"Maan gising! Alas 10 na , may importante pa tayong aasikasuhin sa office. Bangon na dali!" Ginising ako ng boses ng isang babaeng mapanira ng tulog.
"Ang aga mo ata Glen?"
"Di ako maaga besh, ikaw ang natagalan sa paggising kaya bangon na. Ipinagluto kita. Bilis." Nang marinig ko ang katagang 'ipinagluto' , agad nabuhay ang katawang lupa ko kaya tumakbo na ko papuntang banyo.
Sinigirado kong sampung minuto lang ako maliligo sapagkat ako'y gutom na po. Pinili ko nalang yung white top at black jeans na nakagawian ko ng isuot , okay na yun. Maganda na din naman ako eh , bawi din sa pes yun.
"Glenda may kliyente ba tayong bago?" Tanong ko kay Glen habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya.
"Meron , kaso sa Baguio eh. Wedding Celebration daw, kaya ba?"
"Kelan ba yan?" Lumapit nako sa mesa at nagsandok ng kanin sa plato ko.
"3 days after ng araw na to. Baka mastress tayo besh , ang lamig pa naman dun."
"Besh grasya yan! Tanggapin mo na. Ikaw na ang bahalang makipag usap sa mga hotels dun na pwedeng iheld yung event okay? Balitaan mo nalang ako pag okay na? Sya nga pala. May naaalala nako besh , kagabi ko pa sana gusto sabihin sayo eh , kaso paggising ko sa kotse- wala ka na. Di mo man lang ako ginising."
"Okay sige , ako nang bahala dun. Send ko nalang sayo mamaya yung number ng kliyente. Anyway, ano nga pala ang naaalala mo? Ba't ngayon ka lang dinapuan nyan?" Napakamot sya sa ulo nya sabay subo sa hotdog.
"Biglang may blurry na scene tapos may boses ng lalaki tapos sabi nya Happy Anniversary Love , tapos pakiramdam ko ako yung sinabihan nya. Pamilyar na pamilyar yung boses nya eh. Randam ko dito oh." Sabay sundot sa kunware kinalalagyan ng puso ko.
"Wag mo masyadong pagkaisipin ang mga bagay na yan. Hayaan mo , pagkatapos natin sa Baguio , magpapacheck up tayo ng malaman natin kung ba't ngayon ka lang nagkakaron ng mga ganyan." Niligpit nya na yung pinagkainan nya at naghugas ng kamay. Kakakain ko lang kaya binigyan nya ko ng konting panahon para maenjoy yung breakfast ko.
Habang pinaglalaruan ko yung itlog , biglang nanginig yung gamay ko.
'Patawarin mo ko anak .. mahal ka namin.'
"Ahhhhhhhh!" Sa sobrang sakit ng ulo ko , natabig ko yung baso at nahulog sa sahig.
"Oh , huy! Anong nangyari besh?!" Alalang tanong ni Glen na halatang nataranta.
"May narinig na naman ako... pero di na galing sa lalaki besh. Babae."
"Sino? Anong sabi?!"
"Besh , nanay ko. Merlinda Alvado Castañares. Yan ang buong pangalan ng nanay ko besh. Merlinda!!! Natatandaan ko na besh!!!!" Napayakap ako bigla sa kanya.
"Mahahanap mo na rin ang sagot sa mga tanong mo besh. bakit di mo sya hanapin?" Naisip ko rin naman yan eh. Kaso baka malabo rin kasi ang tagal na nun eh , baka nga itinakwil nila ko kaya ako naaksidente. Ewan ko , mamaya ko na aasikasuhin yan. Sinenyasan ko na lang si Glenda ng 'wag na' , at nagsimulang magligpit ng pinagkainan na parang walang nangyari.
Habang hinuhugasan ko yung plato , sinusubukan kong may maalala pero wala eh. Bakit ganun? After 4 years pa talaga bago ako may maalala. Parang pinaglalaruan lang ako dito eh.
Pagkatapos maghugas ay nag ayos na ako ng konti.
"Let's go?" I asked Glen matapos kong mag ayos. "Busyng busy sa cellphone ha? May boyfriend ka na ba besh? Naglilihim ka na sakin ngayon? Ikaw haaaa?" Napangiti naman sya.
"Di besh. Kano to eh , galing Canada. Besh ang gwapo hahaha , tsaka alam mo na. Malaki yung.."
"Huy kadiri ka besh! Respeto naman sa inosenteng ambiance ng bahay ko!" Nagtawanan lang kami hanggang sa labas ng bahay.
"Oh , sinong magda-drive?" Tanong nya.
"Sino pa ba? Eh di yung nakabingwit ng Canadian. Hahahaha" tawa ako ng tawa hanggang sa binatukan na nya ako.
We got inside the car and she started the engine and drove. We used to talk about stuffs related to business before but now , we're talking about something serious..
"Besh , you need to know something."
"Ano?"
"I know your boyfriend." Biglang tumigil ang mundo ko.
MAY BOYFRIEND AKO?!
"Besh , pano mo nalaman? Ba't mo sya kilala? Sino sya? Ano pang-"
"Maghinayhinay ka besh. May picture kasi kayo sa wallet mo dati , matagal ko ng alam besh kaso baka iwan mo ko pag nalaman mong may boypren ka."
"Nasan yung picture?" Kalmado kong tanong sa kanya.
Inihinto nya ang kotse sa gilid ng daan at kinuha ang bag nya sa likuran. Nagsimula syang maghaluglog sa loob at hinalukay ang mga gamit. binigay nya sakin ang isang lumang pink na pitaka na may keychain na gawa sa buto.
Hinimas ko muna yung keychain .. bago binuksan ang wallet.
At dun nga bumungad sakin ang mukha ko kasama ang isang lalaking nakahalik sa noo ko habang hawak naming pareho ang isang napakalaking teddy bear na pink.
"Ang gwapo pala nya besh." Mangiyak kong sabi kay Glenda na daig pang namatayan sa sobrang tahimik. "Besh , may boyfriend ako."
"May boyfriend ka nga , at maaaring maging sapat na dahilan yan na iwan ako."
"di ko gagawin sayo yun besh , tandaan mo yan." Hinimas himas ko parin yung picture. Di ko inakalang ganito kabilis ang mga pangyayari.. kahapon lang nagsimula akong may maalala , tapos ito na. Alam ko nang may boyfriend ako.
"Besh.. gusto mo ba syang hanapin muna?"
"Ha? Anong ibig mong sabihin besh?" Nagulat ako sa naging tanong nya.
"Ako na muna ang bahala sa mga events for a month. Hanapin mo muna sya besh , buuin mo muna ang sarili mo. Mag leave ka muna , kaya ko naman yung events eh. Total may clues kana kaya simulan mo na ngayon." I hugged her so tight that she acted like gasping for air.
"Thank you besh! Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Then pinaandar nya ulit ang sasakyan at pumunta sa kami sa office.
Agad akong pumasok sa room ko and opened my laptop. Sa facebook ko muna sya hahanapin.. yung nanay ko nga lang. Kasi wala naman akong ideya kung ano ang pangalan ng boyfriend ko eh.
Merlinda Alvado Castañares
"Lintek besh andaming Merlinda! Sino kaya dito!" Inisa-isa ko ang mga Merlinda Alvado Castañares sa mga tabs.
"Besh , kung sino ang medyo kamukha mo.. yun na yun!"
Tiningnan ko isa isa ang mga profile picture. Binasa ang mga infos , yung mga cover photos.
Muntikan na kong mawalan ng gana dahil pang walong Merlinda na tong binuksan ko ng pagdating ko sa ikaw siyam na fb..
"Ako to ah." Sabi ko ng nakita ko yung sarili sa cover photo nya. May kasama akong 3 babae at dalawang lalaki. katabi ko ata si Merlinda..
I clicked the cover photo of my mom and read the infos..
'Kung sino man sa inyo ang nakakita sa bunso kong anak na si Maria Angela Alvado Castañares , ipagbigay alam po sa amin. Pakicontact nalang po ang number na ito , o di kayay magmessage sakin sa Facebook. 10000 reward.
#09487621893'
Ito na.
*end of Chapter 2*
BINABASA MO ANG
Before
General FictionPaano pag yung buhay na meron ka ngayon ay ibang iba sa buhay nakinagisnan mo noon? Paano kung pagkatapos ng apat na taon na parang pakiramdam mo'y may kulang.. sa wakas ay mapupunan na rin? Matatanggap mo kaya lahat? --- First story po kaya please...
