Ng mahanap ko ito ay naghanap ako ng pwesto na walang makakakita at makaka istorbo sa akin,ayokong sa mga mesa pumwesto,madaming kukuha ng atensyon ko.

Sa pinaka dulong dulo ako ng mga book shelf pumwesto,naupo at sumandal sa pader at nagsimulang magbasa,hanggang sa maramdaman ko na lang ang antok at hindi ko na mapigilang makatulog.

Ng magising ako sobrang dilim na ng paligid.

Luh? Brownout? Kinuha ko ang cp sa bulsa ko at tiningnan ang oras, Oh my Gawd! 8pm na!

Agad akong napatayo,takot pa naman ako sa dilim, huhu! Baka may magpakitang multo dito! Dahan dahan akong naglakad,gamit ang cp ko bilang ilaw ay tinungo ko ang pinto para buksan.

Shit na malagkit! Bakit naka lock? Pano ako makakauwi nito? Hahanapin ako ni Naynay! Naglakad pa ako para hanapin ang switch ng ilaw ng may maramdaman akong yabag ng paa,napatigil ako sa paglalakad,nagtayuan ang balahibo ko. Sinasabi ko na nga ba at may multo dito eh!

Naglakad pa ito,at ramdam kong papalapit ito sa akin,hindi ako kumilos, tengene katapusan ko na! Bro patawarin nyo po ako!

Ng biglang may kumapit sa balikat ko at nagsalita.

"Naiwanan ka din?"

"waaaahhhhh! Naynay! May Mumu!! Waahh! Bitawan mo akong mumu kaaa!!" buong husay kong sigaw at talagang napaatras pa ako.

"Hey!! Hindi ako ang Mumu! Baka ikaw ang mumu! Tinakot mo nga ako kanina! Kung hindi ko lang nakita ilaw ng phone mo iisipin kong mumu ka" sabi nya. Huh?! Ano daw? Hindi ko maaninag ang mukha nya kaya tinapat ko sa kanya ang cp ko.

"You dont need to do that,bubuksan ko ang ilaw" aniya at naglakad,infairness ang ganda ng boses nya.

Maya maya lumiwanag na ang buong paligid,para akong bagong gising na kinusot pa mga mata ko.

"There,siguro naman hindi na ako mumu ngayon" aniya,lumapit ulit,napanganga ako teh! Bakit may ginawang ganitong nilalang ang ang Panginoon? Ang gwapong mumu naman nito?

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong nya at naglakad papunta dun sa mga mesa at naupo sa bangko,sumunod ako at naupo na din.

"Nakatulog ako habang nagbabasa eh" yamot kong sagot,kasalanan to ni Maam Policarpio,panigurado nag aalala na si Naynay.

"Pareho pala tayo,minsan kasi hindi na nagchecheck ang mga faculty pag nagmamadali kaya siguro hindi tayo napansin" sabi nya. Pano nya nagagwang maging kalmado?

"Ay! Saglit naiwanan ko yung binabasa ko" sabi ko at tumayo papunta sa pwesto ko kanina,nasa lapag yung libro,pinulot ko at bumalik na sa pagkaka upo.

"Hanggang anong oras tayo dito? Panigurado nag aalala na si Naynay" sabi ko naman.

"Siguro mga 4am,bakit hindi mo itext ang Naynay mo?"

"Wala akong load"

"Oh eto makitext ka muna sa akin" sabay abot nya ng phone nya. Wow! Susyal! Anong unit kaya to? Mukhang mamahalin! At yon tinext ko na si Naynay at binalik sa kanya ang phone nya.

"Ako nga pala si Gero,Gero Kyle Montenegro,fourth year pilot section" pakilala nya at inilahad ang kamay. Shit! Gwapo na,mabaet pa at matalino pa!

"Uhm,uhm Kaii, Kaiicen Andrada,fourth year din,section C" nahihiya kong sagot.

"Wow! Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Ewan ko" sagot ko na lang,haay nagugutom na ako.

GGGRRRAAAWWLLL!!

Shit! Ang sikmura kong walang pakisama >_____

"Hahaha! Mukhang gutom ka na ah? Wait may foods ako sa bag ko" aniya at tumayo tinungo ang kabilang dulo ng mga book shelfs, so doon naman sya natulog? At ng bumalik ay dala na nya ang bag nya. Ng makaupo ay inilabas nya ang pagkain, mga junk foods lang naman.

"Pasalubong ko dapat yan sa bunso kong kapatid,but since pareho tayong gutom,kainin na natin" naka ngiti nyang sabi,agad kong kinuha ang piattos at nilantakan ito.

Ang bait naman ng isang to,kung ibang tao pa yan inabuso nya. Matapos lumamon ay nakaramdam ako ng antok,hindi ko na sya kinibo,antok na ako eh.

Muli nagising ako sa pagyugyog sa akin.

"Kaii,Kaii gising na! Alas quatro na,dadating na ang janitor makakauwi na tayo" dinig kong sabi nya at dumilat na ako,ang gwapong mukha ni Gero ang tumambad sa akin.

"Sa wakas!" masaya kong sabi. Maya maya nga bumukas na ang pinto.

"Ay Mumu!!" sigaw ng Janitor,pareho kaming napatawa ni Gero,lumapit na kami dito at ipinaliwanag ang nangyari then umalis na kami para makauwi.

- First chapter, what can you say? :)

Mumu Sa Library (boyxboy) - COMPLETED!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt