One

16 0 0
                                        

Author's note:
This story is actually my real life experience as a 15 year old teenage girl. Mababaw lang yung story pero yung pain ko before, malalim talaga. Didn't thought before na sinulat ko pala 'to para di ko malimutan. So kahit ang corny, wala na akong babaguhin dito kasi yun talaga yung nangyari.. at yun talaga ang naramdaman ko nung mga panahon na 'yon. So if di kayo interested basahin.. okay lang sakin HAHAHA! Ako na lang babasa nito ulit next 5 years. 😂 Yun lang.

- xxXxx -

October 21, meron kaming Division School Press Conference. Anchor ako ng broadcast team namin. Ang kaso, nilalagnat ako ng araw na yun. Kaya wala na talaga akong balak umattend pa. Pero sabi sakin ng isang member, madidisqualify daw kami kapag di ako pumunta. Kaya kahit masama ang pakirampad ko ng araw na yun, pumunta pa rin ako.

And then, there was you. In that crowded room. Una pa lang, napansin na kita. Ang puti mo kasi e. Attracted kase talaga ako sa mga mapuputi. At isa pa, kamukha mo kasi yung first love ko, si Karl.

Kahit masama pakiramdam ko ng araw na yun, di ko mapigilan yung kakulitan ko. Ang ingay-ingay ko nga e. Siguro kase nagpapansin ako sayo. Mejo kaharap pa naman kita ng upuan kaya feel na feel ko. At habang nag-iisip ako ng script, nilalaro laro ko yung bolpen kong pink. Tapos, biglang tumalsik sa pwesto mo yung takip kaya pinulot mo. Syet talaga. Sobrang kinilig ako nung inabot mo sa kamay ko yung takip ng bolpen.

"Thank you." Sabi ko sayo.

Kaso di ka naman na katingin, kaya ayun. Dedma. Pero ayos lang yon. Bakit naman ako mage-expect diba?

Basta hindi ko mapigilan mag-nakaw tingin sayo nun. Kaya ayan tuloy, nahuli ako ni Ate Lian, yung technical namin.

"Ikaw ha. Tingin-tingin ka jan." Pang-aasar nya sakin.

Napatawa na lang ako. Wala e. Huli na. The whole day? Wala akong ibang ginawa kundi titigan ka. Di mo nga lang napapansin. Di ka naman kase napapatingin sakin. At nung time na kayo na ang magpepresent ng broadcast nyo, talagang pumwesto ako sa may pintuan para lang marinig kayo. Para suportahan kayo kahit magkalaban tayo.

Nakasilip lang ako ng bigla akong magulat kase biglang bumukas yung pinto at lumabas ka na nagmamadali. Nanlaki yung mata ko sa gulat at pinagtawanan lang ako ng mga kasama ko. May problema pala sa laptop nyo kaya kelangan nyong ayusin. Masyadong natagalan kaya nainip na ako. Sumama na lang ako sa kaibigan kong si Kaye at naupo kami sa may hagdan.

Tinuro kita kay Kaye, sinabi ko na crush kita. Ang tawag nga namin sayo ay Kuya Boy Red Pants. Nakared pants ka kase. Naka-black shirt. Grey na Jordan ata? Tapos may kwintas ka na silver at merong dalawang parang bracelet na nakalagay jan sa kamay mo. At meron ka ring red na bench & bath. Odiba? Tandang tanda ko talaga.

Tapos si Kaye naman, kinwento nya sakin yung crush nya si Nico na classmate mo pala. Magkasama kayo. Si Nico yung sinasabi sakin ni Ate Lian na gwapo daw. Totoo naman. Ang gwapo nga nya. Sa totoo nga lang, mas gwapo talaga sayo si Nico at ang tangkad nya pa! Kaso mas nauna kitang napansin kaya ikaw talaga yung crush ko.

Nung nakauwi na ako sa bahay, ka-chat ko si Kaye. At sinabi nya sakin na ka-chat nya daw si Nico. Kaya sabi ko, itanong yung pangalan mo.

Lyle Dane. Ayun pala ang pangalan mo. Ang ganda. Ang ganda ganda ng pangalan mo. Ang sarap ulit-ulitin ng buo. Syempre derecho stalk na ko sa profile mo. Sayang lang, di ka pala mahilig magpost? Hindi ka active sa newsfeed mo e. Syempre di kita in-add friend. Conservative kase ako e. Haha.

Nalaman ko na balak nyo pala magpapicture sakin? Yun pala yung dahilan kung bakit napansin kong tingin ng tingin sakin sina Nico. May kamukha daw kase ako sa school nyo.

Sabi ko sayang. Dapat nagpapicture na kayo! Dapat di na kayo nahiya. Pagkakataon din yun para makausap ka at magkaron ng picture kasama ka. Pero dahil alam kong crush lang naman kita pansamantala, hinayaan ko na lang. Hanggang dun lang naman kase yun e.

Kinaumagahan, in-add ako nI Nico sa facebook. Epic pa kase may chinat akong Nico nung isang gabi at tinanong ko kung sino ba yung kamukha ko.

"Ewan ko." Sagot sakin. Grabe, napahiya ako! Ibang Nico pala na-ichat ko.

Nung nasa CR na ako, chinat ako ni Nico. Tinanong nya ako kung crush ko daw ba si Lyle. Syempre sabi ko hindi. Napansin ko lang sya. Conservative nga diba? Haha. Hanggang sa nalaman ko na sinabi pala ni Nico sayo na crush kita. In-add mo ko sa facebook nung gabi. October 22.

Magkachat kami ni Nico nun at sabi nya ichat daw kita. Sabi ko ayoko kase baka i-seen mo lang ako. Pero guess what? Ikaw ang nagchat sakin. Sabi mo "Hi...". E sobrang bagal ng mobile data ko nun kaya ang tagal ko makapag reply. Nun namang nareplyan na kita ng "Hi." Sabi mo akala mo isiseenzone lang kita. Natawa ako. Pareho pala tayo ng iniisip.

Alam mo kung anong napansin ko? Ang hilig mo sa "..." "???" "!!!"Napansin mo din ba? Palaging tatlo! Natatawa talaga ako nun. Tapos napansin ko din na unang beses pa lang natin mag-usap, masyado ka ng feeling mo e may "tayo" na agad. Duh? Crush lang kaya kita. Hahaha.

Nung nag-status ako ng "Ikaw at ako, tayo'y pinagtagpo." Natawa ako kase nagselos ka. Di mo man sabihin, halata naman. Sabi mo gusto mo ako makita sa 3rd day ng DSPC. Ako din. Gusto din kitang makita. Kaya nagpumilit talaga ako na pumunta kahit bawal na. Awarding kaya yun!

Una kong nakita sina Nico. Ano ba yan? Palagi na lang si Nico. Haha. The whole time, nililingon ko yung grupo nila kase baka dumating ka na. Pero ang tagal tagal mo! Literal na sumakit yung batok ko kakalingon. Nahihiya nga ako dumaan sa harap ni Nico e. Kase syempre, nakausap ko na sya. Buti ba sana kung hindi kame magkakilala e.

12:00 na at wala ka pa rin. Nainis ako kase nasayang yung paghihintay ko. Kelangan ko na rin umalis kasi susunduin na ako ng Mommy ko at uuwi kami ng Quezon. Gabi na ng nasa byahe ng bigla kang mag-chat sakin. Tinanong mo ako kung bakit di ako nagpunta. Pumunta ka pala.. late nga lang. Hinanap nyo pa pala ako. Sayang talaga. Sayang yung pagkakataon.

Locked AwayStories to obsess over. Discover now