June 6, 2010
Alas onse ng umaga.
Unang araw ko sa kolehiyo. Bagong paaralan, bagong mga kamag-aral. Bagong daigdig na pakikibagayan ko... At bagong gamit din, syempre!
Mas magaganda pala talaga ang mga paaralan sa Maynila kumpara sa pinagmulan ko. Biruin mo, sa facade pa lang ng gusali, may istatwa na. Tapos umiilaw pa ito kapag lumalalim ang gabi. Ang mga mag-aaral ay mas sosyal, may mga magagarang pananamit. At kung magdala ng pera sa isang araw, isa hanggang dalawang libo. Ako, dalawang libo lang sa isang linggo. Malaki rin naman na 'yun... Pero dahil malayo ang inuuwian kong bahay, ayun, ubos ang dalawang libo sa pamasahe at pagkain.
Kahit gano'n, may maipagmamalaki pa rin naman ako. Maganda ang cellphone ko noon! Samsung Punch. Yung pink na cellphone na may touch pad sa gitna. Pero siyempre, mas maganda pa rin ang mga cellphone ng mga ibang mga kapwa-estudyante ko.
Maganda ang bago kong paaralan. Maliit kung titignan ito mulaa sa labas, pero sa loob, mas malaki at malawak ito. Ang pasilyo ay de-tiles kung kaya't ang sapatos kong may kaunting takong ay tumutunog sa bawat pag-apak ko. Pinagmamasdan ko ang tinatahak kong landas. Napansin kong medyo luma na ang paaralang ito dahil sa mga capiz na bintana nito, at mga disenyo ng pader at ng mga lagusan na sa tingin ko'y hango sa mga disenyo ng makalumang Amerikano.
Habang naglalakad at namamangha sa ganda ng aking bagong pangalawang tahanan, tinignan ko ang registration card ko. 'dun ko kasi malalaman kung saan ako unang papasok na klasrum. Sa kolehiyo raw kasi, ikaw yung lilipat ng silid depende sa subject na nakasaad sa isked mo. alas-onse y media ang unang klase ko. At kailangan ko bilisan ang kilos ko para hindi ako mahuli sa klase.
At dahil hindi ko pa kabisado ang pasikot sikot ng paaralang ito, nagtanong na ako. Buti na lang may guwardiya na paikot ikot sa paaralan. Kinain ko na lahat ng hiya ko dahil male-late ako sa unang klase ko kung hindi ko mallaman agad kung saan ang unang klase ko.
" Psst! Kuya..." Nahihiyag nilapitan ko ang guwardiyang umiinom pa ng kape na sa tingin ko'y nabili niya sa nadaanan kong vendo kanina.
"Bakit miss?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ah," pinakita ko ang registration card ko. "kuya, alam niyo ho ba kung saan ko makikita itong silid na 'to?"
Tinignan niya nang maigi ang card ko.
"Ito ba?" sabay turo sa isang kombinasyon ng mga titik - TBA.
"Freshman ka ba? Ibig sabihin nito miss, wala pang eksaktong silid na mapupuntahan mo. Tignan mo sa bulletin board. May mga patalastas at paalala doon para sa mga freshman. Baka naroon ang hinahanap mong silid." Nakangiting sabi ng guwardiya habang itinuturo ang kinaroroonan ng bulletin board na sinasabi niya.
"Okey po..." Nahihiyang sagot ko. Lumakad ako palayo... Papunta sa tinurong landas ng guwardiya. Sa paglalakad ko, may mga nakakasalubong akong mga naka-civilian din katulad ko. Marahil ay mga freshman rin sila na naghahanap ng mga silid na pupuntahan nila.
BINABASA MO ANG
Talaarawan
Teen Fictionaraw-araw ay may mga kwento tayo. mahalaga man ang mga ito o hindi, ang lahat ng mga ito ay bumubuo sa ating pagkatao.
