4th year high school na ako at may isang babae akong gusto at BESTFRIEND ko siya.Nandito kaming dalawa sa rooftop ng school.
"Pwede kitang ligawan?"--Ako
"oo naman Luke."--Crystal
"Pero sana huwag masira FRIENDSHIP natin ha."--Ako
"Oo naman,promise!"--Crystal
Ako nga pala si Luke Mallare,nakatira sa isang condominium sa Quezon City. Si Crystal ay Bestfriend ko since Grade school. Mabait siya,maganda,matangkad,matalino,maaasahan at maaalahanin.
Ayun nga, sinimulan ko na ang panliligaw ko kay Crystal.
"Luke, ok lang ba sayo kung next month kita sasagutin?"--Ystal
"oo naman.Kahit gaano pa iyan katagal,ok lang."--Ako
Binibigyan ko siya ng mga bulaklak,teddy bears, chocolates at kinakantahan ko rin siya.
NOVEMBER 15, 2PM
"Luke,sinasagot na kita."--Ystal
Sobrang saya ko nung araw na iyon...
AFTER 2 WEEKS...
Halos palaging absent si Crystal, hindi naman kami nag-away.Hindi ko alam kung bakit...
"Luke,puntahan mo si Ystal sa bahay nila."--Alexa;Friend din ni ystal
"Ok sige mamayang uwian."--Ako
UWIAN...
Pumunta na ako sa bahay nila Ystal.
"Bakit ka absent lagi?Wala ka namang binibigay na excuse letters."--Ako
"Hindi muna ako pinapapasok ni papa eh."--Ystal
"Ganun ba? Bakit? Namimiss na kasi kita."--Ako
Pansin ko rin na parang matamlay si Ystal.
"May sakit ka ba?Parang matamlay ka eh."--Ako
"A-ano kasi huwag ang mabibigla."--ystal
"Oo,ano ba iyon?"--Ako
"May Cancer kasi ako Stage 4 na. At sabi ng doktor na may taning na rin daw ang buhay ko. Sorry."--Ystal
Nagulat ako sa sinabi niya at tumulo na lang ang luha ko..
"Hayaan mo, pupuntahan kita lagi dito sa bahay niyo para makipag bonding ulit sayo."--Ako
"Sige uwi na ako ha,mag gagabi na rin kasi eh.Mahal kita!"--Dugtong ko pa.
At sa mga sumusunod na araw ay pinupuntahan ko na siya lagi sa bahay nila at gumagawa kami ng panibagong moments bilang boyfriend at girlfriend kahit alam kong mawawala rin siya.
HANGGANG SA ISANG ARAW...
Binuksan ko ang locker ko sa school at may nakita akong isang sobre doon at binuksan ko.May letter na nakalagay sa loob ng sobre.
Dear Luke,
Kamusta na? Sorry kung umaabsent parin ako.Naiintindihan naman na ako ng mga teachers natin eh. Miss na kita kahit lagi kang pumupunta dito sa bahay. Miss ko na rin yung dating Ystal,yung malakas na ystal.Miss ko na rin yung school eh. Salamat sa efforts na binibigay mo sa akin,yung pagpunta mo dito kahit halos gabihin ka na sa pag uwi,ok lang.Sorry kung nahihirapan ka na. Pero salamat sa pag iintindi. Pinaparaya na rin kita kung sakaling wala na ako bukas ay makakakita ka ng ibang babae na pamalit sa akin. Gusto lang kitang makitang maging masaya kahit wala na ako. Luke, sorry kung hindi man lang tayo nakaabot ng 1 year as a BF and GF. Salamat din pala dahil naging BESTFRIEND kita. Basta salamat sa lahat lahat ha. Ooooppss! Huwag kang iiyak habang binabasa mo ito ha. Gusto ko lagi kang masaya. I love you Luke! Ingat ka lagi! Lagi naman kitang babantayan kahit wala na ako.
Love,
Ystal
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Luke,tahan na. Nagtext papa ni ystal sa akin,sabi niya na nasa hospital daw sila ngayon.Kung gusto mo pang makita si Ystal, puntahan mo na siya sa hospital."--Alexa
Hindi ko na inalala ang klase ko,basta pumunta na lang ako sa hospital.
At naabutan ko doon ang mga kamag anak ni Ystal.
"Iho, wala na siya.Puntahan mo na lang siya sa loob."--Papa ni Ystal.
Pumasok na ako sa room at nakita ko doon si Ystal na nasa bed. hinawakan ko ang kamay niya at malamig na nga so it means wala na siya.Niyakap ko na lang siya at humagulgol na lang ako sa pag iyak. Kahit alam ko namang hindi ko na maibabalik si Ystal sa pamamagitan ng pag iyak ko.
She left me because she died.
She left me because of Cancer.
She left me but she always in my HEART.
----
A/N: Thank you SecretlyBlushing sa paggawa ng cover ng story! :)
VOUS LISEZ
SHE LEFT ME...
Roman pour AdolescentsMay mga tao sa buhay natin na hindi nating inaasahan na IIWANAN na lang tayo bigla. Pero siguro naman,kaya sila nawala,dahil may REASON talaga kaya kailangan na nilang mawala.. --- 3rd story... sana ay basahin at suportahan niyo parin po ito! :) Sal...
