Wala

6 0 0
                                        


Wala. Wala.

Wala akong gustong sabihin sa iyo kundi "Patawad".

Patawad kasi iniwan kita bigla. Iniwan kita ng hindi man lang ako nagpapaalam.

Iniwan kita kung kailan kailangang-kailangan mo ako.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo ang mga salitang 'yan.

Hindi ko rin alam kung mapapatawad mo pa ba ako.

Naiwan pa ring nakatali ang puso ko sa'yo.

Eh teka, 'di ba ako naman ang may kasalanan? 

Karma ko yata ito sa pag-iwan ko sa'yo.

Hindi ba deserved ko naman ito? Ang masaktan. Ang umiyak araw-araw.

Para bang ang sinabi kong "Walang iwanan" ay nilamon na ng dagat.

At tinangay na ng hangin ang mga "Mahal kita" na sinabi ko sa'yo.

Pero alam mo ba kung bakit kita iniwan?

Ang akala ko ay mas mapapabuti para sa atin ang magkahiwalay.

Masyado akong naging makasarili at hindi kita inisip.

Hindi ko inisip ang mararamdaman mo.

Ilang taon na? Pitong taon ka ng wala. 

Patawad kasi ako ang naging dahilan ng lahat ng ito.

Patawad sa lahat ng sakit na binigay ko sa'yo.

Patawad kasi hanggang sa huli hindi ako nakapagpaalam.

Hindi ako nakapagpaalam noong ihahatid ka na sa huli mong hantungan.


Diary of a Broken HeartStories to obsess over. Discover now