CHAPTER 1

446 53 69
                                        


Kasalukuyan kong inaakyat ang naglalakihang pader na nakapalibot sa buong mansion namin. Nang makatalon ako at makalabas laking tuwa ang naramdaman ko, pakiramdam ko ay nakalaya ako mula sa hawla.

Istrikto si Papa, hindi niya kami pinapayagan lumabas ng mga kapatid ko. Nakakalabas lang kami kapag may importanteng pupuntahan o kaya kapag si Papa mismo ang nagsabi.

Pero sobrang tagal na noong huli kung masilayan ang labas, ni hindi ko na alam kung gan'on pa rin ba ang itsura nito.

At dahil sa kagustuhan kong maranasan kung ano ang buhay ang meron sa labas kapag gabi, iyon  ang naging dahilan para tangkain ko ang pagtakas na lingid sa kaalaman ng mga tao sa loob at labas ng mansion. Pagsapit ng alas onse ng gabi ay tahimik na ang buong mansion. Alas onse ng gabi ang binigay na curfew ni Papa sa aming lahat at tanging ang mga bantay sa labas lamang ang gising. Matagal kong pinag–planuhan ang pagtakas ko. Pero hindi naging madali para sa'kin ang ginagawa kong ito. Dahil maari ko itong ikapahamak. Pero buo na ang desisyon ko. At naging matagumpay nga ang paglabas ko ng hacienda.

Sa mismong likod ako lumabas. Para hindi nila ako mahalata. Maingat at tahimik akong nakalabas. Laking pasasalamat ko at ligtas ako, pero hindi ako dapat pakampante dahil sabi ni Papa delikado sa labas kapag ganitong oras. Binalewala ko nalang ang sinabi niyang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Tinahak ko ang naglalakihang damu sa likod ng mansion. Unti-unting sumibol ang takot sa'king dibdib bukod sa sobrang dilim nakakatakot na baka may mga hayop na nangangagat.

Nilakasan ko nalang ang loob ko. Hindi ako pwedeng magpadaig sa takot dahil ginusto ko ito. Kaya paninindigan ko. Wala akong dalang flashlight tanging cellphone lang ang dala ko na nagsisilbing liwanag ko sa dilim. Puro kaba at takot ang aking nararamdaman sa tuwing hinahakbang ko ang aking mga paa. May mga ilang kaluskos akong naririnig sa paligid na siyang nagpatindi ng kaba sa akin.

Sa kabila ng takot pagdadasal sa isip ang ginawa ko. Bakit ko ba kasi naisip ang kahibangang ito. Hindi ko naisip na ganito nakakatakot sa labas. Totoo nga siguro ang sabi ni Papa. Kaya hindi niya kami pinapalabas kapag malalim na ang gabi.

Ilang saglit lang ay may natanaw akong liwanag sa bandang unahan. Malayo-layo na rin pala ang narating ko. Malayo na ito sa mansion. Dahil sa mismong likod ako dumaan kaya nasisiguro ko na nakalayo na ako sa amin. Alam kong hahanapin nila ako pagsapit ng liwanag bahala na kong paano ako makakabalik. Sana magawa kong makabalik bago pa sila magising lahat.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa mismong liwanag na natanaw ko kanina. Marami pa ang mga sasakyan na nagdaraan sa lugar na ito. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. May dala akong pera kong sakali. May mga ilang bar akong nakikita sa paligid. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala sa lugar na ito. Sa tagal namin dito. Halos kilala ng lahat ang buong pamilya namin. Dahil halos sakop na namin ang mga ari-arian dito. Siguro naman ay ligtas ako dito kapag nalaman nila kung sino ako. Pero bigla kong naisip hindi ko pala pwedeng ipaalam ang pagkatao ko. Dahil sa estado ng pamilya namin, hindi pwedeng malaman ng lahat sino–sinu kami. Sabi ng kapatid ko kapag nasa labas kami huwag na huwag kaming magbabanggit kung ng kahit ano na may kinalaman sa pamilya namin. Del amor ang apilyedong alam nila samin pero hindi yun ang totoong apilyedo ni Papa. Ang apilyedong iyon ay ang apilyedo ng kanyang step-mother na tinuring niyang totoong ina. Dahil ang totoo kong lola ay iniwan sila. Kaya noong nag-asawa ulit si lolo. Iyong step-mother ni Papa na ang tinuring nilang totoong ina. Sobrang bait ng lola kung iyon. Siya lang ang tangging nakakapaghinahon sa lahat kapag galit si lolo at aking ama. Isang salita lang niya at nagiging maayos na ang lahat. Tila may kong anong kapangyarihan ang bibig niya na bawat salita niya ay nakokontrol niya ang lahat.

Sa gitna ng pag-iisip ko sa nakaraan hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng isang bar. Amethyst Throne iyon ang nakalagay na pangalan ng bar. Teka bakit kapangalan ko ang bar. May kakaiba akong nararamdaman sa lugar na ito hindi ko matanto kung ano basta may kakaiba talaga. Matagal kong pinagmasdan ang kabuohan ng mismong bar. Kakaiba din ang istilo at desenyo. Pinaghalong moderno at makaluma. Sa tingin ko mamahalin ang mga materyalis na ginamit dito. Sa tagal kong nakatayo sa labas tila may nag-udyok sa'kin na pasukin at alamin kong ano ang meron sa loob. Hinarang ako ng gwardya. At sinabing bawal akong pumasok ng walang maskara. Sabi ko wala akong dala dahil unang beses ko pa lang na papasukin ang bar na iyon. Buti at may isang nagmagandang loob binigay niya sa'kin ang mask niya. Hindi ko nakita ang mukha niya. Isang lalaki ang nag-abot sa'kin. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil bigla nalang itong nawala tinanong ko ang gwardya sabi niya hindi raw niya napansin. Kung sino man iyon salamat sa kanya. Nang maisuot ko na ang maskara ko. Laking pagkamangha ko mas namangha pa ako sa nakita ko dito sa loob kesa sa nakita ko sa labas. Para akong nasa enchanted fairytale. Ganun pa rin ang desenyo pinaghalong moderno at makaluma. Sobrang talino ng nakaisip ng konseptong ito. Hindi ito basta bar lang. Nilibot ko ang buong lugar sa bandang gilid nitong bar ay may isang pinto na may dalawang gwardyang nakabantay. Ayokong magmukhang ignorante kaya hindi na ako nagtanong pa kong ano meron sa loob.

Remnants in the DarkHistórias para pegar e não largar. Descubra agora