Haaaay grabe gabi-gabi nalang.
Gabi-gabi nalang akong umaasa na sana pansinin niya ko.
Na pansinin niya bawat emails ko.
Nakakainis talaga. Nakakabadtrip.
Bawat message ko sa kanya. Seen lang lagi.
Ano ba naman yung simpleng hi niya sa mga hellos ko.
Yung simpleng Ok lang sa bawat pangungumusta ko.
Mahirap bang gawin yun.
I've met him 4years ago classmate ko siya since 1st year college. Fresh grad. lang kami december na nga at christmas na bukas. Pero wala, wala yata talagang pag-asang magbunga ang pangarap na tinanim ko.
Those 4 years was one of the wonderful things and memories I ever had.
1st year nung nakilala ko siya classmate nga kasi kami.
2nd year we've become friends di lang kami yung magkaibigan kasi isang barkadahan kami.
3rd year ng tumibok ang puso ko para sa kanya pero ayoko sayangin ang pundasyon ng barkadahan namin. Ayokong masira yun o mawala.
Kaya napagdesisyunan ko na pagkagraduate namin dun nalang ako aamin sa kanya na.....
Akala ko nung una sapat lang na malapit siya sakin...
Na sapat ng nandyan kami para sa isa't isa hindi pala...
Yung simpleng admiration ko pala sa kanya lumalalim pala ng lumalalim kasabay ng panahong pinili ko munang iwasan siya na akala ko magiging mas madali para sa akin ang lumimot hindi rin pala.
Habang tumatagal lalo ko lang siyang minahal.
Kaya pagkagraduate namin nung april simula september pagkatanggap na pagkatanggap ko palang ng una kong trabaho gabi gabi ko na siya minemessage kinukumusta pero hanggang ngayon wala pa din siya response pero alam ko nababasa niya dahil nga may seen ehh.
Nako dati friendzone ako ngayon seenzone naman? -.-"
3 months na ang lumipas ng nagsimula akong i-message siya.
Ngayon december 24 na napagdesisyunan kong sa pagpatak ng alas-dose ng umaga araw ng pasko at wala pa din siyang message ako nalang ang lalayo.
10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1...
Merry Christmas, my mom greeted me. Napakislot ako at pupungay-pungay na umupo ng bigla kong naalala yung email ko kay JaM kagabi.
Hi JaM di ko alam kung galit ka ba sakin o ano kasi di ka man lang nagrereply sa bawat message ko. Sa huling pagkakataon gusto lang sana kita batiin ng Merry Christmas sana masaya ka.
Haaay di niya pa na seen. Pero open naman siya ito na siguro yung time para umiwas. (bye JaM) bulong ng isip ko.
---
Natawa ako na may kirot pa din sa puso ko ng makita ko ang lahat ng iyon sa diary ko it was dated as DECEMBER 25, 2010 at ngayon ay DECEMBER 24, 2015 na at bukas na ang araw ng kasal ko..
Nakilala ko si Mark after nung day na napagdesisyunan kong kalimutan na si JaM hindi ko siya mahal nun pero nagtyaga siyang ligawan ako ng tatlong taon 2013 ng sagutin ko siya.
Alam niya ang lahat ng nakaraan ko . Pati ang tungkol kay JaM pero tinanggap niya pa din ako ng buo kahit hindi ko matapatan ang pagmamahal na ibinibigay niya.
Bukas na nga ang kasal namin.
Pero bakit ganon parang di ako masaya.
Nag-open ako ng facebook. At ngayon ko lang ulit to gagawin. Simula kasi ng iwasan ko si JaM di ko na ulit tinangkang mag fb nasasaktan lang ako sa pang-i-snob niya but when I opened my account 5messages ang bumungad the 3messages was my friend's. The one is from my brother and the other is from...
What?????
I can't breath. O my Goodness?
JaM????
received DECEMBER 25, 2010 12:08am
Hi Ria. First of all I'm sorry. I'm sorry because I was'nt able to reply your messages because I'm afraid. Because I think I misses you or maybe I should say I love you. Sorry. Alam ko mali to dahil friends tayo pero sorry ito yung nararamdaman ko ehh. Please forgive me.
Next message: JaM 1:00am
Bakit di ka nagrereply galit ka ba? Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para ipagtapat ang lahat. Eversince I saw you my heart beats so loud. Nagsimula ang lahat ng makilala kita nung 1st year enrollment day palang. At napakasaya ko pa nung nalaman kong kaklase kita. Later on, mas lalo akong naging masaya dahil naging kaibigan kita. Feeling ko naging oblivious to the obious ang paghanga ko sayo, dahil lumayo ka. At feeling ko hanggang kaibigan na lang talaga ang tingin mo sakin. Sorry lalayo nalang ako sayo di kita kayang maging kaibigan Ria kasi Mahal kita ehh. Sorry good bye.
"Anak imessage mo yung kuya mo inform mo ulit yung time ng wedding bukas alam mo naman yun laging late"
Tumakbo ako kay Mom umiyak hanggang sa wala na kong maramdaman pa at nakatulog na.
---
Isang mabilis na taon ang lumipas ang sarap tingnan ng pictures ni JaM habang kalong ang mga anak.
At oo di natuloy ang kasal ko di ko kayang magpakasal kay Mark ayokong lokohin pa siya. Na pakasalan siya habang may mahal akong iba. The memories are fresh from both mind and heart of mine.---
Alam ko Ria naiintindihan ko na mahal mo pa din si JaM hanggang ngayon wag ka mag-alala papalayain na kita.
He kissed me on my forehead and wave his goodbye.
Right after that I opened again my facebook account and search JaM's.
Blocked ako?
I used mom's account to message him but before that shempre tingin tingin muna ko sa timeline niya at bumungad sakin ang sakit na takot na takot akong maramdaman. Isang picture ng masayang pamilya kinasal pala siya nung 2014 at ngayon may anak na siya.
Habang buhay nalang akong magiging masaya para sa kanya.
Nakakatuwang isipin ang mga pangyayari. Pinaglaruan ba ko ng tadhana? O hindi lang talaga kami ang inilaan para sa isa't isa.
---
I'm 87 years old now. Scrolling on his timeline. Seeing his beautiful family. His wife and 3 siblings was beautiful as it could be.
---
At ako??? ng hindi matuloy ang kasal ko kay Mark di na ulit ako nagpaligaw pa lalong-lalo na ang alam ko walang papalit kay JaM dito sa puso ko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Tadhana
Kısa HikayeHindi lahat ng itinadhana na magbalik ay nakabubuo ng panibagong simula.
