Bespwent

19 0 0
                                    

Tatlong taon. Tatlong taon na pala tayong magkaibigan. Ako na tropa mo at ikaw na mahal ko.

Tatlong taon na akong may lihim na pagtingin sayo.

Tatlong taon na akong umiibig sayo.


Antagal na din pala noh?


Naalala ko pa nung una kitang makita. Inis ako sayo. Pagenius ka kasi. Akala mo alam mo lahat. Ang yabang mo pa. Tas akala mo kung sinong gwapo, porket andaming nagkakagusto sayo.

Pero naging seatmate tayo. Alphabetical arrangement kase. Parehas C ang simula ng surname natin. Nakakainis! Bakit kalapit pa kita?


Nagkausap tayo at unti unti nakilala kita. Parehas tayo ng hilig. Paboritong movie. Paboritong gawin. Mga ayaw nating ugali. Yung hobby natin halos parehas lang.

Paborito nating subject ang history. Kaya madalas kinakabisado natin yung mga kapitals ng mga bansa. Muka tayong tanga. Hahaha. Mahilig tayong magdiscuss about sa history and sa music. Parehas pala tayong hilig din ang pagtugtog.

Naalala mo pa nung sabay nating kinakabisado yung kantang 'Can I have this dance?' Hahaha.

Naalala mo pa yung time na pinalabas tayong dalawa ng history teacher natin dahil tawa tayo ng tawa nung nakita nating may lipstick yung ngipin nya. Galit na galit ang terror nating teacher nun.

Ikaw pa nga ang unang nagturo sa akin kung paano maggitara.

Pabilisan pa tayong makaubos ng macaroni nun sa canteen at ang huling makaubos ay manlilibre ng palamig.

Naalala mo pa ba nung una tayong nagcutting?

Naalala mo pa ba yung palagi nating pinagttripan nun?

Yung palagi mong sinasabi na bakla ang crush ko.

Lagi tayong magkasama nun. At sa araw araw na yun. Nahulog na ako sayo.



Oo. Inaamin ko. Mali ang unang impression ko sayo. Mabait ka. Gentleman. Pero mayabang ka talaga. Nagkamali ako. Iba ka pala. At oo naging close tayo. Di mapaghiwalay. Tropa. Naging magbestfriend. Akala nga nila nun merong tayo. Akala ko nga din e. Kaso hindi.

Akala ko. Gusto mo din ako. At oo. Nag assume ako. Umasa. Bakit kasi napakasweet mo? Lagi ako ang sinasama mo. Hinahanap hanap mo. Akala ko. Pero OO. Nagkamali ako sa pag aakala kong iyon

Handa na akong sabihin ang lahat sayo. Aaminin ko na sana ang lahat ng nararamdaman ko. Pero, nalaman ko bakla ka pala. Ang sakit.

Kaya pala . . Ganyan ka.

At ano namang magagawa ko? Bestfriend mo ako kaya susuportahan lang kita sa kahit na anong gustuhin mo!

Simula nang nalaman ko yun. Mas naging open ka sa akin. Kinukwento mo pa ang mga lalaking naging karelasyon mo. Kung pano ka nasasaktan. Minsan pa nga nagpanggap pa tayo na mag ON. Para lang pagselosin ang ex mo na patay na patay sayo!


Nakakatawa.

Bespren na nga lang ako sayo. May kaagaw pa.



. Siguro nga tanga ko. Kung hanggang ngayon. Umaasa pa rin ako sayo.

Pag ibig na kaya.Where stories live. Discover now