Chapter 1

13K 210 20
                                    


Warning: SPG. Read at your own risk, please. Thanks!

--------------

Chapter 1

Frustrate

Mabigat ang loob ko hawak-hawak ang Statement of Account ko na naglalaman ng mga bayarin ko para sa semestre na ito. Alam ko kung gaano kabigat ang halaga na dapat bayaran. Gusto ko mang huminto na sa pag-aaral ay hindi puwede. Ayaw kong biguin ang taong umaasa sa akin.

Nahinto lang ang paglalakad ko noong naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Noong kinuha koi yon mula sa bag at nakita ang pangalan na lumilitaw sa screen ng phone ko ay do'n ko lang napagtanto na dalawang beses na palang nag-miscall si Mama. Parang naman kasi akong naglalakad sa hangin dahil sa mga problemang pumapatong sa diwa ko. Tumabi muna ako sa isang sulok at huminga nang malalim bago ko sinagot ang panibago niyang tawag.

"Ma," bungad ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang panginginig noon.

"Melissa, anak, kumusta ka na d'yan?" malumanay na tanong ni Mama.

Mariin na ang pagkagat ko sa aking labi dahil naiiyak na naman ako sa lungkot. Heto na naman ako, nagiging emosyonal kapag kausap si Mama nang ganito. Ang sabi ko, hindi dapat ako malungkot nang sobra ngayon, pero, isang malambing na boses lang ni Mama sa telepono, nanghihina ako.

Inilayo ko muna ang mukha ko sa aparato at kumurap-kurap, nagbabakasakaling umurong ang luha ko bago ko siya muling tinugon, "Okay lang po, Ma. Heto, studious ang inihenyera n'yo," nagawa ko pang magbiro sa kabila ng lahat. "Kayo po, Ma, kumusta na po kayo? Iniinom n'yo po ba 'yong mga gamot n'yo? Kumakain po ba kayo ng marami d'yan? Nagpapahinga po ba kayo sa tamang oras? Ma, bawal po ang mapagod, ha?"

Huminto lang ako sa pagtatanong dahil sa mahinang tawa ni Mama. "Ikaw talaga. Sa 'ting dalawa, parang ikaw pa ang nanay, e."

Napangiti na lang ako.

"Opo, iniinom ko, Mama Melissa."

Ngumisi tuloy ako. "Ma, uuwi po pala ako ng Sitio Esperanza bukas," anunsiyo ko.

Um-oo siya, "Ano'ng gusto mong pagkain pag-uwi mo rito?"

"Adobong sitaw, Ma."

"Sige...Isama mo na rin si Irwin, ha? Ang tagal nang 'di bumibisita ng batang iyon, e."

Ramdam ko agad ang panlalamig ng katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ng taong pinakaayaw kong marinig mula sa kaniya.

Nilunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko. "Ma, busy iyon. Malabong sumama si...Irwin."

"Gano'n ba?" naging malungkot ang tono ng boses niya, "Sana, makadalaw siya rito, ano? Kahit minsan lang. Nami-miss ko na talaga ang batang iyon."

Parang tinutusok ng maliliit na karayom ang dibdib ko. Nag-iinit na naman ang sulok ng mga mata ko. "H'wag po kayong mag-alala, Ma. Makakapunta rin siya r'yan."

"O, siya, sige na. Ba-bye na. I love you," malambing niyang sabi.

"I love you too, Ma," ngiti ko.

Nang ibaba ko na ang tawag ay tumulo agad ang masaganang luha na kanina ko pang pinipigilan. Pero, agad ko iyong pinalis dahil ayokong umiyak sa harap ng maraming tao.

"Okay ka lang ba?"

Napalingon ako sa taong nagsalita. Gumaan bigla ang dibdib ko nang makita ko ang si Jason. Pansin ko ang pag-alala niya sa akin. Sana lang ay tuyo na ang pisngi ko ngayong kaharap ko siya. "Oo, okay lang ako," pagsisinungaling ko.

For Our Benefits (Herrera Series # 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant