1. Bisita

213 2 0
                                        

"'Wag ipagsawalang-bahala,
ang buhay na bigay-biyaya.
'Pagkat ang pagsuko sa dusa,
Kabiguang nakatadhana."

-0000000-

Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!

Katok ng pinto na 'di agad narinig ni Roger dahil sa pagka-aligaga. Nagmamadali nang maghanda upang pumasok sa opisina.

Araw-araw ay ganito ang eksena sa munting apartment ni Roger. Magigising ng alas-7 upang pumasok sa kanyang opisina sa Makati ng alas-otso y medya. (Na kailangang madaliin dahil ang biyahe mula Quezon City ay inaabot ng dalawang oras). Sa bilis ng kanyang mga galaw ay nakakalimutan na niyang ayusin ang bahay, bisitahin ang pamilya, at pasiyahin ang kanyang nobyang si Joan. Buhay ng tipikal na binatang propesyunal sa panahon ngayon.

Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!

'Di pa rin niya napansin ang malalakas na katok dahil saktong nagpatugtog ng napakalakas na tugtugin ang kapitbahay (na animo'y aksidenteng napihit 'pagkat hininaan din pagkatapos ng limang segundo). Nang mahimasmasan sa sobrang inis sa kapitbahay ay muling nag-ayos si Roger ng kanyang sarili. May katangkaran sa 5'8'' niyang taas, katamtamang katawan, kayumanggi. Bente-sais anyos na siya ngayon. Lalong kapansin-pansin ang kanyang itsura sa kanilang opisina na halos lahat yata ng kababaihan ay nagkaka-gusto sa kanya. Isa na si Anya na naging malapit sa kanya at nagtapat pa ng kanyang pag-ibig.

Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!

Suicide sa San Juan RiverOnde histórias criam vida. Descubra agora