Chapter One

5K 116 7
                                    

"Surrender"

------

Cheska's POV

Nagising akong nasa ibabaw ng matitipunong braso ni Klyde ang ulo ko. Nakayakap siya sa mga baywang ko. Kagabi ang pinaka espesyal na gabi para sa akin. Iyon ang gabi na isinuko ko ang aking sarili sa taong mahal ko at alam kong mahal niya ako. Alam kong mali iyon. Pero anong magagawa ko mahal ko iyong tao. And, besides matagal na rin kami ni Klyde. Niyakap ko siya at inalala kung paano namin pakitunguhan noon ang bawat isa.

Four years na kaming magkarelasyon. My mom and his mom are bestfriends. Simula pagkabata ay magkakilala na kami. Kaso nagpunta sila ng America nung tumuntong kami pareho sa edad na sampu. Nandoon kasi ang grandparents niya. Medyo may edad na kaya kailangan ng may mag-aalaga. After 8 years bago sila bumalik dito sa Pilipinas.

It was the year of my debut. Four months before my birthday ng dumating sila. They stayed in our house for one week. That one week is hell for me. I find him so irritating and annoying. Lagi siyang nagpapapansin at nang-aasar. Taliwas siya sa lahat ng gusto ko. That was before when we are enemies. But then, heto kami turn into lovers.

Napaka-cliche na siguro ng kwento namin. Yung hate namin ang isa't isa pero in the end nagkagustuhan din. Nagsimula yung feelings ko magmula nung ma-hospital ako. Almost one month akong bed ridden, because of his childish act. Akalain niyo bang lagyan ng mantika yung hagdan. When I do my first step down stairs nadulas ako. Akala niya masasalo niya ako pero hindi. We both slipped on what he made. Niyakap niya ako, hanggang sa nagdire-diretso kami sa baba. Imagine 15 steps yun from our second floor to the ground. Mas napuruhan ako, my waist got injured. Akala ko hindi na ako makakalakad. But the doctor said, need lang ng one moth bed rest.

Si Klyde ang nag-alaga sa akin. Naguilty sa ginawa niya. Mas nakilala ko siya that time. Nakita ko ang totoong siya. Hindi naman pala ganoon kasama at nakakairita ang pag-uugali niya. I fell inlove with him. Yung ngiti niyang makalaglag panty.

Umamin siya na kaya niya ako inaasar dahil noon pa man na mga bata kami ay may gusto na siya sa akin. Na-challenge sa akin dahil lahat ng girls na nakakasalubong niya sa America pinapansin siya. Himala raw na ako hindi naapektuhan sa kaniya.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya napansin. Siguro wala naman kasi sa utak ko yung mga ganoon. Ang nasa utak ko ng mga panahong iyan ay mag-aral nang mag-aral.

Nagbago lahat ng dumating siya. He court me, then during my debut I accept him as my boyfriend. Talagang mararamdaman mo yung care and love niya. Walang araw na hindi niya ako napapakilig kahit sa simpleng bagay lang na nagagawa niya. Alam kong liberated siya dahil nga sa ibang bansa siya lumaki. Pero ni minsan hindi siya nagkamali na may gawin or something. Dahil alam niyang ikakagalit ko iyon. Napangiti na lang ako sa aking naalala.

Pero kagabi bumigay ako. Hindi ko dapat pagsisihan ang nangyari kagabi. Kagustuhan ko iyon. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya ng maalala kong hindi lang pala isang beses may nangyari sa amin. It's our first time kaya medyo awkward. Dapt ko bang i-open sa kaniya ang topic about dun?

Ramdam ko pa rin ang sakit ng ibabang parte ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba bigla na lang akong nag-init kagabi. Paano ko ba siya dapat pakitungahan? Tatanungin ko ba siya kung okay lang siya? Kung ano ba ang pakiramdam niya kagabi?

Bigla akong napailing sa mga tanong na naisip ko.

"Hindi, hindi dapat gano'n. Magtira ka naman ng katiting na kahihiyan sa sarili mo Cheska," bulong ko sa aking sarili.

"Babe," hinila niya ako at muling pinahiga sa braso niya.

"Maaga pa, tulog pa tayo," sabi niya.

Undesirable Mistake [COMPLETED]Where stories live. Discover now