"Class dismissed". Hay salamat at dinismissed na kami. 5:30pm-7:00pm ba naman ang klase namin sa kanya. Pero infairness, madali lang yung diniscuss nya ah. So bumaba na ko ng building para umuwi dahil pihadong wala na kong masasakyan. Pandalas nga ako e. Kase mukhang WWIII na naman sa bahay pag lalo akong ginabi ng uwi.
Ako nga pala si Vera Erika Alyssa Torralba. 19 years old. 3rd year college na. Education ang kinuha kong kurso. PEAHM major (MAPEH sa iba). Hindi naman katalinuhan pero matataas ang grades. Mayabang ba pakinggan? Yun lang ang kaya kong ipagmalaki e. Wala akong kaibigan sa college e. Harsh diba? Eh sa wala e. 1st year college palang ako e nabubully na ko. Hanggang sa sumabog na ko, nasuntok ko yung kaklase ko dahil sa kabullyhan nya. Ayun, simula noon, hindi na sila lumalapit sa akin at wala ng bumubully sa akin dahil sa takot. Hindi ako gangster ah, ayoko lang na pinipintasan ang lahat sa akin.
Nakasakay na ko ng jeep pauwi sa aming bahay nang makita ko ang mga kaklase ko noong high school na sila din super best of friends ko. Mula 1st year to 4th year high school, BFF na kami. Wala pa ding pinagbago ah. Ang iingay pa din sa nila. Ako lang kase ang napahiwalay sa aming circle.
"Kamusta ka na ba ate Vi? Hindi ka man lang nasama sa galaan e." Si Paulo. Isa sa mga best friend ko. Pinsan ko din sya actually. Alam nya lahat tungkol sa akin, lahat ng bagay bagay sa akin, alam nya. Sya lang ang pinagsasabihan ko e.
"Sorry naman, busy ang principal nyo. May thesis ako at may FS pa. Kayod kayod para sa diploma", sabi ko. Engineering kase ang course nila. Sila lang ang nagkakaintindihan sa mga bagay bagay. At ako, dakilang tagapakinig lang. Haha. Kwento kwento lang kame sa jeep. At isa isa na kaming nagbabaan patungo sa aming mga bahay. Syempre, ginawa namin yung friendship sign clap namin.
Huli akong bumaba dahil sa may bayan pa ang bahay namin. Pagkababa ko, biglang nag vibrate ang phone ko. Message. Unregistered number?
Hi.
Sino kaya to? Nireplyan ko sya kung sino sya. Biglang nagtext ulit.
Kim
Kim? Sya? Sya ba talaga? Bakit alam nya number ko? Muli syang nagtext.
Nakuha ko 'to sa kaklase mo nung HS. Kay MC.
What? Pero bakit? Anong kailangan nya?
At muli kong naramdaman ang kakaibang tibok sa aking puso.
YOU ARE READING
Isang Araw
Short StoryIsang araw, nagkakilala kami. Isang araw, naging magkaibigan kami. Isang araw, nagtapat sya ng nararamdaman nya para sa akin. Isang araw, naramdaman kong mahal ko na din sya. Isang araw, naging kami. Isang araw, masaya kami. Na parang kami lang an...
