Christmas vacation ngayon at nakakabagot dito sa bahay.. Napagisipan kong pumunta sa mall at akitin yung kaibigan kong si Jennaira..
[Calling Jennaira]
"Oi Sheena bat napatawag ka??"
"Eh, samahan mo ako sa mall manunuod tayo ng sine dali libre ko!!"
"Eh nasa batangas nga ako! Kesa naman dumayo ako diyan para lang sa libre mo iba na lang akitin mo!! Bawi na lang ako pagkauwi ko.. Gege bye may pupuntahan pa kami eh."
*toot**toot*
Binabaan niya ako.. -___- Kasura talaga yung babaeng yun hindi niya sinabi sa akin na nagpunta pala sila ng Batangas.. At dahil no choice ako tinawagan ko yung iba ko pang kaibigan.. Mga busy din.. At dahil walang wala na talaga akong choice at nakakabagot dito sa bahay ako na lang ang maggagala magisa at manunuod ng sine..
Nagpaalam na ako kay Mommy.. Sinabi ko na idedate ko ang sarili ko kasi nakakabagot dito sa bahay.. Tataba lang ako dun kasi wala na kaming ibang ginawa kundi ang kumain at tumulog..
Nakarating na ako sa mall.. At ang gandang pambungad sa akin mga couple na magkaholding hands at mga pamilyang namamasyal.. At ako eto nag iisa ang lungkot lang ng buhay ko., Tinalo ko pa ang mga babaeng brokenhearted sa lagay ko ngayon...
Dumiretso kaagad ako sa 3rd floor ng mall kasi nandoon yung sinehan.. Pumila na ako para makabili ng ticket..
"Kayo lang po ba ang manunuod?"
"May nakikita po ba kayong kasama ko? Eh ako na nga lang po dito ang nakapila.."
Natahimik naman yung cashier sa sinabi ko.. Pinamukha ba naman sa akin na nag iisa ako.. Edi sige ako na si Forever Alone!!
Nandito na ako ngayon sa harapan ng Cinema 3.. Manunuod ako ng horror para wala ako masyadobg makakasalamuha na mga couples kasi nandun sila halos lahat sa Cinema 4 about kasi sa Love ang movie dun at ayoko dun.. Ibinigay ko na yung ticket ko dun sa nagooperate sa entance ng Cinema 3 at pumasok na dun sa sinehan.. Tiningan ko yung screen at halos atakihin na ako sa puso nang makita ko kung anong scene na yung pinapalabas.. Lintik nakakagulat! Mali ata tong choice ko manuod ng isang horror movie.. Naghanap na ako ng mauupuan.. Sa isang sulok ako umupo para hindi ako masyadong pansin na nag iisa ako.. Ang dami pa rin palang couples dito na nanunuod yung iba magkayakap.. Brrrr.. Kinikilabutan ako dun sa mga nakikita kong mga couple..
Natapos yung sine at hinihintay kong magsimula ulit yon.. Putol ang panunuod ko eh.. Nagsialisan naman na yung ibang taong nauna nang manuod kanina... Naiwan naman ako dun.. Nagsimula na ulit yung pelikula at pinatay na yung ilaw.. Nang may biglang kumalabit sa akin..
Hindi ko pinapansin kung sino yung kumakalabit sa akin kasi natatakot ako.. Ang lamig kasi nung kamay na kumalabit sa akin.. Baka multo yun.. Niyakap ko na lang yung sarili.. Nanlalamig na ako sa kaba at takot..
"Miss!!"
"Kyaaahhh!!! Ay sorry kuya, bakit?"
Nakita ko na kung sino yung taong kumakalabit sa akin.. Oo tao siya OA lang talaga ako.. Lalake pati.. Di ko siya masyadobg maaninag kasi madilim at idagdag mo pang nasa sulok ako..
"Uhmm, miss pede ba akong tumabi sayo?"
Nakangiti siya habang tinatanong niya ako niyan.. Medyo nakikita ko na yung mukha niya.. Wait.. Sheeemmmsss.. Ang G--gwapo niya!!! Teka, kahit gwapo pa yan baka kung ano ang gawin sa akin niyan..!
"Bakit sa akin ka pa tatabi eh marami pa namang vacan--"
Natigilan naman ako sa sasabihin ko nabg marealize ko na nagkakapunuan na nga yung sinehan.. Pero may upuan pa naman sa unahang part sa baba... Kaso nakakaawa naman kung papaupuin ko siya doon baka magkastiff neck siya doon..
Tumango na lang ako bilang sagot at tumabi naman siya sa akin... Grabe ang lamig pala sa sinehan dapat nagdala ako ng jacket ko.. Napayakap na lang ako sa sarili ko para mabawasan yung lamig na nararamdaman ko..
Naramdaman ko naman na may telang tumaklob sa mukha ko.. Nung tiningnan ko jacket pala.. Tiningnan ko naman itong katabi ko..
"Ano to??"
"Jacket..." Langyang pilosopo sapakin ko kaya siya,,
"What I mean is bakit mo binigay sa akin.."
"Kasi kanina mo pa niyayakap yang sarili mo at kita ko naman na nilalamig ka at dahil napakagentleman ko ibinigay ko sayo yang jacket ko.."
"Ah ok? Kaya ko na ang sarili ko kaya iyo na yang jacket mo.."
Nagulat ako sa ginawa niya.. Hinawakan niya yung kamay ko.. Buti na lang at madilim kasi kung hindi makikita niya ang mukha kong kakulay na ng mansanas...
"Kaya mo ang sarili mo? Tamo nga ang lamig na ng kamay mo.. Kaya isuot mo na yang jacket ko.."
"Ok.." Isinuot ko na yung jacket niya.. Medyo malaki nga sa akin eh.. Grabe ang bango... >////< Ang bango niya at ang gwapo pa!!
Natapos na yung palabas at ngayon ko lang narealize na magkahawak pa rin ang kamay namin.. Bumukas na yung mga ilaw at nakita ko na siya... Malinaw na malinaw.. Ang GWAPO niya!! As in.. Ang puti niya, ang tangos ng ilong niya, ang tangkad pa.. Ang ganda ng mata niya lalo na yung kulay nito na kulay brown..
"Masyado ba akong gwapo para titigan mo?" Nakangiti siya sa akin habang tinatanong niya yan sa akin.. Hambog din pala nag isang to..
"Hindi.. At uhhmm.. Yung k--kamay ko.." Nahihiya ako nan kasi kasina pa magkahawak yung kamay namin.. Ramdam ko kung gaano kalamig yung kamay namin pareho..
"Heh, pasmado.." Nakasmirk siya sa akin nang sinabi niya yan... At yung itsura ko hindi ko maexplain ang itsura at dahil sa pagkagulat ko sa sinabi niya.. Pasmado daw ako?! Agad ko namang binawi yung kamay ko sa kanya at yumuko.. Nakahiya kaya.. Teka bat ba ako ang nahihiya diba dapat siya ang mahiya?? Kasi masyado siyang FC at ngayon lang naman kami nagkita.. Akmang lalabas na sana ako ng sinehan nang bigla niyang hilahin ang braso ko..
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!!"
"Di ka naman mabiro.. Tara kain tayo pambawi ko kanina sa sinabi ko my treat.."
Hinila na lang ako ng lalakeng to.. Pano pa ba ako makakatanggi eh ang bilis niyang maglakad at ang bilis naming nakarating dito sa isang fastfood sa mall.. At napansin ko lang ang hilig talaga niyang manghawak ng kamay tapos pagkatapos lalaitin niya.. Bwiset.. -___- Siya na ang umorder nung kakainin namin..
Naiwan ako dun.. Tinitingnan yung mga taong kumakain.. Karamihan ay mga pamilya yung iba couples na nakakasulasok tingnan.. Yuckk... Dumating natong waiter ko.. Chos.. Ang gwapo niya namang waiter... Nagorder lang siya ng 2 burger isang fries at 2 float..
"Wooow.. Thanks.." Nginitian ko siya at nginitian din niya ako.. Napansin ko na may isang dimple siya sa kanyang kaliwang pisngi at lalong siyang gumwapo dahil dun...
"Nga pala, I'm Sheena.. And you are?"
"Uhmm.. I'm Na--"
May nakinig akong tumutunog na phone at nakita ko naman na kinuha niya yun sa pocket niya.. Nagsign siya sa akin na mageexcuse muna siya at pagkatapos nun lumapit kaagad siya sa table namin at kinuha ang burger niya..
"I'm sorry Sheena this is an emergency at kailangan ko nang umalis.. But it really is nice meeting you.. See you some time I think?? Sige bye.."
Nakita ko na lang siyang nagmamadaling tumakbo.. Hayyy naiwan na naman ako.. Ay teka!!!! Nakalimutan niya yung jacket niya!! At wait ngayon ko lang narealize.. Hindi ko alam ang pangalan niya!!!!
------END------
YOU ARE READING
Short Stories
Short StoryCollection ng mga maiiksing stories na nagpopop-up sa utak ko..XD XD Sana magustuhan niyo kahit yung iba doon ay ang weird nung story..XD XD
