Thank you

16 0 0
                                        

(No prolouge. Sorry)

Nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan. Dun naman nagsisimula lahat diba? Nung araw na nagkayakagan ang classmates natin na kumain sa labas. Kasama na ako at ikaw. Hindi tayo close at hindi din tayo nagpapansinan. Nakakatuwa nga eh ano? Hindi ko aakalain na lalagpas pa tayo sa pagiging magkaibigan.

Ayos ka lang. Hindi ka ganon kagwapo pero hindi ka din panget. Malayo ang agwat ng upuan natin sa room kaya hindi kita nakakausap.

Hanggang sa maging close na tayo. Sabay na tayong umuuwi. One time nga nilibre mo pa kami ng kaibigan ko ng float sa McDo. At pinagselos pa natin yung Ex ko! Haha. Tuwing naaalala ko yung moments na yun, napapangiti ako.

Hanggang sa ang pagiging close friends natin ay lumevel up. Minsan nung uwian, sumama ako sa classmate natin para magpaturo nagvolleyball. Sakto naman na kasama ka. Maya maya pa hindi na ako nagvolleyball at nakipagkwentuhan nalang sayo. Niloloko pa nga kita sa kaklase ko kasi may gusto siya sayo. Natatandaan mo? 5:00 nagpaalam ako na uuwi na ako. Ikaw pa nga nagdala ng bag ko, eh. Tapos nung gabi, nagtapat ka sakin na crush mo ako. Nung una, speechless ako. Nung una wala akong masabi. Kaya nagreply nalang ako sayo "ah, yun lang naman pala. Hehe" pero deep inside di ko maipaliwanag yung feeling. Linggo nung sinabi ko sayo na may feelings din ako sayo. Tuwang tuwa ka nga non eh. At nung lunes, nililigawan mo na ako. Ang bilis ba? Hahaha. Halos 1 month ka ngang nanligaw sakin nun eh.

August 08, 2015 12:19 pm sinagot kita. Yes tayo na! Angsaya saya ko. Nakakapanibago diba? Kasi tayo na pala. Parang angbilis bilis naman ng panahon. Hahaha. Naalala mo nung first monthsary natin? Binigyan moko ng letter. At ganun din ako. Sobrang natouch ako sa mga nakasulat dun. Sabi mo pa nga paulit ulit mo yung binasa. Kaya natuwa naman ako kasi naappreciate mo.

Ang dami dami nating pinagdaanan. Nag aaway, nagkakatampuhan. Pero kahit anong struggles. Hindi tayo bumibitaw. Alam mo pa ba yung themesong natin na Perfect two? Pinag aralan ko nga pala sa gitara yun. Oo para sayo! :) Dumating pa nga sa point na muntik na tayong magbreak. Mabuti nalang matibay tayo. Hahaha. Diba sabi ng iba forever na tayo?

Ang bilis talaga ng panahon. 4 months na tayo! :D Nung nagrealtalk tayo? Hahaha. Natuwa ako dun. :D Tapos angdami nating moments na magkasama.

Pero di'ko alam na dito nadin pala tayo matatapos. Wala eh, against yung parents natin satin. Wala tayong nagawa. Unang beses na umiyak ako nung alam kong nahihirapan kana pero di ka sumusuko kasi mahal mo ako. Sinabi mo na lalaban tayo. Humingi pa nga ako ng space eh. Kinabukasan, di ko na kinaya. Ang hirap na ng sitwasyon eh. Ayun nga, Nagbreak na tayo. Wala ng tayo. Wala talagang forever eh no?

"Salamat kasi kahit sa maikling pagkakataon natin sumaya ako"

Alam ko na di pa tayo tapos dito. Sinabi mo na babalik ka. Pero hindi na ako umaasa. Madami akong bagay na hindi nasabi sayo. Madaming salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Pero hindi ko masabi. Kasi takot ako, takot ako na di na maibalik yung dating tayo.

Pero unti unti kong narealize na.. tapos na nga pala tayo. Bakit pa ako maghihintay sayo? Bakit pa ako maghihintay sa mga text mo? Simple lang, kasi mahal nga pala kita.

Thank you sa lahat ng efforts na nagawa mo para sakin, thank you kasi nakilala kita, thank you dahil hindi mo ako pinabayaan, thank you kasi napasaya mo ako kahit sa maikling panahon. Madami akong natutunan sayo, na babaunin ko hanggang sa pagtanda ko na may dumating at nakilala ako na katulad mo.

..yung taong hindi ka iiwanan sa maliit na dahilan.
..yung taong hindi ka bibitawan at ipagtatanggol ka sa sinuman.
..yung taong magsasabi sayo na "mahal kita" ng paulit ulit.

Ikaw yun. :">

Minsan,dumadating talaga sa buhay naten na kailangan nating bitawan yung mga bagay na mahalaga satin dahil hindi habang buhay may happy ending.

Thank you for all. Iloveyou :) Goodbye.

Thank youWhere stories live. Discover now