Chapter 1

22 2 0
                                        

"Maan , magsisimula na yung party , hinahanap na tayo sa loob." Si Glenda, assistant ko na parang bestfriend ko na din. Event Organizer kasi ako at nagkataon na sya yung kasama ko. We're currently handling a children's party here in Laguna at medyo awkward kasi kadalasang parties na hinahandle ko ay debut o di kaya sa kasal , this is my first time to handle a children's party. Di kasi ako nagkaron nung bata pa ko eh, saklap.

We went inside the event room at nakasalubong namin si Mrs. Lacsamana.

"Thank you Maan. Mapagkakatiwalaan ka talaga sa mga ganitong bagay." She approached me with a smile.

"Naku wala po yon Mrs. Lacsamana. Para san pa't naging event organizer ako kung di ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. No problem po. Sana next ako pa din." She hugged me then pushed me softly and nodded.

Nagsimula na yung party ng mga bata at nandun lang kami ni Glenda sa gilid , nakangiting pinagmamasdan ang mga chikiting tuwang tuwa sa clown at mga balloons.

"Oh , ba't parang nag eemote ka dito?" Tanong bigla ni Glenda.

"Napaisip lang ako besh, ano kaya yung buhay ko dati bago yung aksidente? Nasan kaya yung totoo kong pamilya.. may mga bestfriends din ba ako? May boyfriend ba ko? Bigla kasing pumapasok sa isip ko ang mga bagay tungkol dito kaso wala pa rin akong natatandaan."

"Besh, 4 years narin yun besh. Apat na taon mula nung nagpakalasing ka at nagdrive at inuhulog mo ang sasakyan sa bangin. Swerte mo nakita kita nung araw na yun. At ang tanging nakita kong pagkakakilanlan sayo ay yung nasa wallet mo. Id mo- Maria Angela Castañares. Yun lang." Ang hirap naman kasi alalahanin ng nakaraan.

I had my accident nung August 27, 2020. Sabi ng mga doctor, dahil daw sa alcohol kaya medyo nagkaroon ng konting deperensya yung utak ko kaya ayun, hinulog ko lang naman ang kotseng minamaneho ko nung gabing yon. Buti andyan si Glenda, at sya ang nakaligtas sakin. Pinagtataka ko lang kung bakit di ako hinahanap ng pamilya ko , di ba ko importante para sa kanila.

"Glen, may naghanap ba sakin pagkatapos nung aksidente?"

"Wala besh eh , ang naaalala ko lang ay magtanong tungkol sa kotseng gamit mo. Di ko naman nakuha yung number tsaka pangalan , kaya kinalimutan ko nalang sya. Di mo rin kasi naitanong." Sagot nya habang sinisipsip yung orange juice nya.

"Glenda .. yung phone ko ba ng araw nayun , naitago mo?"

"Bakit ngayon mo lang naisipang hanapin at tuklasin ang nakaraan mo? Besh ang tagal na nun , magmove on na tayo. Ang ganda na ng buhay mo oh , kaso wala ka ngang boypren."

Di ko na ulit itinanong kay Glenda ang tungkol sa nakaraan ko.

Natapos narin ang party at nagsiuwian na ang mga bisita. Nagsimula na kaming magligpit ng mga upuan, lamesa at iba pang nagkalat. Medyo maraming confetti rin ang nasa sahig eh, nadungisan ng kaligayahan ng mga bata.

"Oh ayan , tapos na. Umuwi na kayo guys , kami na ni Glenda at Rico ang bahala dito okay? Have a safe trip pauwi. Salamat!" I said to all the workers na tumulong sa event. Sa wakas natapos din!

I went to the rest room and decided to change my upper wardrobe.

"Happy Anniversary Love!"

"Ughhh! Araaay!" Napaupo ako sa may lababo sa biglaang pagsakit ng ulo ko. May parang bumulong sakin na boses ng isang lalaki .. ako ba ang tinatawag nyang love? Bakit ngayon ko lang to naaalala?

Lumabas ako ng restroom na mukhang balisa parin sa nangyari nang nakita ako ni Rico, driver namin ni Glenda.

"Mam okay ka lang?"

"Ha? Ah eh oo naman , okay lang ako. Ba't di ka pa umuuwi? Late na ah."

"Mam, nakalimutan nya na ba? Ihahatid ko pa po kayo ni Mam Glenda sa office tapos dun na tayo maghihiwahiwalay." Medyo naalog ata yung utak ko sa tatlong salitang naalala ko.

"Ay oo nga. Hehe sorry Rico , oh ano? Tara na? San si Glenda?" Napakamot sya sa ulo.

"Nauna na po sa sasakyan. Tara na mam."

Naglakad kami palabas ng event room at nakita ko si Glenda sa front seat na abalang may kausap sa phone. Sa likod na ako umupo at pinaandar na ni Rico yung kotse.

"Sino yun?" Tanong ko kay Glen matapos nya ibaba yung phone nya.

"Ha? Anong sino?"

"Yung kausap mo."

"Ah eh wala , client. Magpapaorganize daw ng party eh kaso bukas na tapos ngayon lang tumawag at ang mas masaklap pa ay sa Davao. Stress lang ang aabutin natin pag pinush natin yun." Parang natataranta sya sa pagsagot.

"Ah ganun ba.. okay , sayang naman." Sinabayan ko nalang sya. Halatang may nililihim kasi yung mokong eh.

-

"Mam, nandito na po tayo." Ginising ako ni Rico at dun ko pa namalayang wala na si Glenda.

"Ay .. san si Glenda ?"

"Naku mam , nagpa drop nalang sa condo nya - di ka rin nya pinagising kasi himbing na himbing po kayo sa pagkakatulog eh. sya nga po pala mam , mauna na po ako. Mag aala una na din po kasi. Mag ingat ho kayo mam." Nginitian ko nalang si Rico at lumipat nako sa driver seat. Uuwi nalang muna ako , wala naman akong gagawin sa office eh.

I started the engine , and syempre para di mabored , I played the music.

♪Hello. It's me. I was wondering if after all these years you'd like to meet ..♪

Bakit kaya narinig ko yun? Bakit ngayon lang? 4 na taon na din ang nagdaan pero bakit ngayon lang? Medyo creepy , pero saan kaya talaga ako nakatira? Sino kaya ang mga magulang ko? ang daming tanong sa isip ko na tanging ang mga taong iniwan ko sa nakaraan lamang ang makakasagot. Gusto ko silang makita pero di ko alam kung san ako maghahanap. Parang binigyan ako ng maze na di man lang nagbigay ng instructions.

I reached my house and parked my car outside. Ang tahimik dito.

Tumakbo ako papasok ng gate at bahay dahil takot ako na baka may umaaligid na pala sakin tapos bigla akong saksakin habang dahan dahan kong binubuksan yung gate. Naloko na.

Binuksan ko yung ilaw sa sala at umakyat na sa taas.

Hinagis ko ang bag ko sa couch sa tabi ng cabinet at inilagapak ko na ang aking pagod na katawan sa kama.

Ang laki at ang ganda ng bahay ko pero ako lang mag isa.

"Siguro kung may pamilya ako , maingay siguro dito. May tawanan sana akong maririnig sa kabilang kwarto." Sabi ko bago naidlip ang aking mga mata.

*end of Chapter 1*

BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon