Naramdaman kong tumawa siya ng onti tapos nag-exhale din ng onti. “Oo na, bitiw na. Nasasakal na ako.”

“Ayaw!” angal ko pero niluwagan ko ‘yung pagkakayap ko sa kanya. “Sayaw muna tayo, hehehe.”

“Yuuuck! Bromance!” parinig nung isang lalaking hindi ko mamukhaan.

“Pakelam mo ba! Suntukin kita diyan eh! Ano? Ha! Lalaban ka?” sumbat ko naman. Nagmo-moment kami ni bespren tapos eepal?

Joke lang. ‘To namang si Charlie! Meron ka ‘no? Hahaha,” humahalakhak niyang kumento bago kami iniwan ni Chan-Chan.

Nagsimula na kaming magpa-sway-sway kahit mukha pa kaming dalawang lalaking nagsasayaw. Nitanong din niya ako kung bakit hindi na ako naka-gown edi nisabi ko nalang sa kanya na ayaw ko talaga. Sabi niya sa’kin, magagalit daw si Louie kung makita niya akong naka-tux na kaya sabi niya, hanapin ko na raw si Louie bago pa niya malaman sa ibang tao na hindi ko na suot ‘yung pinatahi niya.

Bago kami naghiwalay, yumakap ulit ako kay bespren. “Alabshu bespren! Prens por layp tayo ah, hehe.”

Alam kong hindi pipirmi si Louie sa upuan niya dahil sigurado namang aayain siyang sumayaw ni Sting Ray. Saktong nakita ko siya sa dance floor kaya lumapit na rin ako. “Bespreeeenn!!! Kanina pa kita hinahanap eyy!”

Tas nakita ko si Mason na umiiling sa tabi niya. Eh? Nagsayaw sila? Ambilibabol! Hmmm… may naamoy na ako sa dalawang ito eh. Magtatanong sana ako kaso, nanlisik ‘yung mga mata ni Louie kaya nalimot ko na ‘yung itatanong ko dapat.

“ANONG NANGYARI SA’YO?!” halos pasigaw niyang sumbat sa’kin at nagtuloy-tuloy na ‘yung pangangaral niya at hindi na talaga ako nakasingit. Parang armalayt lang ‘yung bibig niya nun – kesyo nagpatahi pa raw siya para lang siguraduhing parehas kaming naka-gown tapos magbibihis-lalaki lang naman daw pala ako. Napatingin na lang ako sa sahig.

Gusto ko sanang depensahan ang sarili ko kasi nga naaawa ako kay Maja na walang partner kaya nagmagandang-loob na lang ako. Pero sempre, alam ni Louie na palusot ko lang ‘yun, huhu. Tapos naungkat pa niya pati ‘yung halos isang linggong pag-iwas ko raw sa kanya.

Kaya di na rin ako nakapagtimpi. “EH KASI NGA BESPREN KAYA AKO UMIWAS NON KASI AKALA KO KRAS NA KITA!” bulyaw ko para lang matahimik siya. Wala na akong pakelam sa mga nakarinig, hindi naman totoo. Ayoko lang talagang nagagalit si Louie, parang mangangain ng tao eh, huhu.

Tas napalingon pa siya kay Mason na pigil na pigil ang pagtawa, ansarap ding sapakin nung isang ‘yon eh! “Hayaan mo na lang, Louie,” sabi naman niya bigla at nagningning ‘yung mga mata ko dahil ililigtas ako ng kapatid ko laban sa nang-aapi, hehehe. “Siya naman ang mananagot kung mahuli siya ng teacher eh.”

Tss. Kala ko naman kakampi sa’kin si Mason! Boo!

Pero gurabe, hindi ko naisip na nalungkot pala talaga si bespren nung umiwas ako sa kanya. Nakakalungkot nga kapag ‘yung mismong bespren mo, iiwas sa’yo. Buti nalang, nagkaayos na kami ni Chan. Subukan lang niya akong iwasan ulit, itatali ko na siya sa balakang namin ni Louie, muhahaha!

Tas pinaubaya na ako ni Mason kay bespren kaya kami nalang dalawa ‘yung nagsayaw. Pero nadidiskrak ako habang magkasayaw kami. Eh kasi naman! Anlaki talaga nung boobs niya eh! Muntik na nga niya akong sampalin nung sinabi ko sa kanya eh.

Pero naisip ko noon na hindi lang pala si Louie ang gumaganda. Gumu-gwapo din si Chan-Chan. Buti pa ang mga besprens ko… nagbibinata at nagdadalaga na. Samantalang ako… bata pa rin. Wala pa ngang boobs diba? Kaya nga maganda na ring nagbihis ako, baka kasi konting galaw ko lang, baka bumagsak na lang bigla ‘yung gown dahil walang kinakapitan. Edi nakita ang kaluluwa ko?

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now