Pumikit pa siya ng ilang sandali saka tumitig na naman sakin.

"You never leave my mind Pamela. Since the first time we've met, ginulo mo na ang isip ko. All i ever wanted was revenge when i say i'll court you" Mas nilapit pa niya ang mukha niya sakin kaya naman napapikit na ko.

I closed my fist. Subukan mong idikit pa yang mukha mo masasapok kita!

"But.." bigla siyang nagsalita.

Nakapikit pa rin ako. Ayokong makita ang pangit na mukha ni LWB at baka hindi ako makapagpigil. Nasa loob pa rin kami ng school at ayokong masira ang magandang record ko.

"This time it's different. I don't want revenge anymore. I want you Pam. I want you to be mine" sabi niya kaya bigla akong dumilat.

Anong sabi niya?

Pero hindi pa man ako nakakarecover, bigla na lang niya akong hinalikan sa labi!

Asdfggghhjk!

Tangina!

Hindi na ko nakapagpigil at nasapok ko na! Tangina lang!

Hindi pa ko nakakaganti sa nagnakaw ng first ko tapos may second na?! Tangina.

Napaatras naman siya at hinawakan ang pisngi niya saka iiling iling na ngumiti.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kahit saktan mo ko, i won't change my mind. I still want you. Pupunta ako sa bahay niyo mamaya. See you later!" sabi niya saka lumabas ng room.

Napabuga ako ng malakas na hangin. Kingina. Ano yon?!

Naupo ako at sinapo ang noo ko. Sumasakit ang ulo ko. O diyos ko! Ano po bang malaking kasalanan ang nagawa ko para parusahan niyo ako ng ganito?

Ilang minuto din muna akong tumambay sa loob bago ko naisipang lumabas at pumunta sa canteen.

Napatigil lang ako ng makita ko si Cone na nakasandal sa labas ng room at nakayuko.

Lumingon siys sa direksyon ko at tumuwid ng tayo pagkakita sakin. Kumunot ang noo ko.

Ngumisi siya. Yung infamous na ngising aso niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Kikay" sabi niya habang papalapit sakin. "Tara samahan mo kong kumain. Gutom na ko!" sabi niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero dinuro ko siya.

"Subukan mong humawak. Masasapak kita!" banta ko.

Tinaas naman niya ang kamay niya ng parang hinohold-up.

"Chill!" sabi niya habang nakangising aso pa rin.

Nagsimula na kong maglakad at nilagpasan siya.

"Where are you going? Sabi ko samahan mo ko. Treat ko!" sabi niya habang nakasunod sakin.

Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad papuntang canteen.

Narinig kong bumuntong hininga siya ng makapasok kami sa loob ng canteen.

Kumuha ako ng rice, caldereta, lumpia, cheesecake at pineapple juice saka binigay ko sa kanya ang tray na hawak ko.

Nagtataka naman siyang inabot ito.

"Bayaran mo" sabi ko saka siya iniwan at naghanap na ko ng mauupuan.

Konti pa lang ang mga estudyante. 11 pa lang naman kasi kaya alanganin pa para maglunch.

Ilang saglit lang nang makasunod siya dala ang tray na binigay ko. Nilapag niya yun sa harap ko at umalis ulit. Pagbalik niya, may hawak ulit siyang tray at nilapag sa tapat ko at naupo.

Nakangiti siyang tumingin sakin.

"Let's eat!" sabi niya at nilantakan ang pagkain.

Napailing na lang ako at kumain na rin.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka tumayo.

"You're done? Wait!" mabilis na tumayo din si Cone at hindi na tinapos ang pagkain niya.

Problema nitong apang to? Psh.

Naglakad ako palabas ng school at hindi na ko nagtataka na pinagtitinginan kami ng mga tao. Para kasi siyang aso na sunud ng sunod.

"Uuwi ka na?" tanong niya ng makasabay siya sakin.

Hindi ako sumagot.

"Alam mo Pam. Namis ko yang katarayan mo. Ang maton mo tignan pero ang taray taray mo! Hahaha"

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"See? Ang sama makatingin. Sigang siga umasta! Pano ka magkakaboyfriend niyan?" pang aasar niya.

"Sino may sabing gusto ko magboyfriend?"

"What? Babae din ang gusto mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin bilang sagot.

"Naku! Isusumbong kita kay Papa. Sasabihin ko tomboy ang unica hija niya! "

"Manahimik ka!"

"Hindi ako tatahimik! Si Pam tomboy! Hahaha"

Leshe!

Binilisan ko na lang ang lakad papunta sa kotse ko. Wala siyang kwenta kausap! Walang matinong salita ang lumalabas sa bibig niya! Kingina lang.

Pero tumigil ako ng makita ko si Raven na nakatayo sa tapat ng kotse ko at may hawak na paper bag.

Hindi na ba mauubos ang mga asungot ngayong araw? Tanginis.

"Pam" nakangiting bati nito. "For you." sabay abot ng paper bag.

Gaya ng dati tinitigan ko lang yung inaabot niya. Pero may kumuha nito sa kamay niya.

"Woah! Mukhang masarap to a? Salamat!" sabi ni Cone at isa isang tinitignan ang laman ng tupperware.

Hampaslupang patay gutom!

Hindi ko na sila pinansin at sumakay na ko sa kotse ko at iniwan sila.

Pag-uwi ko sa bahay. Ang bango bango! Amoy mamahaling bulaklak! Pero nagulat ako ng tumambad sakin ang salas namin na puno ng bulaklak. At sa sofa ay prenteng nakaupo si LWB.

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko.

"I said I want you and im going to pursue you"

Good To YouWhere stories live. Discover now