P R O L O G U E

28 1 0
                                        

P R O L O G U E

Ang mundo ay merong anim na dimensyon, at ang bawat dimensyon ay may kaharian.

Ang unang dimensyon ay ang mundo ng mga tao. Sila ay isang odinaryo kung titingnan ngunit hindi. Sila ay mga nilalang na may angking talino. Talinong nakabubuo ng isang bagay, talinong nakakaalam ng misteryo ng buhay. Sila rin ang mga nilalang na may napakalaking krusyudad sa bawat detalye ng mundong kanilang ginagalawan, ang alam nila ay alam na nila ang lahat lahat ngunit nagkakamali sila.Ang dimensyong ito ay walang makikitang kaharian ngunit mayroong tagapagbantay o guardian na syang nagbabantay at nagbabalanse ng mga bagay bagay sa mundong ito.

Ang ikalawang dimension ay ang mundo ng mga taong may kakayahang manupulahin ang tubig, tubig na syang nagtatawid ng uhaw at bumubuhay sa lahat ng nilalang sa bawat dimensyon. Ang kanilang kaharian ay nahahati sa dalawa, ang kaharian ng Aqua at ang kaharian ng Glicsierries.

Ang ikatlong dimensyon ay ang mundo ng mga taong mag kakayahang manipulahin ang lupa. Lupang tinatayuan ng bawat dimesnyon. Ang manilang kahariaan ay iisa lamang at may iisang hari at reyna, prinsipe o prinsesa. Binubuo din ito ng mga Elders o mga nakakatanda na syang tumutulong sa pagdedesisyon sa kaharian. Huwag kang malilinlang sa kanilang itsura, dahil sila ang pangatlo sa pinakamalakas sa buong kaharian, kasunod ng hari at reyna. Ang pinakamalakas ay hindi pa nahahanap.

Ang ikaapat ng dimensyon ay ang mundo ng mga taong kayang manipulahin ang hangin. Hanging bumubuhay sa lahat ng nabubuhay na organismo. Kayang kaya nilang manipulahin ang kahit anong uri ng hangin. Ang kanilang kaharian ay nasa itaas upang masiguro ang siguridad ng mga alaga ng mga tagapagbantay ng bawat Dimensyon. Ang dimensyong ding ito ay isa sa mga misteryosong kaharian dahil wala pang masyadong nakapupunta sa kaharian nila dahil nga lumulutang sa napakataas na lugar ang kanilang kaharian. Ang kadalasang nakapupunta dito ay mga panauhin lamang at ang mga hari at reyna ng bawat dimensyon.

Ang ikalimang dimensyon ay ang pinakamalakas na dimensyon sa lahat. Ito ang mundo ng mga taong kayang manipulahin ang apoy. Kayang kaya rin nilang manipulahin ang mga bagay ng makagagawa ng apoy. Sila ang isa sa itinuturing na sundalo ng bawat dimensyon. Sila ang isa sa mga pinakamisteryosong kaharian. Walang mga pag aaral tungkol sa kanilang lahi. limangdaang taon na silanv hindi nakikita, at ang huling kita sa kanila ay ang gyerra sa pagitan ng apat na dimensyon at ng dark world. At ang araw ding iyon ay ang pagkawala ng tagapagbantay ng kanilang kaharian...

Ang pinakahuling dimensyon, ang mundo ng mga pinaghalu halong tao na may masamang budhi. Mga taong mas piniling mapunta dito at mga taong hindi kuntento sa katayuan ng kanilang buhay sa dimensyonv kanilang kinalakhan. Sila ang mga taong uhaw sa kapangyarihan. Ang kanilang kaharian ay napakadumi, napakadilim... Walang nakaaalam kung sino na ang namumuno sa kahariang ito, dahil simula nang matalo sila sa gyeranv sinimulan nila ay hindi na sila muling naghasik ng kasamaan.

Merong mga bagay na nakapaguugnay sa bawat dimensyon. Yun ay ang bawat isa ay kailangan ng bawat isa. tubig para sa pagkauhaw, lupa para sa pagtapak, hangin para sa paghinga at apoy para sa liwanag. May iisang dimensyon din silang pinakapinoprotektahan, at iyon ay ang mundo ng mga ordinaryong tao.At dahil mahalaga ang mga ito sa kanila, mas pinili nilang wag ipaalam sa mga ito ang existence nila.

- - * * - - exoXo

-yourExoL
~thisISmyYna

The Legends: IgnisWhere stories live. Discover now