nakakasalamuha sa bawat panahon ng buhay ..
Pero ano nga ba ang hangganan ng bawat panahon na ito ???
Isang bahaghari na puno ng magagandang kulay .. na nagsasabing .. " Kahit ano pang panahon ang iyong mararanasan .. may isang bahagharing nagaabang .. may magandang pangyayaring makakamtan pag iyong nalagpasan ang bawat panahon ng buhay .. ang bahaghari ay gawa ng Diyos, ang panahon ay biyaya ng Diyos .. kaya't pag iyong nalagpasan ang bawat pagsubok Nya .. ang Panginoon din ang magkakaloob sayo ng BAHAGHARING ninananais mo "

Weather Weather LangWhere stories live. Discover now