"Cy, I have a question..." ani Zyline bago kinuha si Keij na hinihila na ngayon ang buhok ng natutulog na si Kol.

"What is it?" tanong naman ni Cyan sakanya. She gave Enzo and Lean their feeding bottles.

"Paano kung si Kuya ang may Tanya sa past niya... what are you going to do?" tanong niya sa kaibigan. Tinignan naman siya ni Cyan na tila inaalam kung bakit niya naitanong ang bagay na iyon. Kilala ni Cyan si Tanya base na din sa kwento niya. She was her best friend, natural na dito siya magkukwento. Hindi pa man niya alam na buntis siya noon, nabanggit na niya kay Cyan ang tungkol sa babaeng iyon.

Ngumiti si Cyan sakanya. "In reality, walang Tanya sa buhay ni Blue. Alam naman nating si Stephanie lang ang nagustuhan ng Kuya mo bago siya nabaliw sa akin," puno ng confidence na sabi ni Cyan. "Pero sige... what if may babae sa buhay ni Blue noon na bumabalik ngayon. At iyong babaeng 'yon, kinabaliwan ni Blue noon..." inabot ni Cyan ang kamay ni Zyline. "Bakit ako magpapaapekto sa noon?" tanong nito sakanya. "You have Hunter now, Zyline. At alam naman ng lahat na gago ang asawa mo. Pero ikaw ang higit na nakakakilala sakanya. Ikaw ang dapat magtiwala sakanya..." aning muli ni Cyan.

"May tiwala ako kay Hunter..."

"Pero hindi sapat, Zy. Aminin mo... you're still having doubts..." seryosong sabi ni Cyan. "Don't let that past ruin what you were having, sis. Past nga, eh. Dun nalang dapat..." she sighed deeply again. "Be brave enough to tell him to fix his past so it won't bother you now. Kung kinakailangang ipatapon si Tanya sa Bermuda Triangle, gawin!"

Hindi naman naiwasan ni Zyline ang matawa. Kung minsan talaga, nakakahawa ang walang kwentang jokes ni Blue, eh. Pati si Cyan, nadadamay na, eh.

Blue was almost finished cooking when Hunter came in. Kasama nito si Thunder at Rain pati na si Theon.

"What are you doing here, Thunder?" tanong ni Cyan sa lalaki.

"Bahay mo, Cyan?" balik na tanong ni Thunder dito. Lumapit naman si Rain sa dalawang babae habang karga-karga si Theon.

"Whatever," Cyan rolled her eyes. "Tita Sungit..." ani Theon kay Cyan. Tinitigan naman ng masama ni Cyan si Thunder. "Blame Cupid..." he shrugged. "Andito si Asul?" tanong nito kay Zyline. Tumango naman ang babae at sinabing nasa kusina ang kaibigan nito.

Lumapit naman si Hunter sakanya at hinalikan siya ng mabilis sa labi bago hinalikan sa noo si Keij na nagpapakarga na agad kay Hunter. "You're giving mommy a hard time, Kiej..." ani Hunter nang kunin nito ang bata mula kay Zyline.

"And Mommy"s giving Daddy a hard on..." sabi naman ni Cyan.

Napailing nalang silang dalawa ni Rain dahil sa sinabi nito. "Maliligo lang ako," sabi ni Hunter bago inilapag sa tabi ni Kol si Keij.

"Hun, aawayin ni Keij si Kol, eh..." pagsusumbong ni Zyline sa asawa. Lumingon naman si Keij sakanya na tila naiintindihan siya at nagsimulang umiyak.

Hindi naman napigilan ni Rain matawa. "Ang cute ni Keij..."

"Keij, stop crying..." ani Hunter na muling binuhat si Keij. "Mommy was just kidding. You're a good boy, right?" pag-aalo pa ni Hunter sa anak. Maya-maya'y napatahan na din ni Hunter ito at inilapag ulit sa tabi ni Kol. "Huwag mong awayin si Kol, okay? Behave..." sabi ni Hunter habang nakatingin si Keij dito na tila nakikinig talaga.

"Aayusin ko muna ang damit mo," sabi ni Zyline. "Rain, pakibantayan muna, ha?" sabi ni Zyline sa kaibigan. Tumango naman ito. Kinuha kasi ni Thunder si Theon kaya walang binabantayan si Rain.

Umakyat na ng kwarto si Zyline para asikasuhin ang kailangan ni Hunter. Sa tuwing uuwi talaga galing trabaho si Hunter, naliligo ito. Buti na nga lang at hindi ito napapasma, eh.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now