Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula pero ang masasabi ko lang ay hindi talaga pwede. Bakla siya. Badaf! Tapos ako na pure na babae magkakagusto sakanya? Oh no no. I cannot! Dapat mapigilan ko 'tong pesteng nararamdaman ko na 'to. Kabwisit na e.
Naglalakad ako nang maramdaman kong may sumabay sakin. Tiningnan ko ito kung sino at napangiti nalang ako nang malamang si Mikorin pala 'to.
"Hi, Misty." ngiting sabi niya.
"Hi," hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magkaibigan na kami ng taong minsang naging crush ko.
"Punta akong cafe. Sama ka?" Tanong niya ng nakangiti. Jusko, kailan ba mabubura ang ngiti nito? Nakakahawa e. Tanggalin ko yan.
Sumama na lamang ako sakanya sa kadahilanang guton na rin ako at wala akong kasama. Nagpaalam kasi sila Sab at Eunice na may pupuntahan kaya naiwan ako. Ewan ko ba dun sa dalawa; mastyado ng busy lately. Katampo tuloy.
But anyways, okay lang. Nandito naman sa Tyrone. "O, kain ka na," tumingin ako sakanya at nginitian siya. Nandito na pala siya.
"Thanks. Libre ba 'to," tanong ko na may halong tawa.
He chuckled and said, "Oo, salamat sayo Misty ha? Ikaw lang kasi yung palaging nakakasama ko dito sa campus. Baka naaabala na kita o di kaya'y naiirita ka na sa presence ko,"
Tiningnan ko siya habang umiinom sa binili niyang apple juice. "Hindi naman. Masaya nga ako't masaya ka na ngayon pagkatapos nang-"
Pinutol niya ang sasabihin ko at tumayo nalang siya, "tara na?"
Sumabay ako sakanya. Di ko alam kung saan kami pupunta pero itong puso ko sobrang naghaharumentado. Kakalakad palang namin a. Ano yon, pagod agad ako? Aish. Nangyayari lang to kapag nasa paligid si Ba-
"Chararat," -daf. Sabi na nga ba't siya. Umirap ako sakanya
BINABASA MO ANG
Falling Into A Badaf
Short StoryThis story inspires me from Warning: Bawal Ma-fall by marielicious Dedicated po sakanya.
