Sadyang ngang mapaglaro ang tadhana.
Hindi mo alam kung ano ang mga pwedeng mangyari. Maaaring ngayon masaya ka, pero hindi nito maipapangako ang kapalaran natin, na kung bukas masaya ka parin ba?Maaring yung lungkot na nadarama bigla nalang mawala dahil sa isang pangyayaring di mo inaasahan.
Maari rin gugulatin ka na lang dahil nangyari ang isang bagay na matagal mo ng ninanais O kaya naman, isang pangyayaring taliwas sa inaasahan mong mangyari.
Walang nakakaalam kung ano ang pwedeng mangyari.
No one can predict.
Kaya hanggat nasayo pa ang isang bagay, Pagkakataon, o tao. Gawin mo na ang lahat upang hindi ka magsisi sa huli. Mahalin mo hanggat nandyan pa. Pahalagahan mo haggat nandyan pa. Pahalagahan mo hanggat mahal ka pa.
Mahalin mo hanggat mahal ka pa.
Malalaman mo lang ang kahalagahan ng isang Bagay kapag hindi na ito hawak at pagaari.
Malalaman mo lang kahalagahan ng Pagkakataon kapag hindi mo ito sinubukan.
Malalaman mo lang ang kahalagan ng isang Tao kapag wala na sya sa piling mo at iba na ang kasama.
Dahil ang bukas ay hindi kailan maipapangako nino man. Tanging ang tadhana lang ang nakakaalam...
