PROLOGUE

15 1 0
                                        

PROLOGUE

Nagising ako ng biglang may sumigaw kasabay nito ay pagtama ng kung anong matigas na bagay sa ulo ko.

Puta, nananahimik yung tao dito. Ano bang problema ng losyang na yun at sinisira niya ang beauty rest ko.

(Seriously? Sa school mo pa talaga naisipang magbeauty rest?)

Inangat ko yung ulo ko mula sa pagkakayuko ko sa desk. At kinuha yung ibinato niya sa akin kanina. Wow naman, kahit papaano naappreciate ko yung effort niya. Seriously? Blackboard eraser?

Tumingin ako sa kanya sabay taas ng isang kilay. Nung tinaasan niya rin ako ng kilay ay agad kong binato sa kanya yung eraser.

*pok!*

Sapol!

"Putangina mo... get a life..." walang buhay kong sabi sabay yuko na naman sa desk.

Nagulat ako ng bigla niya ako sinabunutan kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo.

"Putangina mo ring babae ka! Anong karapatan mo para batuhin ako huh?! Hindi mo ba ako kilala! Walanghiya ka talaga! Pagkatapos mong agawin sa akin ang BF ko ay may gana ka pang batuhin ako pabalik!" Sabi niya habang sinasabunutan ako.

Sinabunutan ko na rin siya kaya napabitiw siya sa buhok ko. Nang makalayo ako ay agad akong nagsalita.

"Walanghiya ka rin babae ka! Ano bang pinagsasabi mo?! Ikaw?! Aagawan ko ng BF?! Tanong ko lang anong nahithit mo huh?! Atsaka! Hindi nga kita kilala pati yang BF mo!" Sigaw ko sa kanya sabay bato nung notebook na nahawakan ko.

Narinig kong bumulong yung classmate kong may-ari nung notebook na ibinato ko doon sa babae. 

"Putangina, mahal yung notebook nayun! Pagmasira yun, tangina mo lang!" Madiin niyang sabi

Kinabahan naman ako. Puta! Wala akong pambayad pagnasira ko yun. Maganda lang ako pero wala akong pera.

Dali-dali ko ring kinuha yung notebook na binato ko at ibinalik doon sa may-ari.

"Putangina mo rin! Walang sira yan!" Sabi ko sabay subsob sa mukha niya yung notebook na hawak ko.

"Tsk." Siya

So back na tayo sa babae I mean losyang na yun!

"Ano bang ikinapuputok ng matris mo huh?! Sino ba yang boyfriend mo huh?!" Ako

"Painosente ka pang malandi ka! Kilala mo kung sino siya!?"

"GAGA KANG LOSYANG NA ISDA KA! KASASABI PA LANG NA HINDI KO NGA KILALA KONG SINO! TAPOS SASABIHIN MONG KILALA KO! PUTANGINA! NILOLOKO MO BA AKONG LOSYANG KA?!" Sigaw ko.

Hindi na ako makatiis, puta! Ang bobo nitong babaeng to!

"GAGA KA RIN! HINDI MO KILALA!? ANO?! TAGABUNDOK LANG ANG PEG MO?!" Sigaw nito pabalik

Muntik ko na siyang mabato nung upuang nahawakan ko dahil sa sinabi niya kung hindi lang dahil sa sinabi nung lalaki kanina.

"500 pesos yan." Siya

Napag-isip-isip ako... Taghirap pala ako ngayon, sige wag na lang.

"Putangina mong losyang ka... isa na lang talaga at malilintikan ka na sa akin. Sino ba yang BF mo? FOR THE LAST TIME. Kasi pag hindi ka pa sumagot ng maayos, sa morgue na ang punta mo gaga ka." Mahinahong sabi ko.

Pero sana hindi ko na lang tinanong.

Putang-ina... makakapatay ata ako ngayong araw.

"JIRO EVAN SAAVEDRA!" Siya

"YUNG ABNORMAL NA YUN?!" Malakas at hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes babe, my honeymunch, my sweetypie, my forever, to infinity and beyond, till death do us part?" Tanong nito habang feeling cool na nakasandal sa may pinto at nakangiti.

Kill me now...

Feeling ko malapit na ang katapusan ko pagkakita ko pa lang sa mukha niya. O my God... masamang pangitain to, Amen!

~~~~~

(A/N: Oh! Sana walang magreklamo sa mga words na lumabas dyan. I repeat, puro kagaguhan, katangahan, at may kaberdehan ang storyang to kaya tiis kayo, hahaha. By the way, ayos ba? *wink*

PS: Gosh! Ang daming mura dito sa story kong ito! Nakakaloka! Haha XD)

The Unwanted CoupleWhere stories live. Discover now