Iaabot sana ni Tanya kay Hunter ang cellphone nang si Thunder na ang kumuha nito sa kamay ng babae. "Thank you for giving it back," sabi ni Thunder dito.

Tinignan ni Zyline si Thunder. He handed the phone over and gave it to Zyline. He smirked at her. Alam kasi ni Thunder na sa mga oras na iyon, masamang galitin si Zyline lalo. She's a De Guzman, after all. Kilala ni Thunder si Blue and he was sure as hell na masama talagang kaaway ang mga De Guzman.

Tinignan ni Zyline si Hunter. Nakatingin ito sakanya bago ipinilig ang ulo. "I told you, I wasn't with her," masuyong sabi ng asawa niya sakanya. Hindi siya nagsalita. She gave him his phone and looked at Tanya again. She was smiling at her. Nagsisimula nang mairita si Zyline sa pagngiti ni Tanya. Kunsabagay, kahit namam ata anong gawin ni Tanya, nakakairita na. The mere fact that she's breathing, naiirita na si Zyline.

Tumayo naman si Rain at inaya si Zyline. "Zy, samahan mo 'ko sa kitchen. May dala kaming cake diba?" sabi nito sakanya. Nag-angat naman siya ng tingin kay Rain. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patayo bago pa man siya makapagsalita.

"Sweetheart, dito ka muna, ha? Bantayan mo, baka manggulo, eh... si Theon," pasarkastikong turan ni Rain. "Kapag nanggulo at hindi mo naawat, ikaw ang humanda sa akin," she smiled at her husband. Hinila na siya papunta ni Rain sa kusina.

"God, ngayon ko lang siya nakita pero naiinis na ako sakanya!" sabi ni Rain pagpasok nila sa kusina. Napasandal nalang si Zyline sa pader na naroon. Alam niya ang pakiramdam ni Rain. Mas lalo pa ngang mabigat ang pakiramdam niya, eh. Tanya was Hunter's first love.

Nilingon siya ni Rain bago ito lumapit at hinawakan ang kamay niya. "Okay ka lang ba?" tanong ni Rain sakanya. She heaved a sigh and shook her head.

"Zyline..."

"Rain, si Tanya kasi 'yon, eh..." sabi niya sa babaeng kaharap. "Hindi ibang babae, eh. Si Tanya. Ex ni Hunter. First love niya..." dagdag pa niya bago napaupo sa silyang naroon. Tumabi si Rain sakanya at hinawakan ang balikat niya.

"Pero ikaw ang pinakasalan, diba? Hindi naman siya. Ikaw pa din ang pinili..." pagpapalakas ng loob niyang sabi ni Rain.

"Alam mo sabi ni PJ dati?" tanong nito sakanya. Umiling naman siya. "Walang nagmahal na hindi nasaktan. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Kasi hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. Those trials? It'll make your love grow stronger. Basta hindi kayo bibitaw sa isa't isa..."

Napasandal si Zyline habang nakatingin sa mga kamay na nasa lamesa. Wala naman siyang planong bumitaw kay Hunter. Mahal na mahal niya ang asawa. Pero hindi maaalis sa isip ni Zyline ang koneksyon ni Tanya sa buhay nilang dalawa ni Hunter.

"I left them there, why? Malalaman mo mamaya..." ngumiti si Rain sakanya. Tumayo na ito at kinuha ang cake na nasa loob. "May malaking knife ba kayo? Yung nakakapatay ng malandi?" tanong nito sakanya. Napatingin siya kay Rain. She laughed heartily. "Joke lang," she said. "Wala akong balak patulan 'yung babaeng 'yon..." kinuha nito ang isang kutsilyong nandoon. "Pero isa pang hawak niya kay Thunder, malalaman niya kung bakit takot sa akin si Thunder..."

Natawa nalang si Zyline nang magpamewang si Rain habang hawak-hawak ang kutsilyong dinampot nito kanina.

After slicing the cake, bumalik na silang dalawa sa living room kung saan magkausap si Tanya at Thunder habang hawak ni Thunder si Theon. Si Hunter naman ay binabantayan si Keij at Kol.

"So, Tanya... may asawa ka na, diba?" tanong ni Rain sa babae bago umupo sa tabi ni Thunder. Ipinatong nito ang isang kamay sa hita ng asawa. Napangiti naman si Thunder. Umupo naman si Hunter sa tabi niya at inakbay ang kamay sa balikat niya. His fingers were drawing small circles on her skin.

Hunter's Temptation Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt