“Louie? As in ‘yung nasa picture?” eksaytment na tanong niya sa’kin at tumayo pa talaga. Balak pang makinig sa usapan namin. Tss.

Iniiwas ko talaga kay Hiro ‘yung telepono ko habang kausap ko si Louie na nagtataka kung sino ‘yung kausap ko kaya nagsumbong na ako. “Wala. Isang malaking epal. San ka na? Alam mo ba, may nang-aaway saken dito? Awayin mo nga, bigyan mo rin ng uppercut.” Tapos nag-behlat ako kay Hiro.

“Uy, pakausap ako,” pangungulit ni Hiro at sinusubukan niyang kunin ‘yung telepono pero iniwas ko. “Dali na~~”

“Ayaw! ‘Di mo ako pinahiram ng gitara mo, edi ‘di rin kita ipapakausap sa bespren ko!” ganti ko naman at binehlatan ko ulit siya.

Tas sinigawan na ako ni bespren sa kabilang linya. Makinig muna daw ako sa kanya tas nangamusta siya. Edi sinabi kong masaya tsaka masarap maligo sa beach, tsaka maganda ‘yung bahay nila. Tinanong ko rin siya kung anong oras sila makakarating dun ni Tita Louise dahil malapit nang maluto ‘yung pagkain. Naaamoy ko na nga ‘yung inihaw na pusit eh.

‘Yun pala, hindi na matutuloy dun sila Louie kasi nasa airport na sila at papunta na sa Japan. Ahuhuhu.

 

Sorry ah, sabi ni Louie at dinig na dinig ko ‘yung lungkot niya kaya nalungkot din ako.

“Eeeehhhhh,” angal ko. Akala ko pa man din magkakaroon na ako ng kasangga laban kay Hiro the Villain. Hindi talaga bagay ‘yung pangalan niya sa kanya dahil hindi siya hero— isa siyang malaking kontrabida sa buhay ko.

 

Bakit? May nambu-bully ba sa’yo diyan? Imposible naman yata. Diba friendly ka? Hahaha.

 

“Meron!” sumbong ko. Pero sumimangot na naman ako. “Kala ko nga ipagtatanggol mo ako sa kanya pagdating mo dito tapos… tapos…”

Sus! Andiyan naman si Mason eh. Pasapak mo na lang kay Mason!

Tumingin ako sa kapatid ko pagkasabi nun ni Louie. “Hoy! Mason! Sabi ni Louie sapakin mo raw si Hiro!” Pero di niya ako pinansin at nakatingin lang sa malaking TV. “Di ako pinansin! Bespren, ‘di yata naniniwala eh. Gusto mong kausapin?”

Pero tumanggi na si Louie. Siya na lang daw ang sasapak kapag nakita niya si Hiro. Tas tinanong niya ako kung ano yung buong pangalan ng bully. Edi sinabi ko: “Lloyd Hiro Resort”.

“Anong Lloyd Hiro Resort?!” sabat na naman ni Epaloid. “Lloyd Hiro ANG! AAAANNNNG!!!”

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. “Lloyd Hiro Ang? Ano ang alin?”

Hindi ko nalang pinansin ‘yung mga sinabi ni Hiro na nakabuntot pa rin sa’kin at tumitiyempong kausapin si bespren. Kaya nung nagpaalam na si Louie, hindi ko muna binaba ‘yung selpon ko at nag-monologue ako para inggitin si Hiro at makaganti sa panti-trip niya sakin.

“Wag mo munang ibaba, sasakay ka na ba sa erpleyn? O, di pa pala eh. Kwentuhan mo muna ako. Eh? Talaga? Ang saya naman. Nestym sama mo ako ah. Magcosplay tayo diyan. Ayiee. Sabi mo yan ah. Ambait mo talaga bespren. Kaya lab na lab kita eh—“

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon