# 46 Eroplano

1.3K 35 18
                                    

DEAR DIARY;

Ngayon ang araw ng flight ko. Syempre hinatid ako ni Axel pati na rin ang mga kaibigan ko na akala mo ay bakasyon ang pupuntahan ko dahil kung makapagbilin ng pasalubong ay wagas. Sarap nila pagsasaktan eh.

Pinipigilan ko na nga ang umiyak lalo na nung papasok na ako. Niyakap ko nalang ng mahigpit si Axel at ganun din naman sya sakin.

AXEL : Dadalawin kita dun sa Isabela.

AKO : Paano ang trabaho mo?

AXEL : Basta ako ang bahala. Gagawa ako ng paraan para makasama ka.

Tapos hinalikan niya ako ng mariin. Wala na kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin.

***

Nandito ako ngayon sa loob ng eroplano at nagsusulat habang hindi pa umaalis. Hindi ko alam kung sino ang katabi ko dahil wala pa siya. Pero sana huwag mabaho ang katabi ko at hindi maingay.

Bigla nalang may umupo sa tabi ko. Nabangga niya pa nga ang kamay ko kaya gumulo ang sulat ko. Paglingon ko ay lalaki ang katabi ko.

Infairness gwapo siya. Humingi naman siya ng sorry sakin. Nginitian ko lang siya at sinabing okay lang yun.

Mayamaya ay nagtake off na ang eroplano pero nagsusulat pa din ako. Ayoko kasing matulog. Mga isang oras lang naman ang byahe namin. Pero narealized ko na ang hirap pala magsulat habang umaandar ang eroplano. Medyo nahihilo ako kaya babalikan nalang kita mamaya.

***

Grabe na po ito Lord! Bakit naman po hinayaan Niyo ako na abutin ang kamalasang iyon sa buhay ko?

Nakababa na ang eroplano dito sa airport pero hindi pa rin ako umaalis. Nagsusulat pa ako dahil gusto ko lang isigaw itong nararamdaman ko. Nakakahiya talaga!

Nung nagtake off  na ang eroplano ay nakakaramdam na ako ng hilo. First time ko kasi magbyahe by air. Naninibago ako. Tapos ewan ko kung anong nangyari at bigla na lang akong nasuka! Ang worst part pa dun ay yung gwapong lalaking katabi ko pa ang nasukahan ko! Syempre gulat na gulat siya! Feeling ko that time gusto ko ng tumalon palabas ng bintana ng eroplano.

Sana lang po ay hindi ko na ulit makita ang lalaking iyon dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Nakakahiya talaga!

Kasalanan talaga ni Yexel ang lahat ng ito!

***

A/N:

Amishyu babies! Happy 2016!

P.S.

Delayed ang kalendaryo sa mundo nila Gwen haha!

-shinayawaara

Walang Forever!Where stories live. Discover now