1

21.5K 271 15
                                    

Angel in Disguise

By Sara Rose R. Del Pilar

Genre: Teen Fiction

Copyright©2015 by PS Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced  or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical,  including photocopying, recording,or by any information storage and  retrieval system, without the written permission of the author, except  where permitted by law.

Author's note!
Hi everyone, this story is already deleted here in wattpad. You can read it with Dreame app, my username is Princess Sara. Please don't forget to follow me!

Chapter 1

Ayesha's POV

"Miss president!"

Halos  malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang nakababasag eardrums  na boses ng secretary namin.At mukhang pati siya ay nagulat din sa  reaksyon ko.Sinamaan ko tuloy siya ng tingin bago ko pinahaba ang nguso  ko.

"Argg! Ellyse, kelan ba hihina yang boses mo?" Singhal sa kaniya ni Prince,ang surgent at arms ng student council.

Inirapan  lang siya ni Ellyse at nagdiretso na palapit sa table ko.She smiled at  me bago tumingin sa bintana sa likuran ko.Napataas ang kilay ko at  napatingin din.

"Napapansin ko lang na madalas kang nakamasid diyan." Bumalik ang tingin niya sakin. "May crush ka sa varsity ano?" She waggled her eyebrows.

Ang  nasa labas kasi ng bintana sa likuran ko ay yung mismong basketball  court kung saan laging nagpapractice ang varsity team ng university.

I smiled before I snatched the folders she's holding.

"Saan galing ang mga 'to?"

Umupo siya sa swivel chair sa harap ng table ko at ngumiti na parang tanga. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong matawa.

"Ano ba Ellyse! I'm asking you."

"Eh tinatanong din kasi kita, so sino nga? Sinong crush mo sa varsity?"

She  looks so much interested at alam ko namang hind rin ako makakatakas sa  kaniya.But still, ayoko talagang sabihin. Normal lang naman kasing  magkagusto sa isang katulad niya, sikat siya at isa siyang mabuting tao.

"Wala."

"I don't believe you. Matagal na tayong magkaka-kilala dito, tayo pa bang maglolokohan? Dali na kasi."

"Tigilan mo nga yang si miss president sa kakulitan mo." Biglang  singit ni Prince habang nireretype yung mga attendance sheets namin for  this month. Iniutos ko yan sa kaniya last week pero ngayon palang pala  niya ginagawa.

Nilingon siya ni Ellyse at tinaasan ng kilay.

"You know what Prince? I don't need your opinion here. Bakit  hindi mo nalang tapusin yang ginagawa mo? Last week pa yan iniutos ni  Ayesha sa'yo pero ngayon mo lang ginagawa, wala ka talagang kwenta." And she even rolled her eyes.

Natawa  nalang ako. This two always argue over petty things, para silang aso't  pusa. Kaya madalas silang tinutukso ng adviser namin eh. Madalas talaga  nilang pag-awayan yung pagiging late sa pag-respond ni Prince sa mga  utos ko. Si Ellyse kasi, wala pang twenty four hours may output na, si  Prince naman bibilang ka pa ng linggo bago magsubmit kaya lagi silang  nagbabangayan.

Lumingon ulit sakin si Ellyse at nabigla naman ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa table.

"Come on Ayesha, who's the guy?"

Angel in Disguise[Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon