***
KABANATA UNO
DEL ROMAN GROUP OF COMPANY
***
"Ate,bigyan niyo po muna ako ng palugit kahit isang linggo lang.Maghahanap na po talaga ako ng bagong mauupahan. Sige na po.Huli na po 'tong pabor ko na 'to." Pagmamakaawa ko sa may-ari ng apartment na tinitirhan ko.
"Naku,Ineng.'Wag na huwag mo akong madadaan sa pagmamakaawa mo na 'yan sakin.Tama na ang tatlong buwang hindi mo pagbabayad ng renta.Sumusobra ka na,Ineng.Tapos, manghihingi ka pa ng palugit? Hala,sige!Alis na!May bago nang titira d'yan." Pagtataboy sakin ng may-ari ng tinitirhan ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero pagdating ko sa labas ng aking apartment galing sa trabaho ay nandun na ang lahat ng damit ko sa maleta.
Masyadong gipit lang talaga ako sa nakalipas na tatlong buwan dahil binabayaran ko yung sarili kong tuition fee sa paaralan.Atsaka andami kong nagastos dahil malapit na akong guma-druate bilang college.Konting hirap nalang ay makakahanap na ako ng matinong trabaho dahil ngayon ay nagwa-waitress lamang ako sa isang restaurant.
Hindi ko alam kung nasaan na ang mama at papa ko dahil hindi pa lamang ako nag-iisang taon ay iniwan na nila ako sa tiyahin ko ngunit pumanaw yung tiyahin ko noong labing-walong gulang pa ako at ngayon ay bente-uno na ako kaya't upang makapagtapos ako ng pag-aaral ay nagsisikap ako upang maitaguyod ang aking sarili at makapag-aral para sa kinabukasan ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon habang hatak-hatak ang aking maleta basta ang alam ko lang ay halos tatlong oras na akong palakad-lakad kahit saan-saan simula nung pinalayas ako sa apartment na tinitirhan ko.
Malapit nang mag-alas nwebe at sobrang dilim na pero wala pa rin akong mahanap na pansamantalang matitirhan sa murang halaga.
Mabuti nga't wala akong pasok bukas upang makahanap ako ng matinong matitirhan.Ang hirap kasi sa mundong ito ay umiikot lamang ito sa pera.Lahat ng gusto mong bagay na angkinin ay makukuha mo lamang kaagad kung may pera ka.
Paano naman kaming mahihirap?
Makakatikim ba kami ng tunay na kaginhawaan?Kailan?
"Shoot!" Bulong ko sa sarili ko."Del Roman Group of Company.HIRING.Requirements: Résumé.Bio data.NBI Clearance.Inquire inside." Basa ko sa papel na nakapaskil sa labas ng gusali.Mas maraming trabaho,mas maraming pera kaya kahit nagwi-waitress na ako ay hahanap pa rin ako ng ibang trabaho.
Tiningnan ko 'yung building na nagha-hire.Sobrang laki...mas malaking gusali,mas malaking sweldo.Desperada na kung desperada pero gagawin ko ang lahat makapagtapos lamang ako ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho ay kontento na ako.
Kapag sinuswerte ka nga naman.
Lumapit ako sa gwardya na kanina pa palakad-lakad sa harap ng gusali upang magmasid.
"Kuya!Ano po bang oras magbubukas 'yung kompanya na 'to bukas?" Tanong ko sa gwardya sabay turo sa entrance ng malaking gusali.
"Madalas alas-nwebe ng umaga,miss.Pero magbubukas sila ng alas-otso ng umaga bukas.Tapos magsasara ng alas-otso rin ng gabi.Bakit ka napatanong?" Pang-uusisa ng gwardya sakin.
"May nakita kasi akong nakapaskil na papel doong banda ng kompanya na 'to.May hiring daw.Gusto ko sanang mag-apply." Seryoso kong sagot sa kanya dahil baka mapagkamalan akong magnanakaw nito.Ang dilim-dilim na tapos kababae kong tao pero nag-liliwaliw pa rin ako dala-dala 'yung maleta ko.
"Ah!Oo,may hiring sila simula bukas dahil kakabukas lang kasi nila nitong branch ng Del Roman Group of Company dito.Sa laki ba naman ng kompanyang 'to?Sigurado akong libo-libo ang kakailanganing mga empleyado nito.Andami kayang Del Roman Group of Company sa buong Pilipinas,lalo na sa labas ng bansa pero bukas ay alas-otso sila magbubukas dahil siguradong maraming dadagsa dito upang mag-apply.Hanep kasi ng may-ari.Mukhang sine-seryoso yung pagpapalago ng kompanya nila.Kaba--" Pinutol ko agad si manong.Ang daming sinasabi tapos inuulit lang naman yung sinabi niya nung una kanina sakin.Nagtatanong lang naman ako kung anong oras ito magbubukas.Tss.
"Sige po.Salamat!Babalik na lamang po ako bukas.Ipagdasal niyo na lamang po ako na sana matanggap kaagad ako." Sabi ko kay manong habang naglalakad paalis.
"Dapat maaga kang dadating dito bukas upang makaabot ka!Good luck!" Sigaw pabalik ni manong sakin.
Maganda rin 'tong kompanyang 'to dahil malapit sa paaralan at restaurant na pinagta-trabahuan ko.Kulang na lang talaga ng matitirhan.Atsaka dapat kong pagkasyahin ang oras ko sa pag-aaral,sa pagwa-waitress sa restaurant at pagta-trabaho sa isang malaking kompanya.
Kaya ko 'to!Kakayanin!
Dahil balang araw ay magkakaroon rin ako ng malaking kompanya sa iba't-ibang lugar.Katulad na lamang ng Del Roman Group of Company.
Balang-araw!
***
She's Love
First chapter,done!
I don't still have any plot.Pray for me.Hahaha :p
Love lots :*
-Coreeen
