Japan Day 1.1

4.5K 194 5
                                    

Daniel's POV: Napasaya


"Hello Japaaaaaan!!!!!!!"

Tangina. Sa wakas nandito na rin kami!

Pambihira, gabi na pala dito. Paano na?! Paano ko na mapupuntahan ang reyna?! Actually, kanina pa yun text ng text sa akin kasi bored na daw siya. Pero alam ko namang hindi. Hindi siya bored. Miss lang niya ako. Haha! Pero sakto lang, miss ko na rin kasi siya. Pesteng flight kasi pakadelayed!

"Pare, nasa apartment na raw sila Marco!"

"Oo, Patrick nabasa ko yung message. Kanina ka pa putak ng putak diyan ah. Pwera nandun rin si Arisse affected ka masyado ah!"

"Hoy! Hindi ah! Nandun na si Arisse kela Kathryn! Naunahan ka pa!"

"Eh bakit mo alam?! Tinetext mo?! Alam ko! Nagmemessage si Kath sa akin kanina pa. Miss na niya ako. Eh ikaw, miss ka ba ni Arisse? Diba hindi? Manahimik ka!"

"Grabe siya oh!"

"Ginagaya mo nanaman si Vice, nanay mo talaga yun noh? Kawawa ka naman!"

Nag-aasaran kami ni Patrick dito. Medyo good mood na kasi ako kasi at least nasa Japan na rin. Onting oras na lang magkikita na ni Bal, sa wakas!

"Bro! Eto na luggage natin! Tara na!" Sabi netong si David. Este, si Diego pala. Kaya ayun, kinuha nanamin ang maleta para makapunta na sa apartment at makita na ang reyna.


---

Para akong nabagsakan ng langit at lupa nung sabihin sa akin na nasa hotel na raw si Kathryn at nagpapahinga. Nakakain na rin daw tsaka nakapamasyal na sila kanina kaya bukas na lang daw kami magkita. Mapapalayo pa raw kasi at mapapagod ako kung pupuntahan ko pa siya. Ang sabi ng reyna, kumain na lang daw ako ng dinner kaya di na ako pumalag kahit pa miss na miss ko na siya.

Tangina. Kasalanan to ng delayed flight na yan eh! Kasalanan talaga nila!

"Oh, Daniel! Nakasimangot ka nanaman dyan?! Ano bang iminumukmok mo? Jusko, anak!" Sabi naman sakin ni Mama. Pumunta siya dito sa apartment para icheck daw kung buhay pa kaming lahat. Jusko! Tingin niya ba magpapatayan kami? Pwede rin. Kasi inis na inis na ako baka bigla ko na lang sila batuhin!

"Oo, Ma. Balik ka na sa inyo at baka walang kasama sila Carmella." Pero sa totoo lang alam ko naman na kasama nila si Tita Ann. Pinapaalis ko lang talaga si Mama! De, loko lang! Haha!

"Hoy Danilo ah! Mag-iingat kayo! Ilock ang pinto kapag aalis at matutulog na! Okay?"

Di ako umimik. Minemessage ko si Kathryn. Last try. Baka sakaling pumayag na.

To: Bal

Bakit naman bawal na ako pumunta? Puntahan kita. Saglit lang. :(

"Hoy! Anak! Sabi ko ko ilock-"

"-niyo ang mga pinto kapag aalis at matutulog na! Narinig ko, Ma! Balik ka na sa room ninyo."

"Baka kasi di mo narinig eh. Sige, love you anak! Mwa mwa!"

Tumatawa na sila Patrick dahil kay Mama. Jusko talaga! Di ako sumagot. Alam niya na yun!

"Nak, mwa! Daniel! Hoy! Pansinin mo ako! I love-"

"MAAAAAAAA!"

"Oo na! Bye boys, ingat ha!" Tawa ng tawa si Mama. Nakakainis!

"Bye, Tita!!!" Sabay sabay na sabi ng mga ugok na tawa ng tawa.

Nagflying kiss pa si Mama samin bago nagwave at umalis. Pambihira!

"Cute talaga ni Tita!"

"Oo, cute siya pero mas cute kung sapakin kaya kita, Katsumi?!"

"Oh, joke lang! Parang di mabiro!" Tas sabay sabay ulit silang tumawa pero di ko na pinansin kasi nagreply na ang reyna!


From: Bal

Di na pwede. Rest na. Early pa tomorrow! Eat dinner na! Try the ramen place sa may Dotonbori yung Ichiran! Okay? I love you!


Syempre napangiti naman ako doon! Pero mas napangiti rin ata yung tiyan ko kasi gutom na ako!

Nagreply muna ako syempre ng okay tsaka I love you more kasi alam niyo na yun.

"Tara na! Gutom na ako!"

"Oh pagkatapos mo ngumiti at magtantrums, nagutom ka na?!" Sabi netong si Patrick kaya tinignan ko na lang siya ng masama. Alam niya na yun. Kaya tumigil na siya.

Oh, Japan. Pinahihirapan mo ako ah. Di ko nakita ngayong araw ang reyna ko pero at least napasaya mo siya.



When In JapanHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin